CHAPTER 42

0 0 0
                                    

"Iha, tapos na ba iyan?"  Bumalik sa realidad ang utak ko ng marinig ang boses ni nay Josepina. Nasa kusina kame at nagluluto hindi ko na namalayan na natadtad ko na pala ng pinong pino ang bawang.

" May galit ka ba sa bawang na to at tinadtad mo ng ganito?" Natatawang asar ni nay saakin nginitian ko na lang siya.

Nasa sala kase ang atensyon ko. Panay ang tawanan nila kuya Lewis, Anthonia, at Kerosen  habang nagkukwento si Valeria. Ako lang ba ang nakakaramdam ng kakaiba kapag tumitingin siya kay Kero? Hays nahihibang na ko.

hininto ko ang paghiwa ng mga gulay at napaisip.

Nagseselos ba ako? Bakit naman ako magseselos? Ano naman ang nakakaselos? 

Inilapag ko ng malakas ang kutsilyong hawak ko na lumikha ng ingay sa buong kusina. 

"Oh iha, ano bang nangyayare sayo?" Alalang tanong ni nay pero may mapang asar na ngiti sakanyang labi.

"Tsk nakalimutan ko, may tatawagan pa pala ako sa office nay hays" palusot ko.

"Oh ganun ba? Wala ba kayong sekretarya?" Tanong niya.

" Ako kase ang kailangan kumausap doon eh. Sandali lang nay" paalam ko at lumabas ng kusina.

Natahimik naman silang lahat sa sala habang pinapanood akong maglakad papuntang kwarto.

" Hey are you okay? What's that noise?"  Tanong ni kuya saakin

"Ha? Anong noise?" Kunwaring takang tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad.

" That noise in the kitchen?" Kunot noong tanong ni Kerosen saakin. Parang bigla naman nagiba ang mood ko ng magtama ang tingin namin.

"Ingay sa sala lang naman narinig ko bakit nasama ang kitchen?" sarkastiko kong tanong.

"Psh! I didn't hear anything naman eh" natatawang sabat ni Valeria.

"See?" Natatawang sabi ko at sumulyap kay Valeria.

"Saan ang punta mo?"  Nakakunot pa rin ang noo ni Kerosen habang nakatingin saakin.

" Kwarto may importante pa akong tatawagan sa office" nakita ko namang  nagreact si kuya.

" It's okay kuya ako ng bahala" nakangiti kong sabi.

Tss trabaho niya naman to eh ang tumawag sa office for updates sakanya naka assign to! Pero gusto ko lang talagang marinig pinaguusapan nila dito sa sala kaya nagkuwari ako kay nay na may tatawagan. But it turns out na pag labas ko pa lang ng kusina eh tahimik na sila.

Bago pa man ako  maglakad papuntang hallway ng mga kwarto pasimple ko pang sinulyapan si Kerosen pero seryoso lang siyang nakaupo sa sofa at nakatutok na ang atensyon nila ulit kay Valeria.

Matapos kong tumawag sa office ay bumalik na ko sa kusina at nagsimula ng magluto. Nasa sala na si nay at nakijoin sa paguusap nila kaya naiwan akong magisa dito. Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman kong may tao sa paligid.

" So marunong ka pa lang magluto?" Nagpandig agad ang tenga ko. Hindi ko gets kung curious lang ba siya sa pagkakatanong niya oh nang iinsulto siya. Ano bang akala niya saakin isang entitled rich girl na walang alam sa gawain bahay?

" Ah yeah. Im also taking up culinary arts so basically I am fluent in the kitchen " nakangiti ko siyang nilingon at ngumiti naman siya ng tipid.

" That's Kero's favorite ulam isn't? Alam mo palang lutuin yan?" May halong asar ang tono ng boses niya.

Akala ko ba isang mahinhin at mabait na babae to? Nasaan na ang Valeria na yun? Inglishera na at sopistikada!

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now