chapter 20

1 0 0
                                    


Ilang araw na lang at dumating na ang hinihintay ko. aalis na kame sa katapusan ng buwan hays gustong gusto ko ang lugar na to hindi man maganda ang mga memories ko dito masaya ako at kahit papaano napunta ako dito.

Habang tinatanaw ang madilim na paligid dito sa terrace may narinig akong sigaw, hindi siya pang karaniwang sigaw yung sigaw na naghihinagpis at gustong makawala kaya napatayo ako sa pagkakaupo at dumungaw sa labas. Nagulat ako ng makitang papunta sa rest house namin ang pamilya ni Kerosen akay akay ang isang babae.

"O my god" napabulong ako sa sarili ko ng makitang si Esthefania ang akay nila napatakbo naman ako sa sala kasabay nun ay ang paglabas ni Victoria at ni nay Josepina sa kusina nagsilabasan din ang mga kasama ko sa kwarto nila nanlaki ang mata ko ng makitang duguan si Esthefania ang puti niyang damit ay nabalot ng dugong nanggagaling sa malaking sugat niya sa braso. Nakita ko namang humahagulgol ng iyak si ma'am Soledad at mababakas ang galit at pag aalala sa mukha ni sir Antonio.

"Anong nangyari diyan, sus maryosep kang bata ka! " nagaalalang sabi ni nay Josepina at inabot kay Antonia ang first aid kit.

"Sinabi ko ng wag siyang lalabas ng ganitong oras ang tigas ng ulo! " sigaw ni sir Antonio Bigla naman akong kinabahan oh no si Kerosen...

" alam kong nagaalala kayo ngunit kailangan muna namin magkaroon ng pribadong paguusap" saad ni nay tumango naman sila Maia at nagsibalik na sila sa kanilang mga silid akma na sana akong aalis na din ng tawagin ni nay Josepina ang atensyon ko.

"Dorothy dito ka lang" naguguluhang tinignan ako ni Maia pero tinanguan ko lang siya para ipahiwatig na ayos lang ako. Tumango naman ako kay nay at bumalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Pumunta kaba sa lumang rest house? " tanong ni sir Antonio kay Esthefania. Nagtuloy tuloy naman ang pagtulo ng luha niya habang nakatingin sa kanyang ama. Omygad napahawak ako sa bibig ko bigla akong kinabahan.

"Sinasabi ko na nga ba" napapailing niyang sabi. Anong ibig sabihin nito? Sinaktan ni Kerosen ang kapatid niya? O my gosh bakit niya ginawa yun?! Lumingon naman saakin si sir Antonio kaya nagulat ako.

"Kailangan niyo nang makaalis dito sa lalong madaling panahon iha" maawtoridad niyang saad.

"Hindi sila aalis dito" angal naman ni nay Josepina habang seryoso ang tingin.

"B-bakit? " tanong ni tita Soledad.

"Dahil mas mapanganib kung aalis sila walang byahe sa katapusan ng buwan. Lalo pa at nababalitaan kong may mga masasamang taong nakakalat sa labas ng resort dayo lamang sila dito kaya dapat lamang natin silang protektahan" pagpapaliwanag ni nay.

"Anong pagproprotekta pa ang maibibigay natin kung dito mismo sa loob mapapahamak sila? " depensa ni sir Antonio.

Bumaling naman ang tingin ni nay kay Victoria.

"Victoria diba napagusapan na natin ang tungkol dito? " sigaw ni nay.

"O-opo per---" naputol ang sasabihin ni victoria ng
bigla siyang sigawan ni nay
Josepina

"hindi mo pinaalam sakanila na kailangan na nilang umalis?" Nakakunot noong tanong ni nay sakanya. What? Dapat ba nung nakaraang linggo pa kame umalis? Sabi nila pagkatapos ng dalawang linggo ano to!

"Iresponsable! Alam mong wala ng biyahe ng barko sa katapusan Victoria " galit na sigaw ni nay.

Tangina talaga ni Victoria ipapain niya talaga kame!

"Manang ano bang nangyayari?" Tanong ni ma'am soledad.

"Tahimik ang resort soledad, hindi ko alam anong pumasok sa utak ng anak mo at nagdala ng mga bakasyonista rito." Paliwanag ni nay.

"Ma, hindi ko sinasadya naaawa nako kay Kerosen gusto ko lang tumulong" sagot naman ni Victoria.

"Makatulong saan? Lalo mo lang dinagdagan ang problema." Litong lito ang mga kasama ko sa sagutan ni nay at Victoria.

" hindi na dapat pa nakakakilala ng mga ibang tao si Kerosen soledad. Umuuwi kayo rito isang beses sa isang taon kapag dumadating ang araw na to ang kabiluhan ng buwan kung saan mapanganib ang anak mo. Nalalampasan natin ng tayo tayo lang pagkatapos ay bumabalik lahat sa dating gawi pagkatapos ng isang gabing bilog ang buwan." Patuloy ni nay.

" pero masaya si Kerosen nay. Nakikita niyo ba ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganun, tumawa ng ganun. Tsaka nay susubukan lang naman natin ma, pa. ang sabi ng manggagmot diba baka maging okay ang lahat kapag nakakain siya ng laman ng tao" sumbat ni Victoria.

"What the hell! Talagang gagawin mo kameng experimento ha Victoria?" Pinigilan naman ako ni nay dahil talagang masasapak kona tong babaeng to.

" may usapan na tayo nay anong nangyare don!" Baling ko kay nay Josepina.

"Mapanganib na kuya Kerosen." Natahimik kameng lahat ng sa sinabi ni Esthefania.

"Ilang araw na lang kabilugan ng buwan na kailangan na nating maghanda" dagdag pa ni mang Alejandro
tumayo naman ang balahibo ko sa sinabi niya ngayon nakuha na niyang manakit ng kapamilya niya ano na lang kaya kami?

Hindi maari, ang mga kaibigan ko, si Maia.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now