chapter 15

2 0 0
                                    


Buong araw akong naginarte na masaya at normal ang lahat sa paligid ko lalo na pagkasama ko si nay Josepina, Victoria at sila Kerosen. bago pa man matapos ang araw na to hindi namin inaasahan ang pagsulpot ni Valeria sa rest house na tinutuluyan namin at kasama niya pang dumating si Kerosen. Feeling ko ayos na kala nay Josepina na kaibigan ni Kerosen si Valeria naikwento din ni Valeria na magkakilala na sila limang taon na ang nakakalipas.

          -FLASHBACK-


Nakasandig ako sa may malaking aparador dito sa sala habang nagkwekwentuhan silang lahat syempre bida yung kwento ni Valeria tungkol sa kanilang dalawa ni Kerosen tawang tawa naman yung mga kasama ko habang nakikinig sa life experiences nilang dalawa. at ako? Eto audience kunwari natatawa din sa topic nila hays nakakainggit naman yung friendship nila baka nga kinain na ni Kerosen yung mga binitiwan niyang kataga na "ikaw lang ang nakakaintindi saakin"

pwe! Nakakasuka mukhang may bago na nga siyang bff eh at si Valeria yun!   Lilingon lingon naman ako sa mesang nasa harap ko. ano kaya kung etong antique na flower base hambalusin ko sa pagmumukha nilang dalawa? 

"Woi dorothy ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Maia saakin. Napamaang naman ako

"W-why? " tanong ko. 

"Kanina mo pa kasi tinititigan yang flower base eh at ngingiti ngiti ka pa! mukha kang tanga" natatawa niyang sabi at natawa din yung mga kasama namin. 

"Ahh... Hehe wala  maganda kasi" palusot  ko  hirap ng mapahiya my  gosh!

" pwede mo namang i  uwi yan kung gusto  mo." Napangiti naman  ako sa sinabi ni nay  Josepina.

"Bakit nay aalis na ba  kame?" Natatawa kong  tanong pero deep down seryoso ako.

"Ah hindi pa naman. Ngunit pwede kong  ibigay iyan sa iyo" saad ni  nay.

"Oo nga Dorothy Wag kanang mahiya" pang aasar ni Julia (isa sa mga kaibigan  ni Maia.) Iba din to mangasar eh sarap ding hampasin ng flower base.

" nako nay kung alam mo lang ang kwarto nyan mukhang museum ng mga sinaunang gamit gosh!" Sabat ni Maia.

Totoo nauubos ang allowance ko kakabili ng mga antique na gamit lalo na pag mga paintings, basta kahit anong bagay na related sa spanish era mahilig ako.

"Aba'y maganda nga iyan" nakangiting sagot ni nay Josepina. Tumango naman ako at ngumiti at syempre bida bida to si Valeria nag open na naman siya ng topic at ako etong mukhang tanga na tatawa kahit hindi naman nakakatawa makasabay lang sa kaplastikan nila!  

Umabot ng ilang oras ang paguusap namin hanggang sa nagpaalam ng umalis si Valeria at syempre kunware ihahatid siya ni Kerosen kahit ang totoo ay pupunta na siya sa lumang rest house dahil maggagabi na. alam ko na yang mga the moves niyo oy! At ako syempre best actress to
kunwari masayang tutulong sa kusina at pagkatapos nun dederetso na sa kwarto ganern!

-END OF FLASHBACK-

Nasa kwarto nako ngayon at mag aalas dyes na ng gabi. Gabi gabi ko ng nakikita yung monster sa taas ng puno pagsapit ng ganitong oras natatakot man ay parang wala akong pakealam dahil alam kong si Kerosen iyon. kampante akong hindi niya ko sasaktan kaya naman hindi nako natatakot pag makikita ko siya sa taas ng puno, pero hindi ko pa rin matanggap na ganyan ang itsura niya pagsapit ng gabi talagang hindi ko na siya makilala. Nakakatakot At ngayon nakikita ko na naman siyanh nakaupo sa sanga ng puno.

Bigla ko namang naisipang hilain ang maliit na mesa papunta sa tapat ng bintana at hinila ko din yung bangko at naupo dun.   Tumitig naman ako sa puno ng ilang minuto at ilang sandali pa hindi ko alam pero gusto ko siyang makausap. Gusto ko ba talagang makausap o kaya naman hindi lang mapirmi ang bunganga ko kasi dakilang chismosa ako?
Nilakasan ko naman ang loob ko bago magsalita pakshet first time ko tong gagawin!  

" umm h-hi? " paninimula ko Wtf! Hindi sya si Kerosen sa ganitong pagkakataon umayos ka Dorothy! Baka nainis yan at kinain ka ewan ko nalang sayo.

"Ay este alam kong hindi mo naman ako sasaktan diba? p-pwede ba kitang m-makausap ngayon?  a-alam mo na boring hehe" shet gusto kong mahimatay sa kaba habang nagsasalita leche ano ba tong ginagawa ko? 

" hayaan mo nakong magsalita utang na loob wag kanang sumagot baka mahimatay ako eh" kunwari natatawa kong dagdag.

Wala naman akong  napansin na gumalaw siya  sa posisyon kaya  napasandig nako sa  bangko at napapikit.

"Hindi ko man alam ang  dahilan mo kung bakit  simula palang nandyan  kana tumatambay pero, Naniniwala akong hindi  mo kayang manakit ng tao" Saad ko at dumilat.

"Salamat" Sincere kong  sabi.

Salamat dahil hindi moko sinaktan sa panahong nagkarap tayo ng malapitan.

sa pagkakataong ito hindi  man lang ako  nakaramdam ng takot ng  sabihin ko ang salitang  yun feeling ko  naiintindihan niya ko  ngayon, Pakiramdam ko  kaharap ko ngayon ang  Kerosen na nakilala ko.  Sabi nga nila kahit gaano  pa kasama ang isang tao o ano pang nilalang  mayroon parin silang  tinatagong kabutihan  nasasayo nayun kung  paano mo makikita ang  salitang mabuti sa mga  kagaya nila.

Matapos kong sabihin yun  tumalon na siya pababa ng  puno sobrang dilim kaya hindi kona alam kung nasaan siya. Sinubukan ko siyang sundan ng tingin pero naglaho na siya kagaya ng parati kong nakikita pag naglalakad na siya palayo sa harap ng bintana ko.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin