Chapter 5

4 0 0
                                    


Kakatapos lang namin mag almusal at nandito na naman ako sa terrace habang tinatanaw ang napakagandang tanawin ng dagat. umiihip din ang napaka preskong hangin sa buong paligid kaya sobrang nakakarelax wala ding ingay kase maliban saamin yung mga kaunting staff lang ng resort ang nandito. 
Nagtataka lang ako kase Kapag umaga sobrang ganda ng paligid hindi mo talaga maiisip na may mga kababalaghan ang nagaganap dito pagsapit ng gabi.

  "Dorothy you wanna join? maligo tayo sa dagat " lumingom naman ako kay Nigo (katropa ni Maia.)  

"Walang tayo Nigo wag ako" natatawang sagot ko. 
Lumapit naman siya sa tagiliran ko at bigla akong sinagi shet Bakla ata to eh. 

" ay naku teh feeling mo din papatulan kita no ways! " pagtataray niya saakin. Tumawa naman ako ng malakas ang lakas talaga ng instinct ko.

" Sige na mag gora na kame teh sunod ka ah"
tumango naman ako.  
Binalik ko naman ang tingin ko sa dagat.

Ilang sandali pa nakarinig ako ng boses, batang tumatawa kaya napatingin ako sa baba ng terrace napangiti ako ng makita ang isang batang lalake na hila hila ang tali ng kite at tawang tawa siya ng dilaan siya sa paa ng aso niya.

Open space sa baba ng terrace kaya malawak ang lugar para maglaro, hay feeling ko pag nandito ako parang wala akong dapat isipin kundi ang magrelax sarap tumira dito... Kumunot naman ang noo ko ng magflash back kagabi yung kaluskos na narinig ko sa bintana pakshet mali! Hindi ko pala keri tumira dito grrr.. 

  "Ate maganda!"   Lumingon lingon naman ako sa paligid, maliban sa matandang lalakeng nagwawalis sa di kalayuan ako lang ang babae dito Ako ba tinawag niyang maganda? Tumingin naman ako sa kanya.

" ateng maganda yung saranggola ko sumabit" malungkot niyang sabi.

"So? Anong gusto mo iihip ako ng hangin para lumipad yan? Ako mag aadjust?" Pagtataray ko.  

Bigla namang kumunot ang noo niya at konting konti nalang iiyak na siya kaya naman dali dali akong bumaba at nilapitan siya.

"Chos lang san ba yung kite mo kukunin na ni ate" nakangiti kong sabi  susme baka magsumpong pa to sa mga ninuno niya dito baka di nako makalabas ng buhay.
Tinuro naman nya yung isang puno at sumabit nga sa sanga yun kite nya.

Keri ko to hahaha fighting!


"Okay sige wait moko dito ha kukunin ko yun" saad ko. 

"Talaga? " tanong niya saakin.

" oo naman" sagot ko.  

"Sige bilisan mo" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Tadyakan ko to eh pumapatol ako sa bata ha.
Ngumiti nalang ako at  bumwelo pa akyat ng isang maliit na puno.

"Thank you po ateng maganda!"


pababa nako sa puno ng may tumakbong lalake palapit sa batang may hawak ng kite kaya tinignan ko muna sila nabigla ako ng makitang tinititigan ako ng lalakeng to Take note! Siya yung nakasalubong ko sa hagdan at ngumiti saakin!

  "Whaaaa" bigla akong napasigaw ng ma out of balance ako dahil biglang rumupok ang sangang inaapakan ko. Napapikit nalang ako ng dumalusdos ako sa puno pero di ko naramdaman na tumama ako sa lupa kaya minulat ko agad ang mata ko pagmulat ko mas lalo akong nabigla ng makitang kaunting distansya nalang ang pagitan ng mukha ko sa lalakeng to sheeet!

"Arraay!" bigla niyang sabi. Omygashhhh nasa ibabaw ako ng lalakeng to no way!

Bigla akong tumayo sa pagkakabigla napa upo naman siya.

"Di mo lang ba ako tutulungang tumayo? " biglang tanong niya. Kaya lumapit ako agad at inabot ang kamay ko.... 

"Bat kasi nandyan ka!" Sigaw ko. 

"Bakit hindi ka nalang magpasalamat na nasalo kita!"  Sigaw niya rin.


   (O.o)? Awkward...




napalingon naman ako ng humalakhak yung batang lalake. Lumapit naman ako sakanya at kinurot ang pisngi niya. 

"Teka anong pangalan mo? " tanong ko.

"Tim" sagot niya.

"Tim?! " paguulit ko. 
Tangina pati ba naman dito, maririnig ko ang pangalan na yun.

"Timothy po" paglilinaw  niya.

"Ah? Haha" tumango tango naman ako. hahakbang na sana ako patalikod ng makitang naka crossed arm tong kumag na lalakeng to!

"Hindi ka ba magpapakilala saakin? " taas kilay niyang tanong.  Feeling gangster ampota, Huminga naman ako ng malalim at nagsalita.

"I'm Dorothy Hechenova"  Pagpapakilala ko. Ngumiti naman siya saakin at nagsalita. 

"Nice meeting you Dorothy, I'm Kerosen..."  Inabot niya naman saakin ang kamay niya.

"Kerosen Flores... " dagdag pa niya Tumigil  ang mundo ko ng  marinig ang sinabi niya. At this very moment wala akong ginawa kundi ang Titigan ang kamay niyang  nakalahad sa harapan ko.

Kaharap ko ngayon ang  isa sa mga Flores, at sa mga ngiti niya Hindi ko alam  pero kinakabahan ako sa  mga oras na to.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now