chapter 34

2 0 0
                                    

Dorothy's POV

Kinaumagahan ay maaga akong naglakad lakad sa paligid pangatlong araw na namin dito pero hindi parin nila binubuksan ang usapin tungkol sa engagement.  Sigurado akong isa na naman tong kasunduan dahil sa negosyo. nakakapagtaka lang ganito na ba ka progesibo ang negosyo nila Kerosen at nakilala sila agad ng parents ko? so weird.

Nakakalungkot lang pero mukhang wala naman akong magagawa Hindi ako pwedeng tumutol ngayon kase hindi naman ako ang pinagkasundo kaya wala nakong magagawa.  Masakit sa side ko kase of all the people hindi ako makapaniwala na si Kerosen pa of all the people bakit siya pa?

Tirik na ang araw kaya napagdesisyunan ko ng bumalik sa rest house para magalmusal naabutan ko si Kerosen at si ate na naguusap sa terrace dahil curiosity kills the cat, hindi naman ako pusa pero curious ako kaya it kills me pa rin hahaha. lumapit ako sa direksyon nila nagulat ako ng biglang hawakan ni ate ang kamay ni Kerosen.

"Kerosen pls hindi na ba magbabago ang desisyon mo? " mahinang bulong ni ate kumunot naman ang noo ni Kerosen.

"teka bakit masyado ka atang nagaalala? " tanong niya.

"isipin mo baka may masasaktan din Kero---" inis na usal ni ate.

"wala akong pakealam Gicelle eto na yung desisyon ko kaya kahit magalit pa siya wala akong pakealam" pagmamatigas niya.

Natawa naman ako Bakit ang sakit marinig galing sakanya yon? Wala na pala talaga siyang pakealam saakin. Hindi nako tumuloy pa sa rest house biglang nagbago ang ihip ng hangin nawalan ako ng gana. 

Lumibot nalang ako ulit sa resort hanggang magtanghali. nagugutom nako kaya bumalik nako sa rest house walang tao sa sala kaya dumeretso nako sa kusina may staff naman doon na nagserve saakin tinanong niya rin kung gusto ko ba daw hintayin na lang makabalik sila tita Soledad para sabay sabay na kameng mananghalian hindi ko alam kung nasaan sila kase hindi ako sumabay sa kanila ng almusal kanina kaya di bale na mauuna nako mananghalian.

magisa lang ako sa kusina dahil busy ang lahat sa kani kanilang mga gawain matapos kong kumain ay ako na mismo ang naghugas ng pinagkainan  ko. Nakasanayan kona yon dati dito.

 Ilalagay kona sana sa lalagyan ng mga pinggan ang plato ng bigla akong nakarinig ng kaluskos agad naman akong lumingon at nanlaki ang mata ko ng makitang nasa harapan ko na si Kerosen seryoso siyang nakatingin saakin.

"a-anong kailangan mo---" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya agad.

"Wala kana bang ibang sasabihin kundi ang tanungin ako kung anong ginagawa ko dito o anong kailangan ko?" Asar niya.

"Because I don't see any reasons to start a conversation with you." Diretso kong sagot na kinakunot ng noo niya.

"nagseselos kaba? " diretso niyang tanong.

"w-what? Ano?" nabubulol kong sagot. Ang kapal ng mukha nito ah. Gosh the audacity.

"Oo o hindi lang ang sagot" seryoso niyang usal at nag cross armed at sumandig sa island ng kusina.

"tigilan moko Kerosen sa mga walang kwenta mong sinasabi ha hindi nako natutuwa sayo"  pagtataray ko.

"sinabi ko bang matuwa ka? " Napataas naman ang kilay ko sa pambabara niya saakin.

"Psh! Lumalandi pa ikakasal na nga eh" bulong ko sa sarili at nagiwas ng tingin.

"seryoso ako" dagdag niya pa.

"halata nga " pambabara ko rin.

"Hindi moko pipigilan? " Parang huminto ang paligid ko sa tanong niya.

  Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko ulit ang dating Kerosen na kinakatakutan ko pero wala ng mas nakakatakot pa sa tanong niya. napatingin naman ako sa kisame habang nagiisip pagbaba ko ng tingin ay bigla akong nanlamig ng biglang humakbang si Kerosen at hinila ako. Hinawakan niya ng marahan ang bewang ko at hindi ko na namalayang nakasandig na pala ako sa lababo. Hindi pa rin ako nakareact sa ginawa niya ilang sentimetro lang ang layo ng mukha namin at ramdam kona ang hiningi namin sa isa't isa. Kinabahan ako ng bongga ng titigan niya ako sa mata at inilapat niya ang kamay niya sa pisngi ko.

Acckkkkkkk! Wew I can't breath!

Napapikit ako ng bigla siyang yumakap saakin at isinandig ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko siya magawang  mahawakan dahil nanginginig at nanlalamig ang kamay ko sa kaba inilapit niya naman ang labi niya sa tenga ko dahilan ng pagkakaatras ko pero wala nakong maatrasan pakshet!

"I'm sorry... " matapos niyang ibulong saakin ang katagang yun ay umatras na siya. sandali niya pa akong tinitigan sa mata at tuluyan ng tumalikod  napako naman ako sa kinatatayuan ko. Sunod sunod ang paglunok ko sa nangyari napahilamos pako sa mukha ko sa sobrang pagkabigla.


I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now