chapter 31

1 0 0
                                    

Napatingin ako sa pinto ng marahan itong bumukas at tumambad ang pagmumukha ni ate! Bigla naman akong naiinis.

"May kailangan ka? " diretsong tanong ko.

  "alam mo kung bakit ako nandito" sarkastiko niyang sagot. 

"Hindi ko alam" pambabara ko.

  "pwede bang umayos ka Dorothy! Hindi na kita maintindihan" sigaw niya.

" hindi ko rin maintindihan kung bakit nandito ka" sagot ko.

"Gosh up until now same old issue? Kerosen right" asar niya.

"What a slut." Bulong ko sa hangin pero nabasa niya ang galaw ng labi ko kaya
nanlaki naman ang mata niya at akmang susugurin ako kaya tumayo naman ako agad. Napakawarfreak.

" sige sampalin moko para mapatunayan mong totoo ang sinabi ko" pagbabanta ko kaya nagpipigil siya ng galit ngayon. Nangiti naman ako.

"Ano bang problema mo? Napakapalstic mo pag kaharap mo sila kuya para kang babaeng hindi makabasag pinggan pero lumalabas yang bitch mong ugali pagdating saakin!" Galit niyag sabi.

"ako yung bunso... Wala akong choice kundi ang sumunod sa lahat ng gusto niyo nagrereklamo kayo sa ugali ko? you made me this way!" Sigaw ko rin.

" your insane hindi ganun yun! " depensa niya.

" stop lying! Kase yan ang pinaparamdam niyo."

"Tigilan mo si Kerosen ate. Hanggang may natitira pa akong respeto sayo." Kumunot naman ang noo niya.

"Ikaw ang tumigil. You know nothing about him " seryoso niyang sabi.

"At ikaw kilalang kilala mo?" Natawa ako wala siyang alam.

" you like him isn't it? " tanong ko pero nakaiwas parin ang tingin niya saakin.

"kayo na?" Dagdag ko pa pero hindi siya sumagot o my god!

 nasasaktan ako sa pagiging tahimik niya mas pinapatunayan niya lang na tama ako.

"sinabi niya ba kung pano kame nagkakilala? " tanong ko.

"sinabi niya ba kung pano niya nilampasan ang pagsubok sa buhay niya? kasama kame?" dadag ko pa pero nakatingin lang siya saakin.

"ikwinento niya ba sayo kung paano ko tinanggap at minahal ang pagkatao niya? Alam mo ba! ---" nagsalita naman siya agad.

"tama na! " namuo na rin ang luha sa mata niya ngayon.

"masakit? Wag kang mag alala ate kung may mas nasasaktan ngayon walang iba kundi ako  yun" bwelta ko.

Naisipan ko namang  tumambay sa bahay nila Maia para kahit papano humupa ang galit ko kinagabihan bumalik nako sa bahay para ayusin ang mga gamit ko because according to my parents bukas na kame luluwas para sa lecheng marriage  na yun!

Kinaumagahan ginising nako ni kuya para makapagready at ilang sandali pa nasa byahe na kame tahimik lang ako sa sulok habang nakamasid sa labas ng bintana ng kotse  umaalingangaw naman ang music ni kuya kaya ang sarap matulog umidlip naman ako pero nagising  ako sa boses ni dad.

" dito na ba yun? " tanong niya sa driver namin.

Napabalikwas ako ilang oras ba akong tulog? Bakit paranf dumaong ang kotse sa port? Nilingon ko naman ang likuran ng kotse galing kame sa loob ng barko?

"opo sir " hindi ko alam kung anong pangalan nitong lugar pero alam kong resort ang pinasukan namin maganda. Napaka ganda ng resort at ang laki.

Habang papasok ang kotse sa loob napakaraming mga tourista ang naglalakad sa palikid. Binuksan ko naman ang bintana ng kotse at sumalubing saamin ang ingay sa labas may banda ring tumutugtog sa kalayuan. Kumunot naman ang noo ko ng makita ang pangalan ng resort o my god! O my god ulit!

Welcome to Villa Flores

"What's the matter?" Tanong ni kuya pero hindi ko siya magawang sagutin.

No hindi ko pwedeng sabihin sakanilang dito ako galing!

hindi ko masyadong nakilala nung una ang resort jetlag pako sa biyahe at talagang nagulat ako sa itsura nito. Ang dating tahimik at mukhang gubat na kugar ay masigla at maganda na ngayon. ang daming nagbago ang ganda na ng lugar at sobrang daming tao hindi ako makapaniwala na nagbukas na sila ulit ang resort nato. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nabuo sa loob ko sobrang na miss ko ang lugar na to!pero anong ginagawa namin dito? O my god! Nanghina ako sa naisip ko. Tama ang hinala ko. Ikakasal si ate kay Kerosen?  lumingon ako kay ate siya at namamangha siya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Parang pinipiga ang puso ko. Walang lalake sa magkakapatid na Flores si Kerosen lang nag iisang lalakeng anak.

Para akong nakalutang sa hangin. Ilang sandali pa huminto kame sa isang malaking rest house napangiti ako ng maisip na dito kame tumuloy nila Maia dati pagbaba namin ay may sumalubong na staff at hinatid sila mom sa loob samantalang naiwan naman ako sa labas dahil gusto kong maiyak ng makita si nay Josepina! Humakbang naman si nay saakin at mahigpit akong niyakap napapikit ako sa tuwa!

"nagagalak akong makita ka muli iha" saad niya.

"Ako din po " natutuwa kong bulong.

"hali kana sa loob hindi nila dapat tayo nakikita  ng ganito ka lapit dahil hindi nila alam na magkakilala tayo" natatawa niyang sabi  napakagat naman ako sa labi ko paano ko sasabihin na ikakasal si Kerosen sa ate ko?

namangha ako sa ganda ng pagkakarenovate ng rest house ng makapasok ako inikot ko naman ang paningin ko sa kisame dahil classical ang design shet gustong gusto ko ng ganito parang makaluma inextend rin ang rest house kaya lumaki. ibinaba ko ang tingin ko sa sala at tumambad sa harap ko ang kasapi ng pamilya Flores umihip naman ang malamig na hangin sa paligid nakangiti saakin si tita Soledad pero hindi ako nakareact hinahanap ko si Kerosen pero wala siya.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now