Chapter 3

6.3K 124 6
                                    

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.

“LET’S break up.” Walang emosyong sinabi ni DK sa boyfriend niyang si Gerald. Isa sa mga co-doctor niya sa hospital. Isang linggo pa lang silang mag-on pero andami na kaagad niyang naririnig dito. Napasagot siya dahil rugged ang look nang nasabing doctor. Mala-Gerald Anderson ang look nito at weak siya sa mga ganoong lalaki. Hindi niya alam na may kabalastugan pala itong doctor na ito.

Ginagamit pala nito ang pangalan niya sa ibang nurse para manakot na masesesante kung hindi gagawin ang mga sinasabi nito. Buti na lang at nalaman niya. Napaka-gago pala nitong taong ito. Nakaka-turn off.

“Let me explain, DK. I can explain everything,” sabi naman nito na sinusundan siya. Magkikita kasi sila nang kanyang ultimate best friend na si Elliot.

“You don’t need to explain anything. Maraming proof na akong nakalap. You are the worst guy I’ve ever met. Kung kukulitin mo ako ay makakarating ito sa board at mawawalan ka nang lisensya. Buti nga at natanggal ka lang sa ospital namin e. Mabait pa ako nun. Don’t try to do anything to the other hospital or ipapatapon kita palabas nang bansa.”

“DK. This is unfair! Hindi mo man lang ako pakikinggan?”

“Bakit pinakinggan mo ba ang daing nang mga nurse na ginago mo? Pwe!” sabi niya at nandidiring lumayo sa lalaki. Hindi na ito nagpilit pa at dumiretso na siya sa sasakyan niya. Ma-late pa siya sa kanyang very awaited appointment with her bestfriend.

Hindi naman nagtagal at nakadating na sila sa dating tambayan. Bagong coffee shop ito sa dating building nang coffee shop na pinagtatagpuan nila. Kofi Cups and Sweets na ang bagong pangalan nang coffee shop. Isa daw sa malayong kaibigan ni Earth ang may-ari na si Kofi.

“El!” Tawag niya dito at kumaway sa kaibigan. She doesn’t care kung pagtinginan siya nang tao. Nakangiti naman itong kumaway sa kanya at tumayo para salubungin siya nang mahigpit na yakap na ginantihan naman niya nang mahigpit ding yakap.

“Ano naman tong tagpo natin?” Natatawang sabi niya nang matapos na ang yakapan nila. “Parang 100 years tayong hindi nagkita. How’s your company? How’s Tito Elijah and tita Jasmine?” Maya-maya ay tanong niya at umupo na siya na kaharap ito.

“Well, I just missed you so much. The company’s fine and my parents are both enjoying their vacation. Nasa Macau sila ngayon at ang next destination nila ay sa Mongolia,” sabi nito binigyan siya nang menu nang coffee sa kofi. Recently lang itong itinalaga nang daddy nito na maging Presidente nang Rivera’s Construction Company. Kilala at top notch na Construction  Company sa buong pilipinas.

“Ai hindi lang ikaw ang naka-miss no. Miss na miss kita, super super, mega mega.” She said and grins.

“Wait, I better go and order some coffee. What do you want? The usual or may bago ka nang inumin?”

“No. Same na lang. Cafe Au Laite na lang. Naadik ako sa kape dito e,” sabi niya at ngumiti na dito. Tumungo naman ito at lumakad na papalapit sa may counter. Hindi naman niya maiwasang pagmasdan ang lalaki na nakatalikod na sa kanya. Sa kanilang anim ay si Elliot ang masasabi mong ‘Payat’ sa grupo. Kumbaga macho ang dating nang iba habang ito ay malaman lang.

For her ay maganda ang hubog ng binata, sexy ito at pang model nga ang dating nang katawan nito plus pa na matangkad ito. Hindi niya napigilang mapatingin sa pang-upo nito. Napakagat-labi tuloy siya sa nakita pero napilig niya ang ulo dahil na rin sa iniisip. Nagiging marumi na ang isipan niya. Sakto namang napalingon si Elliot sa kanya at kumaway. Napakaway din siya na lalong nagpaguilty dahil tinitignan niya nang malaswa ang lalaki.

JESTER Series 5: Elliot's I Will Be WaitingWhere stories live. Discover now