CHAPTER 40

0 0 0
                                    

KEROSEN'S POV

Nakatingin lang ako sa malawak na open space sa baba ng terrace, alas onse  na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog maingay naman sa dalampasigan dahil overnight ang isang  open space bar doon na pagmamay ari din namin dito sa loob ng resort.

"Sup Kerosen still awake?" Napalingon naman ako kay Lewis na naglalakad na palapit saakin may dala siyang tasa ng kape.

"Yeah, ikaw ba?" Natawa naman siya sandali sa tanong ko tapos naupo sa isang upuan na malapit saakin.

" I can't sleep." Sagot niya at minasahe pa ang batok niya.

"Hmm, parehas lang tayo" nakangiti kong sagot.

"Sira ulo ka kase eh, pinagtripan mo pa si Dorothy bago ka nagpasabog ng kasalan" natatawa niyang sabi saakin hindi ko rin mapigilang mapangiti habang inaalala lahat ng reaksyon ni Dorothy simula ng pumunta ako sa bahay nila hanggang ngayon.

"Naalala ko pa ang reaksyon niya ng pumunta ako sa bahay niyo haha para siyang nakakita ng multo" natatawa kong sabi natawa din si Lewis sa sinabi ko.

Nang maging maayos ako, inayos na rin ng pamilya ko ang resort tsaka kame nagbukas ulit. Ang totoo niyan marami kaming resort sa buong bansa kasama na doon ang mga hotels yun ang business ng pamilya namin. Kaya kahit hindi na namin buksan pa ang resort na to ay ayos lang. Kaya lang hiniling ko  sa mga magulang ko na buksan to ulit at ako ang mamamahala.  pinaimbestigahan ko rin ang pamilya ni Dorothy at nalaman kong nasa business din sila marami silang pagmamay aring  factories, farm, at isa sa malaking bussiness nila ay ang trading ng mga tela internationally. Sa kapangyarihang meron ang pamilya ko pagdating sa negosyo nalaman din naming may problema ang trading nila dahil doon nakabuo ako ng plano na kahit isa sa pamilya niya hindi tatanggi sa alok ko. Pero masyado atang maliit ang mundo namin dahil magkasosyo ang parents namin. Nang simulan ko ang plano nalaman kong tambayan ni Lewis ang isa sa mamahaling bar sa cuidad nila lahat ng yon ay nasa plano ko. Lasing si Lewis ng makilala ako ikwinento ko sakanya ang buhay ko at wala siyang ibang ginawa kundi ang tumawa at magulat. Iniisip niya atang nanaginip siya.  Pero kung sineswerte ka nga naman dumating si Gicelle ng oras na yon at mukhang may tama na rin.  Si Gicelle ang naging kaclose ko ipinagtapat ko sakanya na kilala ko ang kapatid niyang si Dorothy. Kinabukasan ay talagang pinuntahan ko ang kompanya nila at kinausap si Mr. Hechanova simula sa araw na na close ang deal namin madalas ko ng makasama si Lewis at Gicelle sa negosyo at  nakipagsabwatan pa siya saakin na ilihim ko muna at ipalabas na may relasyon kame para lang asarin ang kapatid niya.

" Bro, ingatan mo ang kapatid ko ah mahal na mahal ko yon"  napalingon naman ako sa sinabi ni Lewis. Ngumiti naman ako.

"Minsan na uulol pa naman yon. Alam mo yun bigla nalang maninigaw hay mga babae talaga"  napailing naman ako ano pa nga ba?

" Parang alam mo yun  parang parehas sila ni---"

"Ate Anthonia" dugtong ko nanlaki naman ang mata niya.

"hahaha isa pa yon hindi pako nasisigawan ng kahit na sinong babae kapatid mo lang ang malakas ang loob" sumutok pa siya sa hangin.

"Ah ganun ba?"
Napalingon kame agad ng marinig namin ang boses ni ate Anthonia naupo naman ng maayos si Lewis.

"Oh bakit gising kapa?" Tanong ni Lewis.

"Ikaw nga gising pa nagreklamo ba ako?" Sagot din ni ate.

Palihim naman akong natawa ng hindi makasagot si Lewis sakanya.

