chapter 13

1 0 0
                                    


" Kerosen! Sandali ano ba? " habol habol ko ang hininga ko ng sigawan siya putcha pa special to eh. Lumingon naman siya  saakin.

"Anong ginagawa mo bat sinusundan moko? "  tumuloy naman siya sa paglalakad at humabol na naman ako hays! 

"Woi bat pumupunta ka dyan bawal dyan! " sigaw ko sakanya. 

Huminto naman siya sa paglakad at tumitig sa lumang bahay. Oo doon siya papunta. Nilapitan ko naman siya at hinila ang t-shirt niya at kinaladkad siya papunta sa dalampasigan. Pagdating namin dun naka beast mode pa rin yung mukha niya kaya nauna nako magsalita. 

"Hindi ko talaga kayo maintindihan ang gulo niyo eh pwede paki explain? " Naguguluhan kong sabi.

" tss wala kana dun" pamaang niyang sagot at pumulot ng maliit na bato at binato sa dagat.  Napa upo naman ako sa malaking bato ng tinitigan ang paulit ulit niyang pag pulot ng mga bato at hinahagis sa dagat. 

"Parehas lang naman tayo ng sitwasyon eh. " pagsisimula ko habang malayo ang tingin. 

"Pinagbabawalan sa mga bagay na gustong gusto natin gawin" dagdag ko pa at lumingon sa kanya.   Nagpakawala naman siya ng malalim na hininga at binulsa ang kamay niya.

" in what way? " tanong niya. 

Ngumiti naman ako bago magsalita. Yung ngiting  kahit na sino hindi mahahalata kung anong naramdaman mo.

" I'm marrying a stranger..."  pagkatapos kong sabihin yun bigla akong napayuko ang bigat sa pakiramdam magshare, hindi ko naman ugali yon.

" what if hindi pala ako ang totoong kaharap mo? " kumunot ang noo ko at dahan dahang tumingin sakanya

"What? " natatawa kong tanong.

'' I mean...  Hindi ito ang totoong Kerosen na nakilala mo, nyo. " sumeryoso ang mukha niya ng sabihin niya yun. Why is he talking like that I don't understand what does he mean?

" well what else can I do ba? Unless accept what you are? " nakangiti kong sabi. Natatawa naman siyang umiling saakin.

Bigla naman akong napahawak sa bibig ko ng biglang may nakatakot akong naiisip. What if kriminal siya kaya niya sinasabi lahat ng to ngayon. What if tinago siya ng pamilya niya dito sa resort kase may nagawa siyang krimen? O my gosh!

" kahit you'll see my  darkness secret?"
Nanlaki ang mata ko ng  itanong niya I knew it! Pano kung tama ang hinala ko?! Huhu. Tumango tango naman  ako at pinakitang hindi  ako kinakabahan.

"As long as tao ka... I'll accept who the hell you  are" nakangiti kong sabi.  Hindi ko alam pero  tumango lang siya saakin  walang kakulay kulay.
Ang weird.

"Salamat" bigla niyang  sabi. 

Sinuklian ko naman siya  ng napakatamis na ngiti at  totoong sincere ako dun, narealized ko lang kasi  na siguro nga kriminal siya pero hindi yun ang  magiging dahilan para  iwasan ko siya kase una sa  lahat nakilala ko siya  bilang mabuting tao labas nako don kung ano mang naging kasalanan niya.

" hays I really need to  keep you." Binigyan ko  naman siya ng mapang  asar na tingin.

"Kase ikaw lang ang  nakakaintindi saakin."  Tumaas naman ang kilay  ko sa pinagsasabi niya.

" you really need to. Ako na to me teh." nag angat naman siya ng tingin saakin. 

"Ano bang ginawa ko at nakilala kita?" Nakangiti niyang tanong. hindi ko alam paano ako magrereact ngayon. 

"I feel fine whenever I'm with you. Parang ang kalmado, parang wala akong iniisip na problema hahaha" napapailing niya pang sabi at tumingala sa ere. Naiwan naman akong nakatitig sakanya. Sunod sunod na kumabog ang dibdib ko at para bang nag slow motion ang lahat habang nakatingin ako sakanya.

 lumipas ang ilang minuto  nakadungaw lang doon sa dalampasigan hanggang mapagdesisyunan ko ng magpaalam sa kanya at ganun din siya. pagdating ko sa rest house kwinento ko lahat kay nay Josepina lahat ng nangyari syempre maliban dun sa mga napag usapan naming kalandian. Kalandian???

Pagkatapos naming magligpit sa kusina dumeretso nako sa kwarto ko. Binuksan ko naman ang bintana ng kwarto ko at dumungaw doon ang lamig ng hangin napatingin naman ako sa punong tinatambayan ng aswang na yun! nawala na sa isip ko ang mga creepy shits na nangyayare dito pero sabi ni nay Josepina wag daw akong pakampante at sinabi niya din wag akong matatakot? seryoso wag daw akong matatakot hayaan ko lang daw kase hindi naman ako kayang galawin non king nasa loob ako ng rest house. Kaibiganin ko kaya para may kachismisan ako sa gabi putcha! Kung hindi lang siya mukhang hayop sa malapitan baka pinapasok ko na siya sa kwarto ko! Siguro nga gabi gabi yan nandyan eh hindi ko lang ata maabutan nung nakaraan kase natutulog nako agad. 

  "Hangga't wala kang ginagawang masama saakin pagbibigyan kitang tumambay dyan pre" bulong ko sa sarili at natawa sa kalokohan ko ilang sandali pa sinarado ko na ang bintana at natulog...

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now