CHAPTER 48

0 0 0
                                    

"Kerosen!" Malakas na sigaw ni Lewis ng makita ako kaya bigla akong napatayo at umiwas ng bigla niya akong ambahan ng suntok. The heck!

" What the fuck is wrong with you! Nagusap na tayo I told you saktan mo na lahat wag lang ang kapatid ko!"  Galit niyang sigaw.

Parang nanghina naman ako sa sinabi niya. Naupo ako ulit sa bench habang natatawa, namalayan ko nalang na may luha na sa pisngi ko.

H-Hindi ko naman gustong saktan siya.

"Pare... Ipaliwanag mo saakin to. Bago pa magdilim ang paningin ko sayo" usal niya at naupo sa tabi ko. Napahilamos naman ako sa mukha ko paano ko ba kasi ipapaliwanag gulong gulo na ang isip ko.

"Alam na ba ng parents niyo?" Biglang tanong ko
Masama naman ang mukha niyang umiling saakin.

"Nakipagbreak ako kay Dorothy kase, kase kung hindi ko gagawin yun, Mamamatay siya Lewis" gulat naman siyang napatingin saakin.

"Siraulo ka ba? Sinong baliw ang papatay sa kapatid ko ng mabira ko na!" Sigaw na naman niya.

"Si Valeria" sagot ko natigilan naman siya.

"Ano?" Hindi niya makapaniwalang reaksyon.

"Anak siya ni Natasya." Panimula ko napahawak naman siya sa bibig niya.

"Wag mong sabihin saakin yan yung baliw na ex ng tatay mo?" Kahit nasa seryosong sitwasyon natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit mo alam?" Nagtataka kong tanong.

"Lasing lang ako nung gabing yon pero rinig na rinig ko ang kwento mo nung una tayong nagkakilala sa bar. Hindi rin ako makapaniwala nung una akala ko ginagago mo kame ni Gicelle pero nakumpirma ko lahat kay Dorothy. hindi naglilihim saakin ang kapatid ko Kerosen alam ko lahat ng nangyari sainyo." Nagkatitigan kame.

"Dito sa resort na to." dagdag niya. Napalunok naman ako. 

"Isa na rin yang baliw na ex ng tatay mo ang kwinento saakin ng kapatid ko. Kaya gulat na gulat ako na nanay siya ni Valeria" patuloy niya.

"Matagal ko ng alam. Kung kaninong angkan siya galing. Imposibleng nakipag kaibigan siya saakin ng walang dahilan. Hindi ako tanga Lewis alam kong pinapaikot lang tayo ng babaeng yan."

"Do you remember nung sinabi ko sayong may napapansin akong umaaligi sakanya? Pakana ni Valeria lahat ng yon." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko, hindi ko alam kung panong parang bumalik ako sa katinuan. ikaw ba naman ambahan ng suntok baka mauna ko tong mapatay kaysa kay Valeria.

"Ano namang konek nitong ginawa mo ah!" Sigaw na naman niya. Tsk magkapatid nga sila.

" We had a deal. Iiwan ko si Dorothy titigil na siya sa kahibangan niya." Sagot ko.

"Tapos yung baliw na Valeria na yun ang papakasalan mo ganun ba? Nagiisip ka ba Kerosen? Paano mo sasabihin sa pamilya natin to? Tangina namang babaeng yan papatayin ko yan!" Gigil na sabi ni Lewis at sinipa ang kahoy sa harap niya.

"Galit na rin saakin ngayon ang mga kapatid ko---"

"Malamang anong gusto mo magcelebrate sila kase nakipag break ka sa fiance mo? Ulol!" Sigaw na naman niya kaya lalo akong nainis.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now