"Dito ka nga pagusapan natin yang pagtataray mo" hamon din ni Lewis  kay ate tinignan lang siya nito na parang nakatingin sa walang kwentang bagay tapos naglakad palapit at umupo sa mismong harap niya. Nagulat naman siya at napatikhim dahil sobrang lapit sakanya ni ate Anthonia.

" Teka exit muna ako parang gusto kong uminom ng nagyeyelong tubig ang init kase" asar ko tumingin namam saakin si Lewis na parang humihingi ng tulong kinindatan ko lang siya at naglakad paalis.

Pumasok nako sa sala para dumertso sa kwarto ko ng makita kong kakarating lang ni Esthefania.

"Saan ka galing?" Kunot noo kong tanong sakanya.

" Esthef pumasok kana sa kwarto baka makita ka ng kumag mong kuya mapapagalitan tayo!"  Sigaw ni Dorothy sa dinning area.

Tumingin ako ulit kay Esthefania na nagpapanic na habang nakaupo sa sofa. Bumuntong hininga nalang ako at umupo din sa sofa saan naman kaya dinala ni Dorothy tong kapatid ko?

"Kuya hehe a-antok n-nako" mahinang sabi ni Esthefania saakin amoy ko naman ang alak habang nagsasalita siya.

" Umupo ka lang dyan" seryoso kong sabi.

" Grabe di na to mauulit pasaway ka talaga haha---" Napahinto siya sa pagtawa ng makita ako na nakaupo sa sofa.

"K-Kerosen"  nauutal niyang sabi tumayo pa siya ng maayos at magdadalawang isip kung lalapit ba saamin o ano.

" Ate help.." bulong ng kapatid ko.

"Saan kayo galing ng ganitong oras?" Seryoso kong tanong.

"Ah naglakad lakad lang" palusot niya habang pilit na ngumisi.

"Ang aga naman ng pamamasyal niyo?" Bwelta ko.

"Oh grabe antok nako ate goodnight na po kuya!" arte rin ni Esthefania at dali daling umalis.

"Hehe Goodnight na rin." paalam ni Dorothy saakin tumikhim naman ako kaya huminto siya sa paglalakad.

"Sorry na kase! Naglakad lakad lang naman kame promise" paliwanag niya.

"Oo tapos nung nauhaw kayo sumimsim kayo ng alak ganun ba?" Sarcastiko kong sabi at naglakad palapit sakanya.

"Cocktail lang naman eh" depensa niya rin.

"Tsk bat ba ang OA mo? Hindi na bata ang kapatid mo!" Inis na sabi niya at naglakad pabalik sa dinning area. Sumunod naman ako sakanya.

"Ano yan?" Takang tanong ko.

"Pagkain. nagutom ako eh, upo ka." at pinalo ang katabing niyang upuan.
Naupo nalang ako habang pinagmamasdan siya.

"Nakainom ka ba?" Tanong ko huminto naman siya sa pagkain.

"Konti lang" sagot niya.

"Sa susunod sabihan mo ko para masamahan ko kayo" pangangaral ko.

"What? Im not a kid anymore" natatawa niyang sagot. 

Nararamdaman kong may nakamasid lang saamin kaya hanggang maari ay kailangan ko siyang bantayan wala siyang ideya nung nakaraan na may tumira ng kutsilyo sakanya kase nahila ko siya agad at dinahilan ko lang na gusto ko siyang yakapin.

Nagulat naman ako ng marahan niyang hawakan ang pisngi ko habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Anong nagyari dyan sa pisngi mo?" Takang tanong niya.

" Nasugatan lang inaayos kase namin yung kabilang resto natamaan lang ng nakasabit na furniture" sagot ko nginitian niya naman ako. Napapikit naman ako ng marahan niya akong halikan sa gilid ng labi ko.

"Grabe nalasing ata ako sa ininom ko" natatawa niyang sabi at inalog pa ang ulo niya.

Napaiwas naman ako ng tingin bumilis agad ang tibok ng puso ko.

"Tara matulog na tayo" yaya niya pa kaya tumayo na rin ako.

"Hindi pa ba tapos magligawan yung dalawa sa labas?" Biglang sabi niya ng nasa sala na kame sumilip pako sa terrace. Natawa nalang kame ni Dorothy ng magtama ang mata namin.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now