chapter 29

1 0 0
                                    

*BIRTHDAY PARTY*

Patakbo akong sumugod sa dagat ng makarating kame sa beach na pagmamay ari ng parents ni Maia. 

"Whaa grabe ang ganda! " masaya kong sigaw at muling winagayway ang kamay ko sa ere.

"maganda ba talaga o may naalala lang? " pang aasar ni Nigo napatigil naman ako at naglaho ang ngiti ko sa sinabi niya dahan dahan naman akong humarap sa kanya.

" pakshet invited ka palang bakla ka? " pagbabara ko at bigla siyang niyakap.

"meshi meshi" sagot niya na ikinatawa namin binati niya naman ako ng pabulong. Napangiti naman ako ng makita ko ang mga katropa ni Maia woah ano to throwback lang ganun?

Ilang sandali pa magsisimula na ang party dahil mag gagabi na si Maia naman ang nanguna at ang pasimuno sa party  HAHAHA.

"To my beautiful, gorgeous, sexy hot cousin...  Happy birthday!" Sa hinaba haba ng sinabi niya yun lng ang naintindihan ko. binuksan niya namam ang bote ng beer at nagpalakpakan ang mga bisita natawa naman ako sa kalokohan ni Maia hindi ko inaasahan na darating si Josh bitbit ang cake papunta saakin inechos naman siya ng mga kaibigan ko pakshet malaking kahihiyan to bes!

"Happy 21th birthday Dorothy" nangiti naman ako.

"Salamat" natatawa kong sagot.  Inechos na naman ako ni Maia kaya kunwari masaya akong makita ang pagmumukha ni Josh at pasimpleng niyakap siya umikot naman ang mata ko.

"Make a wish" bulong ni Josh.

" Wish? Ang hiling ko lang sana our parents will set us free. Sana maging malaya tayong pumili ng taong mamahalin natin"  Bulong ko at siniguro kong si Josh lang ang nakarinig pumalakpak naman ang mga taong nasa paligid ko when I blow up the candle.

" well, that's my birthday present for you" ha? Kumunot naman ang kilay ko.

"Soon... Dorothy soon"  dagdag niya. Yumakap naman ako sakanya alam kong ayaw niya din saakin hahaha I know hindi siya papayag maikasal kame sana nga hindi nalang talaga...

 Bumitaw na siya sa pagkakayap saakin pero hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko---

"Dorothy! Kerosen is freakkinnggg herrree! " nagtatalong sigaw ni Nigo walang pake sakanya ang mga tao dahil busy sila sa party tsaka malakas din ang sound system.

Alam ko. Alam ko ring nagmeet na sila ng mga kaibiy ko. After the incidents naging matalik kona ring kaibigan ang mga tropa ni Maia parang ako ang pumalit sa pwesto ni Victiria. bago pa man tumuntong sa bahay ko si Kerosen. Alam kong nagkita kita na sila, ng hindi ako kasama. Alam kong itinago nila saakin yon pero bakit? Don't I deserve to know? Is he mad at me?

"Saan? " kunwari kong tanong. 

Tinuro niya naman ang lalakeng nakatayo sa dalampasigan.

  "That's not K-Kerosen kamukha niya lang.  Jowa ata ni ate yan eh" pagsisinungaling ko. Tinatanaw ko naman sila sa dalampasigan I knew it was Kerosen and ate mukhang nageenjoy nga sila eh may bitbit pa silang inumin. Tininom ko naman ang beer na nasa harapan ko ngayon.

"tangina matanda nako  pero wala paring jowa! " sigaw ko na ikinahalakhak ni Nigo at sumulpot naman si Maia.

"cheers! " sabay nilang sigaw. 

Sige lang magenjoy na kayo dyan sa dalampasigan  dahil pag nalasing ako ilulunod ko kayo sa dagat!

Lumipas ang oras at mag 12 pm na kaunti nalang ang nagpaparty dahil nagsitulog na ang mga bisita sa kani kanilang rest house dito sa resort  naglakad naman ako papunta sa rest house kung saan kame tutuloy magpamilya ng makasalubong ko si ate sa daan.

"Having a nice party ah? " Sarkastiko niyang sabi.

"a very happy party ate. " sarkastiko ko ding sagot.

" I see. Btw that guy my new friend do you remember? He's here and nakakatuwa siyang kasama" paninimula niya na nagpakulo ng dugo ko.

Now I get her point bakit sila magkasama at kung bakit ganun makitungo si Kerosen saakin they're on to something fishy!

"Thank you for the party. Ikaw ba nagbirthday? Mukhang ikaw ang nag enjoy eh." Sarkastiko kong tanong.

"w-what? " naguguluhan niyang tanong.

"How does it feel? seeing me sacrificing myself to save our family's legacy! While you we're living your life at best? " tumulo naman ang luha ko.

"Kailangan mo ba talagang ipamukha saakin parati? Kahit kaarawan ko wala kang sinasanto"dagdag ko.

"What the hell are you saying? Isn't this enough? I personally throw up a beach party for you and you'll just gonna yell at me?" hindi ko aakalaing sasampalin niya ko!

" yeah you did it just to make you feel good  about your self and not to feel guilty diba?" Natatawa kong sabi na ikinatigil niya.

  "Layuan mo si Kerosen you know nothing about that guy." Huling salita ko bago siya tinalikuran.

"at ano ngayon kung landiin ko siya? " Nakangiti niyang sabi. Parang tumaas lahat ng dugo ko kaya sinugod ko siya sasabunutan kona sana siya pero bigla akong hinatak ni Josh damm it!

"Tama na lasing kana eh!" awat ni Josh walang tao sa paligid maliban saamin kaya confident akong magwala!

  Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kerosen sa likod ni ate aba join forces kayo ganun?!

"What the hell are you doing here!"sigaw ko sakanya at hinatak ang kwelyo niya. Pero ang tanging sagot niya lang ay ang walang emosyon niyang mukha na nakatingin saakin.

"what the hell are you screaming for? " Biglang sagot ni Kerosen saakin natawa muna ako bago magsalita.

"I bet this guy informed you everything about our past! " sigaw ko na ikinagulat ulit ni ate.

"bitawan mo nga ako Josh fuck! "Sigaw ko sakanya. Nakakainis bakit ba naka back hug tong ugok nato saakin?!

Isa pa tong tsinelas na to! Bigla naman akong yumuko para tanggalin ang tsinelas ko leche kanina pako nahihirapan sa tsinelas na to!

  Pagangat ko ng tingin gusto kong matawa dahil mukhang alerto si Josh sa mga ikikilos ko.

"Thank you sa celebration ang masasabi ko lang, Nakakaputangina ang suprises mo ate!" Hindi siya nakasagot saakin  pinahid ko naman ang luha ko at naglakad na paalis bitbit ang tsinelas. di pa rin sila gumagalaw sa pwesto nila nakita ko pang sundan nila ako ng tingin pero wala akong pakealam!

Nang makita ko sa hallway yung basurahan tinapon ko yung tsinelas inilisip ko na lang si ate yung tsinelas Isang basura at bagay sa basurahan! Naglakad nako ng nakapaa paa lang Pakshet gusto kong matawa pero ang sakit ang sakit sakit pa rin parang bumabalik lahat ng nakaraan.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now