chapter 23

1 0 0
                                    


"Sus maryosep! Dorothy  iha" biglang sigaw ni nay saakin ng makarating siya sa harap ko hindi ko naman tinanggal ang kamay ko sa tagiliran ko dahil patuloy parin sa pagdurugo ng sugat ko.

"Lo siento, lo siento Dorothy" (I'm sorry)  Naiiyak na sabi ni ma'am soledad saakin.

" ayos lang po ako" sagot ko.

Pero nabaling ang tingin ang tingin namin kay sir Antonio ng kinuha nito ang baril.

"Antonio anong gagawin mo? " tanong niya.

"Nakikita mo ba, dalawa na ang napahamak ano wala ba tayong gagawin? " Galit na sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko ng  makitang desidido na siyang patayin si Kerosen.

No... Hindi sya pwedeng mamatay! 

"Mierda! (Shit)  Lumabas ka ngayon! " sigaw niya.

Napapikit naman ako ng biglang iputok niya sa era ang baril pagmulat ko nagulat ako ng makita kong may aninong umakyat ng hagdan at hindi ko akalaing napansin din iyon ni sir Antonio bigla naman siyang naglakad papunta dun.

"W-wag tito wag! " bigla kong sigaw kahit nahihirapan sinikap kong tumayo para habulin siya.

"Antonio con favor (please) anak mo pa rin siya!  Maawa ka wag mo siyang sasaktan" nagmamakaawang sabi ni ma'am Soledad at kumapit sa braso ng asawa niya.

Napailing naman ako at ilang sandali pa tinahak ko na ang daan papunta sa hagdan. Kailangan ko siyang patakasin hindi ko hahayaang mamatay siya it's never been to late para maging maayos ang lahat at ang pagpatay sakanya ni sir Antonio ay hindi daan para maging maayos ang lahat!

"Dorothy bumalik ka dito! For goodness sake couz! " sigaw ni Maia pero hindi ako nakinig patuloy pa rin ako sa paglalakad tumaas naman ako sa hagdan pagkarating ko sa second floor natakot ako kasi walang ilaw sa taas  tanging ang mga ilaw lang sa kalapit na rest house ang nagbibigay ng liwanag dala ng repleksyon nito.

Naglakad naman ako palibot ng makarating ako sa malaking aparador malapit sa hagdan nakita kong nakatayo sa sulok si Kerosen humakbang naman ako.

"Kerosen...." Tawag ko ng makita ko siya. nagtuloy tuloy na ang pagtulo ng luha ko habang humahakbang palapit sakanya.

"Kerosen." tawag ko ulit na ikinagulat niya.

"K-kilala moko? "
mahina at paos niyang tanong. Napapikit naman ako at tumango.

"Wag kang lalapit" banta niya pero hindi ako natinag at patuloy pa rin ako sa paghakbang.

" iniisip mo bang kamumuhian kita dahil sa kabila ng inosente mong itsura bilang Kerosen ay bigla kang naging halimaw?" Panimula ko.

"Sasaktan kita paglumapit ka! " banta niya. Parang nasa katinuan siya ngayon kaya lumawak ang ngiti ko.

"hindi mo pa ba ako nasaktan sa lagay ko ngayon? " sarkastiko kong  tanong.

"Sinungaling! Pare pareho lang kayo kamumuhian niyo ko, ikukulong at iiwan mag isa!"  galit niyang sigaw. 

Umiling naman ako habang humahakbang palapit sakanya huminto naman ako ng nasa tapat ko na siya. Dahan dahan kong namang inilahad ang palad ko tumingin naman siya sa kamay ko. Kitang kita ko ang takot at lungkot sa mukha niya na nagdudulot ng sakit sa puso ko.

"Hindi ka masama, hindi ikaw to tama na Kerosen pls wake up" pagmamakaawa ko sakanya umiling naman siya at umatras.

"p-pagod na pagod n-nako" biglang hagulgol niya kaya lalo akong naawa sakanya.

" I know everything, alam ko lahat alam ko na ikaw yon alam ko... And  from the very start maniwala ka man o hindi kaya kitang tanggapin. Tanggap kita kaya please tama na" tumulo naman ang luha ko na agad kong pinunasan.

"Please trust me, trust me the way I trusted you remember? " nakangiti kong sabi.

Dahan dahan niya namang iniabot saakin ang kamay niya ng biglang may tunog ng paghakbang kameng narinig sa hagan nasisiguro kong si tito yun!   Lumingon naman si kerosen sa hagdan at talagang uminit ang aura niya... Sa sandaling ito hinihingi ko na sana iabot niya na ang kamay niya.

Nagulat ako ng makita si titong tinutok ang baril kay Kerosen sa likod bigla kong hinila ang kamay ni Kerosen at niyakap siya ng mahigpit.

Akala ko ayos na ang lahat pero nagkamali ako, huli na nang mahila ko si Kerosen dahil naiputok na pala ni tito ang baril bago pa siya napayakap saakin. Kasabay ng pagbagsak ng katawan niya saakin ay ang pagngiti niya habang mahigpit ko siyang niyakap.

"Patawarin moko..." Ang huling lumabas sa bibig niya.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt