chapter 24

1 0 0
                                    


Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa balat ko pagmulat ng mata ko. sinubukan ko namang bumangon pero biglang sumakit ang tagiliran ko Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang may benda na ito nagpalinga linga naman ako sa paligid ng biglang pumasok ang mga alaala ko kagabi. 
Pinilit kong tumayo ng may mga ingay akong naririnig sa labas. Kumunot ang noo ko ng makitang may mga pulis sa labas at may mga tao din nakikiusyoso nakita ko naman si mang Alejandro at sir Antonio na kausap ang mga pulis sa di kalayuan.

Sheet! Nasan si kerosen?!

Lalabas na sana ako sa kwarto ng biglang may sumigaw ng iyak sa labas. dumungaw agad ako sa bintana at napahawak ako sa bibig ko ng makitang may 4 na lalakeng karga ang stretcher at may nakatakip na telang puti.

Bigla namang tumakbo ang isang Ginang palapit sa isang stretcher at biglang sumigaw habang umiiyak.

" Timothy...  Anak hindeee! " tumigil ang mundo ko ng malamang si timothy yun, ang batang minsan ko ng nakasama tinawag pa akong maganda nung nakaraan at ngayon patay na siya. Napahawak ako sa bintana dahil sumikip ang dibdib ko at talagang nanlulumo ako. ilang sandali pa hindi ko na mapigilang maluha puno ng awa, pighati at galit ang puso ko ngayon nakita ko pa siya kagabi na nakahandusay at nandoon si Kerosen sa oras na yun!  Hindi maari pinatay siya ni kerosen?

Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko si Maia at si nay Josepina.

" nasaan si Kerosen?! " galit kong tanong. 

Sa puntong ito talagang sinisisi ko si Kerosen sa lahat! tinanggap ko siya higit pa sa inaakala niya pero hindi ko naisip na sa isang iglap papatay siya ng isang musmos na bata at ang masaklap pa doon malapit ang loob namin sa batang yun!

" iha magpahinga ka muna hindi kapa lubos na magaling" utos ni nay.  Hindi ko naman siya pinansin at dali dali akong lumabas ng kwarto nakita ko namang nakaupo ang mga kaibigan ko sa sala tahimik at nakatulala sa kawalan. nasa sulok  naman si Victoria, Estefhania, at Antonia na namumugto ang mata sa pagiyak bigla namang nagflash back ang mga sandaling kayakap ko si Kerosen at talagang nanghina ako ng marealized kong nabaril siya.

Bigla akong napahinto sa paglalakad p-patay na rin ba siya? Tumulo ulit ang luha ko hindi siya pwedeng mawala.

"Tita si K-Kerosen?" Naluluha kong tanong bigla niya naman akong niyakap at talagang kinabahan ako

"shh wag kanang umiyak nasa kabilang kwarto siya iha maayos na ang lagay niya" nakangiting saad ni tita nabuhayan naman ako ng loob ibig sabihin buhay siya? Napangiti naman ako sa nalaman ko.

Naguguluhan man ako ay humakbang nako sa tinurong kwarto ni tita.  Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto at tumambad si Kerosen na nakahiga sa kama at naka damit na puti maayos ang itsura niya napaka amo rin ng mukha niya kung titignan malayong malayo siya sa itsura niya kagabi ganun pa man di parin mapagkakaila ang mga natamo niyang galos sa katawan. May malaking benda din siya sa binti ibig sabihin hindi siya napuruhan? Habang tinititigan ko siya ngayon dahang dahang humupa ang kaninang kumukulong dugo ko sakanya hindi ko alam paano ko siya iiintindihin ngayon ang gulo ng sitwasyon.  Hahakbang na sana ako palapit ng bigla siyang nagising nilingon naman niya ako sandali at biglang tumitig sa kisame.

Naupo ako sa gilid ng kama niya kung saan may upuan. Nagulat ako ng lumingon siya at nagsalita.

"galit ka ba saakin? " kasabay ng tanong niyang iyon ay ang pagtulo ng luha niya. Pilit ko mang itago ang totoong nararamdaman ko pero dahil sa tanong niya ngayon hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang sumbatan sa tanong niya.

  Tumingin naman ako kung saan para pigilan ang nagbabadya kong mga luha.

" gustuhin ko mang intindihin ka hindi ko magawa yun ngayon, kase ang sakit... Kerosen bakit? Bakit nakayanan mong patayin si T-Timothy? " Galit keep ng sigaw. Lumingon naman siya saakin at tuloy tuloy na ang mga luha niya sa pagtulo.

"Hindi ko siya pinatay" gumagaralgal ang boses niyang sagot saakin. Sumilay  ang sarkastiko kong ngiti.

"Pinatay mo siya kitang kita ko! " nanggigigil kong sigaw.

"Hindi ko nga kayang gawin yun! Hindi ako ang pumatah kay Tim" Depensa niya at naupo. sandaling katahimikan ang namutawi sa kwarto.

" ginawa mo" pagdidiin kong bulong.

"hindi Dorothy m-maniwala ka h-hindi ko ginawa yun!" giit na naman niya. Napatayo naman ako sa inis.

"Alam mo, nakakaputangina ka rin eh hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat  pinipilit ko pa ring intindihin ka kahit hindi na tama! Siguro ganun talaga kita ka gusto... ang tanga tanga ko lang diba?"
Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Nagulat din ako sa binitawan kong mga salita o my god! Sa pagkakataong ito harap harapan kong inamin sakanya ang totoong nararamdaman ko na talagang ikinabigla naming pareho. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si ma'am Soledad habang ang mga mata ng mga kasamahan namin sa sala ay nasa amin na din.

" sige, tatanggapin ko lahat ng mga salitang binitawan mo pero yung ipilit mong pinatay ko siya ang hindi ko matatanggap! " sigaw niya din saakin at talagang seryoso siya. Umatras naman ako habang umiiling.

"Kalimutan mo na lahat ng sinabi ko, kalimutan mo na rin kung ano tayo. pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin. " tuluyan nakong tumalikod at lumabas ng kwarto.

Sa oras nato kakalimutan kona lahat ng happiness and pain sa lugar nato. starting today everythy happened doesn't exist. forget me Kerosen, forget me the way I will forget you.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Där berättelser lever. Upptäck nu