Chapter 4

5 0 0
                                    

10:45pm

Nandito pa rin ako nakatunganga sa malawak na terrace ng rest  house maganda naman ang paligid, presko ang hangin pero bakit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok? lumingon ako sa loob ng sala pero busy silang  manood ng movie.

 
mom calling...

Napataas naman ang kilay ko ng makitang si mom pala ang tumatawag hays sesermonan na naman ako neto. Lumingon muna ako  sa  kisame at nagbilang Oo ganito ako magdecide kung sasagutin ko ba ang tawag niya o i cacall ended ko. Ilang sandali pa napagdesisyunan ko ng i call ended nalang ang tawag ni mom ng mahagip ng mata ko ang isang ilaw na sa di kalayuan. Isang lampara bitbit ng isang taong naglalakad
Kumunot ang noo ko ng makitang papunta siya sa direksyon kung saan ipinagbabawal kameng pumunta. Curious ako kaya tumayo ako sa pagkakaupo  at lumapit pa ng kaunti sa harang ng terrace. Nagulat ako ng makitang babae ang may dala ng lampara at hindi ko alam kung anong laman ng puting sakong hila hila niya. Eto na na?baba na dorothy! eto na yung hinihintay mo diba lets gooooo!

Dali dali akong bumaba ng hagdan at naglakad papunta sa direksyon na yun pero syempre malayo layo ako nuh baka mahuli pa ko eh. 

 

Sa di kalayuan nakita ko ang babae na ipinasok nya ang sako sa pinto at sinara agad ito. Aba may kadena pa plus padlock sa pinto iba...  Habang sumisilip doon sa matanda biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng lumingon sya sa pinagtataguan ko at  naglalakad na sya papunta sa akin

Paksheettt magisip ka Dorothyyyy huhu.

  Eto na, no choice na to kundi ang tumaas ng puno at magtago Oo parang tanga pero ito nalang ang tanging paraan kaya naman Dali dali akong kumabit sa sanga at parang unggoy na umakyat at umupo sa taas ng sanga ganern! 

Btw MAGANDANG UNGGOY OKEY? hehe. Wag ng maginarte kung kayo nasa posisyon ko malamang eto din gagawin nyo amp!

Nakita ko naman ang matandang babae na nagpalibot libot sa baba ng puno natatakot nakooooo!
Napahawak ako sa bibig ko ng makilala ko ang mukha ng matandang babae na to sheettt si Nay josepina!

Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na sya.  Pagkaalis nya bumaba nako ng puno at dahil sa takot tumakbo ako ng mabilis pa sa mabilis mga 100km/hr.   

Pagdating ko sa hagdan ng terrace hahakbang na sana ako ng bigla akong nabangga sa likuran ni nay Josepina mas lalo akong nagulat ng humarap sya saakin sisigaw na sana ako dahil sa gulat ng bigla syang magsalita


"o iha saan ka naman galing? " napaka mahinahon ng pagkakatanong nya na para bang bumaba lang sya para silipin kung  sarado na ba lahat ng pinto. As in wala kang makikitang kahit anong pagkakabigla o ano man na baka nakita ko ang ginawa nya sa lumang bahay na yun.

" a-ahh, may hinahanap lang po kase ako dito sa hagdan baka po kase naihulog ko dito ang kwintas ko, ka-anina" nabubulol kong sagot. 


Ngumiti naman sya saakin at... Inakbayan ako!



p*tangina feeling ko kakainin nya ko ng buhay whaaaa!

" tara na't matulog bukas mo nalamang ipagpatuloy yan"  saad nya

" ah s-ige po" sagot ko naman.

Nasa kwarto nako ngayon pero patuloy paring nagflaflash back lahat ng nakita ko

"hays ano ba kasi yung laman ng sako? " tanong ko sa  sarili ko ilang sandali pa narinig ko nang tumatahol yung aso sa labas sumilip naman ako sa butas ng bintana wala namang tao sa labas eh. bigla naman akong napa atras ng may kaluskos akong narinig sa bintana ko napatakbo ako palabas ng kwarto at dumeretso sa kwarto ni Maia.

  

" dude dito nako matutulog goodnight"  bigla akong lumundag sa kama nya at binalutan ang katawan ko ng kumot ayokooo naaa netooo!

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now