chapter 21

1 0 0
                                    

10pm...

"Isara niyo ang lahat ng bintana at pinto!" Napaayos ako ng upo sa sigaw ni nay Josepina anong nangyayari? 

"Bilisan niyo! "Sigaw niya ulet. Nagkandarapa naman kameng isara lahat ng lagusan na pwedeng pasukan ngayon napalingon naman ako sa hagdan ng makitang paakyat si mang Alejandro at sir Antonio hinihingal sila ng makarating sa sala.

" lahat kayo maupo dito sa sala ngayon din! " utos ni ma'am Soledad bakas naman ang pagaalala ng mga kasama ko pati ako kinakabahan sa kilos nila anong nangyayari?

nagsitahimik kami bigla ng tumahol ang aso sa labas at ilang sandali pa biglang may malakas na tunog ang narinig namin sa main door isang tunog na tila sinusubukang buksan ang malaking pinto!  

" nandyan na siya" nagaalalang saad ni mang Alejandro.

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa mga horror movie ko lang naman to nakikita ang mga ganitong eksena eh!

Napalingon naman kame ng bigla lumabas ng kusina si tito Antonio dala ang mahaba at talagang kumiginang sa tulis na itak goshhh anong nangyayari?  

"Omg! What's happening" kinakabahang tanong ni Maia sinenyasan naman siya ni nay Josepina na tumahimik. Paglipas ng ilang sadaling pananahimik namin biglang may malakas na bagsak ang narinig namin sa labas ng terrace!  

"Sus maryosep! " biglang bulalas ni nay nakita ko namang naiiyak na si ma'am Soledad at kitang kita ang pagkakabigla at takot sa mga mukha ng mga kaibigan ko.

" Dorothy what's happening? O my god" nagaalalang tanong ni Maia saakin niyakap ko naman siya.

Naglakad naman papalapit si tito Antonio sa pinto ng terrace at lahat ng tingin namin ay nasa kanya habang nagaabang ng susunod na mangyayari.

"Nigo did you lock that door? " bulong ni Maria Julia habang tinuturo ang pinto sa terrace nabaling naman ang tingin ko sakanila nakita ko naman kung paano nanlumo si Nigo ng umiling siya kay Maria Julia pakshet ibig sabihin hindi yun naka lock!

akma na sana akong pipigilan si sir Antonio ng biglang bumukas ang pinto at tumambad saamin ang  nakakatakot na itsura ni Kerosen. Nagsitilian naman ang mga kasama ko at hindi na nila alam ang gagawin naistatwa ako sa kinatayayuan ko ang nakakatakot na presensya ni Kerosen ay mas nakakakilabot dala ng bilog at maliwanag na buwan sa kanyang likuran.

Hindi maari. ito na ba ang sinasabi nilang mas mapanganib si Kerosen sa pagsapit ng kabilugan ng buwan? O my gosh katapusan ng month ngayon ibig sabihin ito ang araw na sinasabi nila? 

Nagsitakbuhan na ang mga kasama ko papuntang kusina maliban saakin at kay tito Antonio at mang Alejandro alam kong may pinto doon at sigurado ako doon sila lalabas para makatakas. Naririnig ko pa na sinisigaw nila ang pangalan ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa posisyon ko naninigas ako sa takot pakshet!

Lalo pa akong nanginig sa takot ng makitang tumabingi ang ulo ni Kerosen puno ng bahid ng dugo ang katawan niya nananaliksik din ang mata niya kitang kita ko din ang bibig niya na punong puno ng dugo napatingin ako sa kamay niya at lalo akong natakot ng tumingin ako sa lapag at nakita ko ang mga tumulong dugo na galing sa mga mahahabang kuko ni Kerosen. Ano ng gagawin ko?

Humakbang naman siya kaya bigla kameng napaatras sasaksakin na sana siya ni sir Antonio ng bigla siyang makailag at  puno ng pwersang tinulak ang ama niya at si mang Alejandro. ng humadusay sila ay biglang napatingin saakin si Kerosen lagot na!

Dahil sa gulat bigla akong napatakbo sa main door ng rest house

Tangina ayaw bumukas shet! Tumakbo na naman ako sa kusina pero sarado na ang pinto nakita ko naman ang bintana sa kusina na nakabukas kaya tumaas ako sa mesa at lumusot doon gosh ayoko pang mamatay! Sinong  magpapakasasaw sa ari ariang imamana ko?  Hindi pa ako pwedeng mamatay ako ang bida sa istoryang to author help! 

Paglabas ko biglang akong sinalubong ng napakalamig na hangin tumayo ang balahibo ko dahil dun maliban sa buwan wala ng ibang liwanag sa labas tatakbo nako to the highest level! Pero masyadong malaki ang resort saan ako pupunta my god nasaan na ba sila?

Tumakbo naman ako papunta dun sa rest house kung saan ko dati naiwan ang usb papasok na sana ako sa loob ng mapalingon ako sa nagsalita sa likod ko. 

"Dorothy... " Malamig at paos niyang tawag sa pangalan ko my goodness!  Ayoko na talaga I swear! Humahakbang naman ako  palayo sakanya at humakbang naman siya palapit saakin.

"Bakit moko iniiwasan? " seryoso niyang tanong.

Siraulo ulo ba siya ako kaya maging aswang tapos tatanungin ko siya bakit niya ako iniiwasan!

"A-hh h-hinde, ano k-kase..." humakbang naman ulit siya palapit! 

"Wag kang lalapit! " sigaw ko pero hindi siya nakinig patuloy siya sa paghakbang at mukhang natutuwa pa siya.

"Whaaaa! " sigaw ko at kumaripas ng takbo kasalanan ko to eh! Akala niya siguro di nako natatakot sakanya ang tanga ko! Tumakbo naman ako papunta sa kabilang rest house at napasandig sa dingding nito hinihingal nako di ko na kaya  napaupo ako sa sobrang pagkakagulo kung panaginip man ito sana sana magising nako... Tumulo na ang luha ko  hindi ko nga alam kung bakit nakasurvive ako dito eh pero ngayon mukhang wala nakong takas.  

Mom, dad siguro naging masama akong anak sainyo baka nga ito na ang karma ko eh pero pwede bang humingi ulet ng second chance? Magiging mabait at responsable nako I promise. Napayakap ako sa mga binti ko habang umiiyak...

I KNEW YOUR SECRET (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें