Chapter 7

5K 101 14
                                    

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.

THREE days had passed at busy rin masyado ang hospital. Hindi na rin naman siya ginagambala pa ni Elliot dahil alam nito na busy siya at alam din niyang may tinatapos itong plano. Napagkasunduan nilang magkikita after three days dahil parehong off nila iyon. Siya naman ang magluluto ng lunch nila ngayon.

Nakasuot siya ng apron at nasa kalagitnaan na ng pag-preprepare ng kakainin nila ng bumukas ang pintuan ng condo niya.

“Good afternoon sa iyo, DK. Aga mo nagising ah,” sabi nito at inilapag ang ilang na dala nito. Napagkasunduan nilang mag-movie marathon na lang ulit katulad nung isang araw. Relaxing pa at masaya dahil napagkasunduan nila na Romance at comedy ang genre ng papanoorin.

“Ngek. Morning shift kaya ako kahapon kaya naman nakatulog ako ng mahimbing. Hindi kasi ako tinawagan kaya walang alam ang lolo.” Napa-rolleyes na kinuha niya at inilagay na sa lalagyan ang nilutong niyang pagkain. Pork naman ang natripan niyang lutuin sa hapunan. Pork Steak with lots of onion at para naman sa starter ay isang chicken noodle soup na na-crave niya habang naghihiwa ng pork.

“Wow. Sarap ng amoy ha. Pwede ka ng mag-asawa, DK. Tanungin mo na lang ako kapag handa ka nang pakasalan ako.”

“Tse! Ihanda mo na lang ang kakainan natin. Sopas at pork steak ang niluto ko e,” sabi niya at pinapakuluan pa lalo ang chicken noodle soup na niluto.

“Opo, Miss...is,” sabi nito at lumapit na sa kabinet kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Wala namang napunta sa condo niya kundi si Elliot kaya naman pang dalawang tao lang talaga ang mga gamit niya dito. Hindi naman siya makalat at ayaw niyang may ibang tao na nakakaalam ng condo niya. She’s a very private person kumbaga.

Hindi nagtagal at kumain sila at nagkulitan na naman. Lumabas sila sa veranda ng condo niya at naupong pinagmasdan na lang muna ang paglubog nang araw. Masyado pa kasing maaga para mag-movie marathon sila. Kwentuhan at asaran ang ginawa nila hanggang sa magpasya na silang mag-movie marathon.

Ring♫♪♫ Ring ring ♫♪♫. Nasa kalagitnaan na sila ng pangatlong movie nila nang makuha ng cellphone niya ang atensyon. Medyo asar pa nga siyang pinindot ang cellphone at sinagot iyon.

“Hello?” Malumanay niyang sagot sa cellphone.

“DK! I need your help! I’ll go to your secret clinic!” Nagpapanic na turan ni Theo. Hindi niya alam ang nangyayari pero it’s the first time na marinig niya ang panic voice ni Theo. Kahit na nasa napaka-panget na sitwasyon na sila sa Army ay hindi niya kinakitaan ng pagkapanic ang lalaki.

“Shit, DK! She’s dying!” She? Sinong she? Sino ang babaeng nagpapa-panic sa long time love niya? Bilang Doctor ay nag-failed yata siyang tanungin kung ano ang nangyari at bakit mamamatay na ang kasama nito. Mas iniisip niya pa kung sino ang nagpapa-panic sa lalaki kaysa ang alamin ang kalagayan ng pasyente.

“Who’s that? Naririnig kong nasigaw ah. Is everything alright, DK?” Nakakunot noong nakatingin na si Elliot sa kanya. Naka-pause na rin ang pinapanood nilang movie.

Natapungo lang siya kay Elliot and mouthed ‘Si Theodore’. Naka-oh lang ang lalaki at tumungo-tungo. Tumayo ito at lumakad sa kusina niya.

“Okay. Calm down, GT. I’m on my way to the clinic! See you there. Just stay calm and focus on driving.” Nasabi niya dito. Alam niyang nag-drive ito dahil naririnig niyang bumubusina ito. Nagmamadali talaga ang lalaki. Nag-end call na siya para mas focus ang lalaki sa pag-drive.

“I needed to go, El. Emergency,” sabi niya sa lalaking nakatalikod at nainom ng tubig. Humarap ito at nakita niyang emotionless ang mata ng kaibigan. Ngumiti ito pero feel na feel niya na hindi ito masaya.

JESTER Series 5: Elliot's I Will Be WaitingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin