CHAPTER 50

0 0 0
                                    

Wala na akong karapatan pang bumalik dito. Kase wala naman na kame... 

namamaga ang mata ko kakaiyak kaya isinuot kona ulit ang sunglass ko at bumaba ng kotse. Sumandig pa ako sandali sa pinto ng kotse at tinatanaw ang buong resort mula dito sa kinatatayuan ko habang tinatangay ng hangin ang buhok ko. Palubog na rin ang araw at konti nalang ay maggagabi na. Hindi ko namalayan na unti unti na namang tumutulo ang luha ko. Ano kaya magiging reaksyon nila pagbumalik ako ng rest house? hindi dapat nila akong makita na ganito kahina. I am a bad bitch, Be one now Dorothy. Huminga naman ako ng malalim at naglakad na papuntang rest house.

Malayo palang ako tanaw na tanaw ko na sila sa terrace na nagtatawan at ang boses ni kuya ang pinakamalakas sa lahat.  Tumingala pa ako sandali sa terrace at nakita kong napatayo sa gulat si Esthefania na nakatingin saakin. Tumingin nalang ako diretso sa daan at sa main door nalang dumaan.

Ngumisi naman ako. Bakit pa ba ako bumalik dito? Mukhang di naman ako kailangan tss makauwi nalang nga mamaya. 

Pagdating ko sa sala nakita ko si tita na naglalakad papuntang terrace dala ang mga desserts.

" Dorothy iha!" Nakangiti niyang tawag saakin lumapit naman ako sakanya at hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap habang hawak ang isang plato sa isang kamay. I miss that.

Kumunot naman ang noo ko bakit ganito niya ako tratuhin hindi niya ba alam na wala na kame ni Kerosen?

" Join us outside" yaya niya.

"Po?" sagot ko nalang. Naglakad na siya papuntang terrace nakabukas naman ang sliding class door doon kaya tanaw lang ako dito sa sala.

"Kerosen! Nandito na si Dorothy!" Magiliw na sigaw ni tita kita ko namang biglang napatayo si kuya, Anthonia at ate Gicelle, Habang nakatayo na si Esthefania simula kanina.

Nakacrossed arm lang akong nakatayo dito at hinihintay silang dumungaw saakin.

"A-Ate..." Usal ni Esthefania.

" D-Dorothy" nauutal na tawag saakin ni kuya.

" Hay buti naman at naisipan mo nang umuwi?" Natatawang tanong ni ate Gicelle saakin. What? Wala silang alam?

Naglakad naman ako palapit sakanila. Pasimple naman akong sumulyap kay Valeria na nakatayo sa gilid ng sofa kung saan nakaupo si Kerosen at mataray akong tinignan.

Ang kapal ng mukha.

" Tss anong umuwi, bahay ko ba 'to?" Nakangisi kong bwelta. Napatikim naman si kuya at Estefhania.

"Wala tampo na si Kerosen sayo nyan. Tignan mo oh di kana pinapansin hahaha" biro ni ate.

Ano ba dapat ireact ko? Tatawa ba ako sa biro niya? Tss. Nilingon ko naman si Kerosen na nakatingin na saakin ngayon.

"Oh narito kana pala Dorothy! Nako naiwan ang alaga ko dito tsk tsk tsk  kamusta ang hang out ninyo ni Maia ah?" Taka naman akong tumingin kay nay Josepina hang out namin ni Maia? What?

" Aba'y gabi na bakit nakasunglass ka dyan? Ganyan naba uso ngayon?" Natawa naman ng malakas si kuya Lewis, ate Gicelle at tita.

Di ba nila alam na wala na kame?

Sumeryoso naman ang mukha ko at bumuntong hininga.

" Wala na----"

"Anong wala! Madami pang dessert na natira ah! diba tita? Oh ano tara sa kusina! Makawala naman to akala mo inubusan namin ng pagkain!"  Sigaw ni kuya saakin at hinila ako papasok ng sala.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now