Chapter 7

4 0 0
                                    

 

Kumunot ang noo ko ng marealized kong wala ako sa kwarto ko ngayon. 
Napalingon naman ako agad ng pumasok si Maia sa kwarto at si nay Josepina  kasunod niya si Victoria.

  " aba'y giseng kana pala kamusta ang iyong pakiramdam?" napatingin naman ako kay nay Josepina.

" Ano nga ba ang nangyari saakin?" Tanong  ko.

"Wala kabang maalala?" tanong niya. Tumingin naman ako sa kisame at nagiisip, ano ba ang nagyari kagab--- pakshet o my god!

 " nay, may t-tao kase sa taas ng puno, tapos...  Puno ng dugo ang k-katawan niya" naiiyak kong sabi.  

Nagkatinginan naman ai nay Josepina at Victoria, alam ko na sa tinginan palang nila alam kong alam nila ang nangyari kagabi.

"Sus maryosep sigurado kaba diyan? " tanong ni nay Josepina tumango naman ako. 

"Dude wag kang magbiro ng ganyan hindi nako natutuwa" pang aasar pa saakin ni Maia. 

" mukha ba akong nagsisinungaling? Like duhh not in a million dreams gagawa ako ng fake story! " depensa ko.  

"Sige magpapadala nalang ako ng security dito" saad ni Victoria.

Huh, sino namang niloloko niya? Siya magpapadala ng security dito?  Kalokohan baka nga malaman pa ang baho nila sa resort nato eh.

"Don't worry ayos lang ako let's just enjoy this vacation okey? " Pag iiba ko ng usapan.

 Don't worry ako mismo ang magpapasingaw ng baho ninyo. 

"That's my couz!" ni Maia.  Napailing naman si nay Josepina at ngumiti.

 Tanghali na at naglalaro sila ng volleyball sa open space sa mismong baba ng terrace. Dahil hindi ko yun sport napagisipan ko nalang maglibot libot dito syempre nagpaalam ako noh! mahirap na baka mamaya hmm... 

Habang naglalakad ako hindi ko alam pero napadpad na naman ako dito sa dalampasigan kung saan makikita ang lumang bahay na kinakatakutan ko at pinagbabawal na puntahan sa di kalayuan. May nakita naman akong malaking bato sa mismong gilid ng puno na kaharap lang ng dagat at napagdesisyunan kong umupo sa tuktok.  Pagdating ko sa taas nilabas ko agad ang phone at earphone ko. 
Balak kong makinig ng music dito masyado kasing bongga ang place para magrelax eh.

Matagal tagal na rin akong nakaupo at nagpapakasarap dito sa taas ng bato ng may nakita akong repleksyon ng tao sa screen ko, eto na naman huhu ayoko naaaa! Bigla naman akong lumingon sa likod pero walang tao... Malayo layo din yung mga kasama ko na naglalaro ng volleyball.

huminga muna ako ng malalim at muling itinapat ang screen ng phone ko sa mukha ko at doon ko nakita ng mas klaro na may nakaupo sa taas ng puno pakshet! 

"Hi?" nanlaki ang mata ko ng makitang si Kerosen pala ang nasa taas ng puno. Grrr gusto ko siyang murahin dahil nabigla talaga ako.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

"Minamanyak mo ba ako at dyan kapa mismo sa taas ng puno pumwesto?!" Dagdag ko pa

"Aba... Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako ng ganyan sa mismong resort ko ah? "Tanong niya at biglang lumundag sa puno paibaba.

napapikit ako ng magflash back na naman ang mga nakita ko kagabi. Maya maya ay dumating naman sila Maia dahil maliligo daw sila.

"O my... Papa Kerosen bat kasama mo si Dorothy? " pang aasar ni Nigo.

  "may ginagawang milagro tong dalawa... " singit naman ni Maria Julia (ito yung maganda sa mga tropa ni Maia nakakatibo jusko) 

"Tara na chumurva na itey sa dagat! " dumeretso naman silang lahat papuntang dagat maliban saamin ni Kerosen.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" taas kilay kong tanong.

" hindi nga ako nagkakamali mas maganda ka pag malapitan" bulong niya at naglakad palayo saakin habang tinatanggal ang T-shirt niya.

Kumunot naman ang noo ko ng humarap na siya saakin ng walang damit pang itaas at biglang tumabingi ang ulo niya. Kumabog ng malakas ang puso ko no way! Hindi mali ang iniisip ko, hindi maari!
Bigla naman akong lumapit sa kanya.

"Kerosen umamin ka nga saakin" kunot noo kong panimula. sumeryoso naman ang tingin niya saakin at mas lalong lumapit napaiwas naman ako ng tingin.

"Iniisip mo bang ako ang nakita mo kagabi?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Mali ang iniisip mo Dorothy" dagdag pa niya.

"Paano mo naman nalaman ang nagyari saakin kagabi?" tanong ko. Tumingin naman siya sa kung saan at ibinalik rin agad ang tingin saakin.

"Dumaan ako kanina  kay nay Josepina... Sinabi niya saakin." sagot niya.

"Ahh alright daming sinasabi tabe! " hahakbang na sana ako paalis ng bigla niyang hinarang ang paa niya at natapilok ako!

" sa pangalawang pagkakataon, nasalo  na naman kita" what the? Ang lambot ng balat niya ng mahawakan ko ang braso niya kyaaaa!

"Yak! " pagtataray ko naman at bumaba na sa malaking bato.

"Hoy grabe ka saakin ah,  hoy Dorothy!" Sigaw niya saakin habang natatawa.

  "Tse! Dorothy mo yang mukha mo! " sigaw ko sakanya habang naglalakad paalis.   

Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na lalake, kaya hindi ko mapigilang mapangiti enebe friends lang nga issue to. Maliban sa kuya kong buraot at sa lecheng Josh na yon wala akong matalik na kinakasalamuhang lalake kung hindi ko pa nga nakilala mga kaibigan ni Maia isolated ako sa mga lalake.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now