chapter 17

1 0 0
                                    


Nasa kusina ako ngayon habang inaayos ang mga pinggan ng biglang hatakin ni nay Josepina ang braso ko palapit sakanya gulat akong napatingin sakanya habang nananaliksik ang mata niya sa galit ang sakit ng pagkakhawak niya huhu.

"Nasaan ka kagabi?" Pabulong niyang tanong ngunit puno ng awtoridad.

"N-ay---" reklamo ko pero mas diniinan niya ang pagkakahawak sa braso ko.

  "Sumagot ka Dorothy! "  nabigla ako sa sigaw niya.    Namumuo na ang luha ko dahil sa takot pero hindi natinag si nay Josepina. 

" Bakit, nanatakot ho ba kayong malaman ko na kayo mismo ang nagtatago sa aswang na yon? "
hindi ko na mapigilan ang sarili kong magsalita ng pabalang nasasaktan na ko. 

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.

"Kayo nay anong tinatago niyo?" Bwelta ko rin at napabitaw siya sa pagkakahawak saakin.

"Mierda!" (Shit) bulong niya habang nakatitig saakin. 

naintindihan ko yung sinabi niya sa sobrang pagkakahilig ko sa mga antique na may kinalaman sa spanish era pati pag eespanyol kinarir ko na din.

  " k-kailan mo pa alam?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa labi ko.

"Matagal na... "  Sagot ko naman at nanlaki ang mata niya.

"Bakit nga ba hindi ko nakikita si Kerosen pag gabi? " tanong ko.

"Kase nagtatago siya... " dagdag ko pa.

" hindi m-maari" napapailing niyang sabi.

" at sa oras na makaalis ako dito, pagkalipas ng dalawang linggo lalantad ang baho ny---" nagulat ako ng bigla akong sinampal ng pagkalakas lakas ni nay Josepina. Ang sakit!

Bigla namang pumasok si Victoria at si mang Alejandro sa kusina nagulat si Victoria sa itsura ko kaya bigla niya kong nilapitan.   Tumulo naman ang luha ko habang nakatingin kay Victoria. Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"pakiusap Dorothy wag mo kameng ipahamak maawa ka" naiiyak niyang pagmamakaawa.

 Kumunot naman ang noo ko. Bakit pinoprotektahan pa nila si Kerosen pumapatay ng may buhay yon! Hindi ko sila maintindihan... umangat naman ang tingin ko sa kisame at napapikit habang umaagos ang luha ko. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pag pasok ng mga ala alang kasama ko si Kerosen, ang mga salitang nagpaulit ulit sa isip ko at ang simpleng ngiting pinapakawala niya pag kaharap ko siya. Napakagat naman ako sa labi ko ng mas lalo akong naiyak sa mga naiisip ko ngayon.  
Parati akong gumagawa ng paraan para ilantad ang baho nila pero pag naiisip ko na si Kerosen naglalaho ang lahat ng plano ko ang buo kong sistema ay sumusunod sa puso ko. Minulat ko naman ang mata ko. 

"Hindi bat gusto mo rin naman kameng ipain sa kapatid mo?" Galit kong sabi sakanya at hinila ang brado niya patayo. Nagulat naman siya at namuo ang luha sa mata niya.

" kung mamamatay din naman kame nila Maia dito sisiguraduhin kong lahat tayo ang mamamatay" dagdag ko pa. Nanghina naman siya at napaupo sa pagkagulat.

Bigla namang natawa ng marahan si Victoria ng iangat niya ang tingin niya saakin.

"Matalino ka, tama si Maia. Ilang linggo ka palang dito pero lahat ng plano ko nalaman mo" naiiyak na saad ni Victoria.

"Ito ba ang plano mo? Ang dalhin ang mga kaibigan mo sa lugar nato at hayaan silang mamatay! Anong klaseng kaibigan ka?" Gusto ko siyang sabunutan abot langit ang gigil ko ngayon.

" mahinhin kalang palang tignan pero masyado kang matapang hahaha. Hindi ko nga alam kung bakit sinama ka ni Maia eh nagulat akong may plus one sa tropa ko. Wala sanang makakaalam kung biglang nawala ang pinsan mo--"

Pak!

Sinampal ko siya ng malakas.

"Tama na! Hindi ko hahayaang magyari iyan Victoria! Dorothy maniwala ka. Kailan man ay hindi ako sumang ayon sa gusto ni Victoria" paliwanag ni nay Josepina

" walang lalabas na baho at mananahimik ako basta ilabas niyo kame ng buhay sa resort nato" mahina kong sabi at lumabas ng kusina.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now