chapter 37

3 0 0
                                    


Napaungol ako sa inis ng maramdaman kong tumama saakin ang sikat ng araw iminulat ko naman ang mata ko at bumungad saakin ang nakangising mukha ni Kerosen na nakasandig sa bintana kung saan nanggagaling ang sinag ng araw.  
Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga dahil sa gulat lumingon naman ako sa kabilang kama pero wala si ate... 

"hoy sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok dito? " naiinis kong sigaw sakanya at pinulot ang unan sa kama at ibinato sakanya bigla naman siyang umilag at tatawa tawang nag cross arm saakin. 

"bawal ba? ang alam ko pagmamay ari namin ang rest house na to." pilosopo niyang sagot.  

"atsaka hindi ito ang magiging unang beses na ako ang bubungad sayo pagkagising mo sa umaga" naglakad naman siya papunta sa harap ko.

"ano? " kunot noo kong tanong. Ano pang pinagsasabi nito ang aga aga. humakbang naman sya palapit pa saakin na ikinaatras ko.  

anong gagawin nya?

"itong gwapong mukhang ko araw araw mong makikita pag asawa na kita... " kinindatan niya naman ako at nilapag ang unan sa likod ko. Napadramatic ng lalakeng to.

"Masyado kang confident na papakasalan kita? Bakit boyfriend ba kita?" Gulat naman siyang lumingon saakin sa sinabi ko.

" Okay lang naman kung ayaw mo saakin pero paano na ang negosyo?" At talagang ginamit niya pa yon para paikutin kameng lahat! Ng hindi ako nakapagsalita ay nagsalita siya ulit.

"kumilos kana dyan may pupuntahan tayo" utos niya at tumalikod na para maglakad paalis. 

"teka bakit? " nagtataka kong tanong. 

"kase may pupuntahan tayo" 

"alam ko! I mean saan? bakit? "

"bat ba ang dami mong tanong? hindi naman kita kakainin... Hindi pa ngayon" pangaasar niya na naging dahilan ng pamumula ng mukha ko.

naintindihan ko ang ibig niyang sabihin! kadiri manyak!!! 

natawa naman siya bago lumabas ng kwarto ko naiiling naman akong humarap sa salamin at halos humalakhak nako sa itsura ko gulong gulong ang buhok ko at gusot din ang damit ko hindi ba siya na turned off saakin?

pagkatapos kong magayos lumabas na ko ng kwarto dumeretso agad ako sa kusina para mag agahan natuod naman ako sa kinatatayuan ko ng makita na nasa akin lahat ng tingin nila shet nagaalmusal pala silang lahat bat hindi ko naiisip yun?

"g-good morning " yun nalang ang lumabas sa bibig ko sa kahihiyan ngumiti naman silang lahat kaya lumuwag ang paghinga ko gosh!
naglakad naman ako palapit sa lamesa para maupo ng mahagip ng tingin ko si Kerosen na nakatingin saakin.  
kinuha ko naman ang pandesal na nakahain at kinagat yun.

"anong ginagawa mo? " tanong niya.

"kumakain malamang di ba halata? " sagot ko bigla namang ngumisi si kuya Lewis na ikinalingon ng lahat. wala na ba talagang ibang role to kundi ang ngisian ako?

"wag kanang kumain" usal ni Kerosen.

"ano? " galit kong tanong sakanya kanina pa siya ah!  

"ahh pahiram po muna kay Dorothy" paalam niya na nakatingin kay mom at dad. tumango tango naman naman sila.

" Excuse po muna sainyong lahat enjoy your breakfast." Nakangiti niyang paalam.

god this guy ano ako damit para hiramin?

hinila niya naman ang kamay ko palabas kaya wala nakong nagawa kundi ang sumunod sakanya. tahimik lang akong naglalakad habang magkahawak ang kamay namin. bumibilis ang pagtibok ng puso ko. napangiti nalang ako ang lambot ng kamay niya. Namiss kong hawakan naalala ko tuloy nung nasa palengke kame. Napakaarte niya talaga naman!

bigla naman siyang huminto kaya huminto na rin ako teka parang alam ko ang lugar na to ah? 

itinuro naman ni Kerosen ang isang kalakihang rest house napanganga nalang ako ng marealized na ito ang rest house kung saan halos lampas isang dekada siyang nagkukulong dito pagsapit ng gabi.

mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya, Ang rest house na to.

Dati sobrang nakakakilabot tignan at mababakas ang kalungkutan dito... pero ngayon matingkad na ang kulay niya at napapalibutan ng mga naggagandahang bulaklak sa paligid. hindi ako makapaniwala na isa na tong restaurant... sumilay naman ang matamis kong ngiti ng tignan ko si Kerosen. Lumingon ako sa likuran hinahanap koang punong inakyat ko makatago lang kay Nay Josepina. May swing ito sa sanga na pwedeng upuan may nakapalibot ring mga bulaklak sa puno. hindi ko alam pero dahan dahan akong humakbang sa pinto ng restaurant na to.
natutuwa ako dahil sa dinami rami ng napagdaanan niya nandito siya ngayon nakatayo at patuloy na lumalaban habang nagiging maayos na ang lahat. 

siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya nagpakamatay nako pero hindi siya sumuko at ngayon kasabay ko siyang nakatingin sa lugar na to. napapikit naman ako ng maamoy ko ang napakabangong pagkain sa loob. Pagmulat ko isa itong cafe. Ang ganda ng interior Spanish era ang designs nagkikintaban din sa kinang ang mga designs sa bawat sulok medyo lumaki na rin ito at nakapalibot ang glass wall sa resto na kita ang ganda ng view ng dalampasigan sa di kalayuan.

  " O my god" naluluha kong usal, Im so proud of him. bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Hindi pa siya nakapagreact agad pero yumakap rin siya pabalik.

" Im so proud of you" mahinang usal ko. Narinig ko p ang mahinang tawa niy.

"Thank you, this is all because of you Dorothy. I miss you so bad. Nangako ako na sa pag balik mo Maayos na ang lahat. I wasn't expecting to see the light at the end of the tunnel that time. Maybe because I wasn't afraid anymore to stay at the dark because I know you were with me"







BTW eto ang theme song nila enjoy :)

       Monster- Nightcore

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now