Chapter 3

6 0 0
                                    


Pagdating namin sa Isang malaking lumang rest house may matandang babae. Kung i dedescribe ko siya hmm.. May katabaan siya pero matangkad mga nasa 60 na ang edad niya ganun.

Kumaway naman siya mula sa terrace ng rest house ng makita kame sa baba
Lumingon lingon naman ako sa paligid kanina ko pa kasi napapansin parang kame lang yung tao dito bakit ganun?

" maligayang pagdating" nakangiting saad ng matandang babae.

"Nay Josepina! kamusta? " At yumakap sa matanda.

"Hmm I heard relatives ni Victoria ang may ari ng resort na to, kaya nakalibre kame ng pasok" bulong saakin ni Maia. Tumango tango naman ako well likas na chismosa talaga tong pinsan ko hahaha.

"O siya sige magsipasok na kayo ng sa ganun ay makakain na tayo"  ni nay Josepina.

Sumunod naman sila sa pag akyat sa hagdan papuntang terrace. At ako? Well may something akong nafefeel kaya nagpaiwan ako sa baba nilibot ko na naman ang mata ko sa buong paligid. Iba talaga ang pakiramdam ko sa paligid na to eh.

Ilang sandali pa napagdesisyunan ko nang sumunod sakanila hahakbang na sana ako pataas ng makasalubong ko ang isang lalake. may katangkaran, hindi gaanong mapayat at maputi ang balat sa sobrang ganda ng buhok niya ay inililipad nito ng marahan ng hangin habang humahakbang siya pababa ng hagdan. Napakagwapo ay shet naman talaga!

Nagtama ang paningin namin ng lingunin niya ako  hindi ako makagalaw sa posisyon ko mas lalo na ng sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi feeling ko napako ako sa kinatatayuan ko ng ilang segundo. Bigla naman akong umiwas ng tingin shet umiiral na naman ang pagiging malandi ko! Tumuloy nalang ako sa paghakbang hanggang sa malampasan ko siya. Pagdating ko sa taas nakaupo na silang lahat sa hapag. Hehe ako nalang pala ang hinihintay nila.

Ilang sandali pa sabay sabay na kaming kumain, habang kumakain nagkwekwento si nay Josepina tungkol sa resort na to at base sa mga sinasabi niya wala naman akong naririnig na may something dito bat ganun? wala ba talaga o sadyang tinatago niya lang?

" uhm nay Josepina, bakit ba nagsara ang resort na to? " bumaling lahat ng tingin namin kay Maia ng itananong nya yun. Tumitig naman si nay Josepina kay Maia bago magsalita.

" wala na kaseng masyadong tao ang bumibisita dito kaya napagdesisyunan nalang ng may ari na isara. " paliwanag nya.

" bakit po kaunti nalang ang bumibisita dito? " tanong ko. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya ng itanong ko yun.

" I mean maganda naman dito eh, pero bakit kaunti nalang ang bumibisita na naging dahilan ng pagsara?" dagdag ko pa.

Sagot mader Josepina tsk² may tinatago ba?

"Ah matagal nako nagtatrabaho dito, dati kase may hindi magandang nangyari dito kaya nagka ganun" sagot niya saakin pero hindi siya nakikpag eyecontact saakin.

Go ahead I know you're hidding something and my goal in this vacation is to find it out.

"O siya sige bago pa kayo magsipasok sa mga kwarto ninyo nais ko lamang na malaman niyo ang patakaran dito." tumingin naman kame sakanya.

"Pwede niyong gawin lahat ng gusto ninyo dito sa "umaga" pero... Paglubog ng araw kailangan ay nandito na kayo sa loob ng rest  house nato malinaw ba?" Tumango naman kame.

" atsaka ipinagbabawal na pumunta sa lugar na iyon." lumingon naman kame sa tinuturo na direksyon ni nay Josepina nanlaki ang mata ko ng marealized kong doon kame kanina huminto sa may dalampasigan kung saan nakaramdam ako na para bang may nakatingin saamin galing sa lumang bahay na iyon.

" pinaka importanteng patakaran bawal lumabas ng gabi... At pumunta sa lugar na iyon" dagdag pa niya.

Hindi nga ako nagkakamali may tinatago nga sila sa lugar na yon.

Napangiti naman ako. para saan pa ang rule kung hindi pwedeng baliin?

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now