"Tumahimik ka! Ikulong niyo siya rito at huwag na huwag niyo siyang papatakasin hangga't hindi pa ako nakakabalik!" sigaw nito habang nakatingin sa mga tauhan niya. Nakangising bumaling muli ito sa'kin. "Hayaan niyo siyang mabulok dito!"

"Hindi mangyayari 'yon Mrs. Villin, hahanapin nila ako, at kapag nanguari 'yon, katapusan mo na," matapang sa sagot ko rito at mahinang tumawa. Napatigil naman ako nang ilabas nito ang cellphone ko.

"Hayaan mong basahin ko sa'yo ang minessage ko sa mga kaibigan mo," nakangising nitong sambit at pinagpipindot ang cellphone ko. "I'm sorry at hindi ako nakapagpaalam. Huwag kayong mag-alala at safe akong nakauwi. Hindi nga lang muna ako makakapasok ng ilang araw dahil may mga kailangan akong asikasuhin. Cloud, ikaw munang bahala sa kanila."

"Walang hiya ka! Ibalik mo sa'kin 'yan!" sigaw ko ngunit malakas lang itong tumawa at lumabas sa silid na pinagkukulungan sa'kin. "Mrs. Villlin bumalik ka rito!"

Inis na pinagtatanggal ko ang mga tali sa kamay ko ngunit masyado iyong mahigpit. Malakas akong napabuntong-hininga at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

Nang dahil sa kasakiman niya ay nagawa niya 'to sa'kinsa sarili niyang anak. Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko kailangan iyakan ang babaeng 'yon. Hindi niya deserve kahit ang isang patak ng mga luha ko.

"Pakawalan niyo siya at bigyan ng tira-tirang pagkain!" utos ng isang lalaki sa mga kasamahan niya at nakangising tumingin sa'kin. "Hindi mo ba ako nakikilala?"

I smirked. Sinalubong ang mga tingin niya. "Paano ko naman makakalimutan ang isang kagaya mo Harvey?"

"Mabuti naman at hindi mo ako nakalimutan, mahal ko. Kung sumunod ka nalang sana sa gusto ko at ng magulang mo, hindi mangyayari sa'yo 'to," saad nito at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Inis kong tinabig ang kamay nito nang tanggalin nila ang nakatali sa'kin.

"Kahit kailan hindi ako magpapakasal sa isang kagaya mo. Wala akong pakialam kung patayin niyo ako, huwag lang kaming magsunod-sunuran sa gusto niyo!" sagot ko rito.

Siya ang ipinagkasundo sa'kin nila Mrs. Villin bilang mapapangasawa ko. Kapalit no'n ay tatanggapin niya kami sa pamilya nila ni Zion.

"Napakataas talaga ng pride mo, mahal ko. Lalo tuloy akong nahuhulog"

"Nakakadiri ka! Ayokong makita ang pagmumukha mo!" putol ko rito na siyang dahilan nang pagkawala ng mga ngiti niya. Napadaing ako nang iharap nito ang mukha ko sa kaniya at mahigpit na hinawakan iyon.

"Pwes magsanay ka na dahil araw-araw mong makikita ang mukhang 'to," saad pa niya at tumalikod sa'kin. Kinuha nito ang tray na dala-dala ng kasama niya at ipinatong sa harapan ko. "Kumain ka na, mahal ko."

Nang makaalis sila ay inis kong inilayo sa'kin ang tray. Mga pinaghalong ulo ng isda, mga buto ng manok at kanin na may mabahong amoy ang laman niyon at isang basong tubig. Anong akala nila sa'kin, hayop? Wala talaga silang kasing sama!

Naglakad ako papunta sa gilid at doon naupo. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na umiyak.

Deserve ko ba ito? D

eserve ko ba ang ganitong sitwasyon? Ano bang mali sa'kin? Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?

"D-daddy, please.. tulungan niyo ko," bulong ko at mahigpit na niyakap ang mga tuhod ko. Kung nandito lang sana si Zion, kung nandito lang sana siya hindi ako panghihinaan ng loob.

Lie AgainWhere stories live. Discover now