Chapter 2

6 0 0
                                    

Nagising ako ng huminto ang kotse ni Maia.

" woi gising na... Yuck tulo laway! " nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Maia bigla ko naman pinunasan ang bunganga ko pero wala namang laway eh!  Pakshet to si Maia nangtitrip na naman. 

Ilang sandali pa bumaba na kame sa kotse at kinuha ang mga gamit namin, nakita ko naman agad ang mga katropa ni Maia na naghihintay saamin pinakilala naman ako ni Maia sa mga kabarkada niya bale dalawang lalake at tatlong babae therefore pito kaming lahat.  Pagkatapos naming magkamayan napansin ko agad ang bulok na kahoy sa tagiliran ko naka ukit doon ang  mga salitang...


"WELCOME TO FAMILIA FLORES RESORT" 


So ito na pala yung sinasabi nilang resort na may kababalaghan na nagaganap?
Habang naglalakad kame papasok ng resort mapapansin mo talaga na napabayaan na ang resort na ito tahimik talaga at parang nasa magandang gubat ka ganern. Nagulat ako ng makita ko ang mga lumang bahay sa bawat sulok. American style na may touch ng spanish housw. para siyang mga rest house cool pero creepy ng itsura lumang bahay talaga siya. May 2nd floor at hagdan sa gilid ng bahay pataas ng terrace.

Napansin ko naman na palapit na kame sa dalampasigan, sandaling  tumigil kame sa paglalakad sa baba ng mga naglalakihang acasia kase may kinokontak si Victoria (katropa ni Maia) napatitig naman ako sa dagat sa di kalayuan. Napanganga nalang ako sa ganda ng view puting buhangin, at asul na tubig. nakaksilaw man titigan dahil sa matingkad na araw mapapapikit ka naman sa preskong hangin  kung saan kame huminto dahil sa naglalakihang puno bago makarating sa dalampasigan. shet nilalandi ako ng dagat kung wala lang akong dala panigurado nagdive nako eh. 

Napapikit naman ako ng tumama ang malamig na hangin sa mukha ko, ilang sandali pa tinaas ko na ang kamay ko at kumaway kaway sa era. O diba parang tanga lang?

Habang nasa ganung posisyon ako bigla akong nakaramdam na para bang may nakatingin saakin, minulat ko  agad ang mata ko at lumingon sa likuran ko pero wala namang tao...
Kumunot naman ang noo ko ng mahagilap ng paningin ko ang isang lumang bahay sa di kalayuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. shet bat ako kinakabahan?  Curious ako kaya humakbang sa direksyon  na yon feeling ko may nakatingin talaga sa direksyon namin eh.   Napahawak naman ako sa dibdib ko sa gulat ng tawagin ni Maia ang atensyon ko..

" dude san ka? Dito ang way oh" sabay turo sa right side ko.

Shet nacrecreepyhan ako ah dont me! Lumingon naman ako ulit doon sa bahay na yun bago sumunod kala Maia.
Ito na ba yung sinasabi nilang mystery? Kase kung eto na grabe naman tanghaling tapat ha! Gusto kona tuloy umuwi huhu.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now