CHAPTER 41

0 0 0
                                    

DOROTHY'S POV

Nakatayo ako ngayon sa dalampasigan kung saan ako unang tumayo at nakaramdam ng kakaiba ng dumating ako sa resort na to.

Hinawi ko naman ang ilang hibla ng buhok ko na tinatangay ng hangin ngayon. Nilibot ko ang tingin ko mula sa dalampasigan papunta sa likuran ko, ang dami ng nagbago... Napangiti pa ako ng nilingon ko yung likod ay hindi na isang hunted rest house ang nakita ko kundi isang magandang resto na. 

Nakita ko namang nakatayo si Kerosen sa harap ng resto habang kausap ang isang Architect na kaibigan niya.

Seryoso siyang nakahawak sa bewang niya habang nakikinig sa sinasabi ng kausap niya. Napangiti naman ako tanginang ang gwapo ng mukha niya kahit sa malayo. Natawa na lang ako sa naisip ko tapos lumingon ulit sa dalampasigan.

Kumunot ang noo ko ng mahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakatingin saakin, parang pamilyar siya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita iniwas niya naman saakin ang paningin niya at naglakad na paalis. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na rin ako paalis at lumapit sa pwesto nila Kerosen. Umaliwalas naman ang mukha niya ng makita ako kaya nginitian ko siya.

"Good morning" bati ko sa kanila.

"Hi, good morning" bati saakin nung kausap ni Kerosen.

Lumapit naman ako kay Kerosen, hinawakan niya naman ang likod ko para ilapit ako sakanya.

" Martin this is Dorothy, my wife."  nanlaki naman ang mata ko.

"Woah hahaha. Ibang klase ka talaga Kero"  kunwaring hindi makapaniwala niyang sagot kay Kerosen. Natawa naman ako.

"Grabe namang imahinasyon yan. Hindi naman ugali ng mga Flores ang pagiging assuming saan mo na mana?" Natatawa kong asar sakanya kaya natawa din sila sa sinabi ko.

" Bakit doon naman papunta eh"  kunwaring seryoso niyang sabi.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o   malulusaw na lang dito sa sobrang hiya. 

"Nako kailan ba kase ang kasal?" Asar naman ni Martin.

" Tumawag ka ng pari papakasalan ko to ngayon din" usal ni Kerosen at itinuro ako, nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya. Ano bang nakain nito kagabi at nagkaganito to ngayon?

" Woah kalmahin mo naman pare" asar na naman ni Martin at sinuntok pa kuwari ang kaibigan niya.

"Gutom lang yan Kero, oh ano aalis nako kita na lang tayo ulit" natatawang paalam ni Martin at kumindat kay Kerosen.

Bumaling naman ang tingin niya saakin kaya medyo nailang ako. 

"Anong masasabi mo?" Tanong niya at tinuro ang kabuoan ng resort.

Sa halip na sumagot ay matamis akong ngumiti sakanya. I don't know what to say, words are not enough para puriin ang  mga achievements niya dito sa resort. I'm speechless.

"Im happy to see you this free" nakangiti kong sabi habang nakatitig sakanya. Nilingon niya naman ako.

"Masaya din ako na nakikita kang masaya habang itinutupad at ginagawa ko ang mga bagay na hindi ko nagagawa dati" malumanay niyang sabi saakin.

Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya.

"From your darkest time, hanggang maging matagumpay ka sa buhay mo kahit anong mangyari nandito lang ako." nakangiti kong sabi.

" Ayoko ng bumalik sa mga panahong yun, nakakatakot haha"  natawa naman ako sa sinabi niya.

" You need to forgive yourself sa lahat ng nangyari sayo in the past. you also need to let go, move on, and move forward. This is your break through this is your new beggining make it worth living despite your past" sabi ko nginitian niya naman ako at bumuntong hininga.

Alam kong kapag naaalala niya ang nakaraan niya  nanghihina ulit ang loob niya kaya gusto kong malaman niya na kahit anong mangyari hindi ko siya iiwan.

"Gusto na kitang pasakalan agad para lagi na kitang makasama"  natawa naman ako sakanya.

" Oh baka mausog tumahimik kana" suway ko.

Naglakad na kame ulit papuntang rest house kung saan kame tumutuloy. Nakita ko namang may babaeng nakatalikod sa gawi namin kausap siya ni nay Josepina nagtatawanan pa sila kasama si Esthefania.

"Oh nandito na pala sila" sabi ni nay at nilingon kame.

Dahan dahan namang humarap saamin ang babaeng kasama nila nagulat ako ng marealized kong siya ang nakatitig saakin kanina sa dalampasigan.

"Valeria?" Takang tanong ni Kerosen at dali daling nilapitan yung babae. Ngumiti naman ng malaki si Valeria at yumakap kay Kerosen.

"Kamusta, bakit ngayon ka na lang ulit dumalaw?" Nakangiting tanong ni Kerosen sakanya.

"Dorothy halika, naaalala mo pa ba siya?" Tanong saakin ni nay Josepina napaisip pa ako sandali.

Omg siya ba yung kaibigan ni Kerosen? Yung malapit na naming mabangga?

"Ah, opo naaalala ko" nakangiti kong sagot.

" Dorothy? Tama ba?" Nakangiti din niyang tanong saakin tumango  naman ako sakanya.

Nilapitan niya naman ako at niyakap. Hindi ko alam anong gagawin are we even that close para yumakap din siya saakin?

"Grabe ang laki na ng pinagbago mo nung nagkakilala tayo ang haba ng buhok mo Kaya hindi kita agad nakilala ngayon kase umikli na ang buhok mo" sabi ko at natawa naman siya.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Fiance ko na siya" biglang sagot ni Kerosen. Hindi naman siya makapaniwalang nagpalipat lipat ng tingin saamin ni Kerosen parang gulat na gulat siya pero maya maya pa ay natawa siya.

"Wow I didn't expect it to be like this" manghang sabi niya kaya natawa kame.

"Oh bago pa humaba ang usapan tara na't kumain" sabi ni nay saamin. Sumunod na kame sa kusina wala namang ang mga parents namin kase may inaasekaso daw sabi ni nay ang mga kapatid din namin nila Kerosen nililibot ang resort.

Pasimple ko namang sinulyapan si Valeria. Kanina sobrang saya niya ng makita si Kerosen pero nung nalaman niyang fiance nako ni Kerosen, parang nabawasan ata yung ngiti niya. Hindi naman ganun ka kitid ang isip ko para mag isip pa ng iba matalik silang magkaibigan kaya normal lang na malapit sila.

Naupo nalang ako sa mesa at kumain kanina pa pala ako gutom tsk. Nagkwentuhan naman kame at panay ang tawa ni Kerosen kapag ikinekwento ni Valeria kung paano tumatakas si Kerosen dati dito sa loob ng resort natatawa din ako sa mga pinaguusapan nila kaya panay din ang ngiti ko.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن