chapter 27

1 0 0
                                    

6 months later...

"Dorothyyy! " sigaw ni Maia matapos akong daganan habang nakaupo sa sofa.

"ano ba ang bigat mong payatot ka! " angal ko sakanya pero inisnob lang ako!

"Woi ano na wala na bang gala dyan? Labas naman us! "  pagmamakaawa niya pero nakatingin lang ako sakanya.

"ano matapos lang nung vacation nagbago kana?  Cool..." Dagdag niya pa.

" bakit bawal ba? " sarkastiko kong tanong.  Napahawak naman siya sa noo ko.

" damm you Dorothy!  Are you sick? " natawa naman ako sa reaksyon niya kaya hinampas ko siya ng unan.

"look Maia I  was just thinking... mag double  degree kaya ako?" Pagiiba ko ng topic.

"pff what? Bachelor in pa good girl major in tambay sa bahay forever? Nako  mukhang nakagraduate  kana nga eh first honorable mentioned pa!" pang aasar niya.

"psh I'm serious... Mag tatake up ako ng Business Management and law" sagot ko na ikinagulat niya.

"Why? " tanong niya.

"Well According to my parents when I graduate I might run the business"  malumanay kong sagot  pumalakpak naman si Maia sa ere at isinabit sa leeg ko ang sling bag niya.

" Grabe ikaw ang heir?! And I heard ikakasal kana rin?" sigaw niya na ikinatawa ko.

"eh to whom you'll get marry ba kay Kerosen? Ayiieee malandi ka rin pala couz! " kinikilig niyang sigaw---

"not him" bigla kong sagot.

"I will still marry Josh" dagdag ko at sumandig sa sofa naglaho naman ang ngiti ni Maia sa sinabi ko.

Maybe its my fate to be with someone else who's never been my lover. atsaka I can't just go back to Kerosen in that instant beside I'm the one who left so I deserve to be like this now. At kahit ipagpilitan ko pa desisyon pa rin ng parents ko ang masusunod this is why I can't express myself  because I was been pressured and controlled ever since. It was been a very wonderful time when nasa Palawan kame. being with a monster like Kerosen first might give me heart attack but as you dive deeper you'll see that every monster hides an ultimately beautiful heart inside. when I'm with him I saw the real happiness nakakaloka lang talaga. but at the end babagsak ka pa rin sa katotohanang magkaiba ang mundo niyo. Kaya hanggang doon na lang yon. Hindi ko mapigilang maluha sa naiisip ko.

"kamusta na kaya siya? " malungkot kong tanong ngumiti naman si Maia.

"he'll be okay" sagot niya.

"Grabe noh sa movie ko lang napapanood yung mga ganun. Natrauma tuloy kameng magkakaibigan" napapailing niyang sabi.

Wala silang alam na lahat ng yon ay nasa plano ni Victoria ano kayang mangyayari kapag nalaman nilang nilinlang sila ng kaibigan nila?

"How's Victoria?" Nilingon niya naman ako.

" we haven't heard from her since then. Hindi na rin siya bumalik sa school para siyang naglahong bula." Tumango tango naman ako. Kinain na ata ng guilt niya.

" let's go somewhere! " sigaw ko sumilay naman ang tuwa sa mukha niya.

"yeeesss!!! " sigaw niya at nagtatalon sa tuwa gosh di halatang excited ang leche!

"tara na! " sigaw ni Maia.

"sandali! so ikaw lang ang gagalang kapuri puri ang itsura ganun? " pang aasar ko sakanya. 

"Okay I'll wait for you outside bilisan mo ah open ko lang Aircon ng kotse ko para di na mainit" at naglakad na palabas. Tutuloy na sana ako sa paglalakad  ng magkasalubong kame ni ate tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa talagang bihis na bihis siya aba!

"May naghatid ba dito ng libro? " tanong ni ate  kumunot naman ang noo ko at umiling.

"okey if meron papasukin mo siya Dorothy ha!  Wag mong aawayin  hindi ko naman manliligaw yun" bilin niya.

" psh! Whatever may lakad ako bahala kana sa buhay mo! " sagot ko at natatawang tumakbo pataas ng hagdan.

Matapos kong mangalakal ng damit sa kabinet nakapili nako ng susuotin sinuot ko yung favorite kong above the knee na paldang maong at naginsert ng  cotton white long sleeves with high cut black shoes. Humarap pa ako sa salamin Sa ganda ng legs ko dapat lang irampa to  kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas ng kwarto.
Teka yung mukha ko mukhang pulubi pa shet!  Humarap naman ako sa salamit at naglipstick hindi  kona kailangan mag heavy make up my beauty speaks for me slay. tataliin ko pa sana ang buhok ko kaso ang hirap at waste of time na kaya inayos ko na lang ang side bangs ko at inilugay ang long mahogany color, wavy hair ko na abot na sa pwet tsk.

Patakbo akong bumaba ng hagdan pagdating ko sa main door dahan dahan kong binuksan ang pinto ng biglang tumambad saakin ang isang lalakeng naka grey polo at akma na sana siyang kakatok sa pinto. Tumigil ang mundo ko ng magtama ang mata namin matangkad siya kaya medyo nakaangat ang tingin ko sakanya.  Hindi ako makagalaw ng ilang segundo sa kinatatayuan ko at ganun din siya shet bakit kinakabahan ako?

Bumalik naman sa realidad ang lahat ng umalingawngaw ang nakakarinding boses ni ate papunta sa direksyon namin. Muli pa akong lumingon sa lalakeng kaharap ko pero hindi na siya nakatingin saakin  tuluyan na siyang  naglakad at nilampasan ako tumama naman sa buong katawan ko ang malamig na hangin at talagang hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko ngayon alam kong hindi ako nagkakamali alam kong siya yon.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now