Chapter 2

8.1K 145 7
                                    

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.

♪♫RING!♫Ring♪Ring♫♪ Iyon ang nakapagpabalik nang isipan niya sa kasalukuyan. Napangiti siya. Looks like her best friend needed her. Elliot’s calling.

“Hello, El! What can I do for you?” Masayang bati niya sa lalaki.

“Hi there, gorgeous. I just call to ask if you’re available. I needed someone to drink with kasi yung ka-date ko ayaw magpagabi kaya inihatid ko na,” sabi nito na alam niyang nakangisi ito nang nakakaloko.

“Sira. May shift ako ngayon e. Iilan lang kaming mga doctor dito kaya hindi ako makakatakas,” sabi niya dito at narinig niyang bumuntong hininga ito. He sound rather disappointed.

“When will I see you? Namimiss ko na kasi ang pagka-gandang lalaki mo.”

“Sira! Hindi ako tomboy at lalong lalo nang hindi ako lalaki. Super ganda ko no sayang naman ang lahi ko kung magpapaka-tomboy ako,” sabi niya at ngumisi. Matagal na silang close nang lalaki, mga 12-13 years na siguro. Simula nung magkita sila nang hindi sinasadya nung highschool. Hindi niya tuloy mapigilang mag-reminisce ulit habang kausap ang kanyang best friend

“So kung tawagin kitang Daphne or Kane or Daphne Kane, anong mangyayari sa akin?” tanong ni Ezekiel nang maglakad na sila sa may bayan. Wala rin naman daw silang gagawin kaya maglilibot na lang daw sila kasama niya. Nasabi na kasi niya sa mga ito na pupunta siyang bayan para maglibot at magliwaliw.

“I’m gonna punch you and kick you there,” sabi niya at tinignan ang gitnang bahagi nang lalaki at ngumisi.

“Tapang! Kaya pala na-inlove sa iyo si El eh!” sabi naman nito sa katabi niya. Natawa naman siya at tinignan nang nakaloloko ang katabi tapos ay tinignan si Ezekiel at bumalik ulit kay Elliot pero hindi umimik ang itinurong may gusto sa kanya.

“Seryoso?”

“Feeling mo naman,” maya-maya ay banat na nito na ikinatawa nang lahat pwera lang siya. Parang may feeling siyang dismayado or something.

“Tse!” sabi niya pero nakangiti na rin siya. Happy siya na may kakilala na siyang mga kaibigan, kaya nga lang ay pumapasok sila sa ibang eskwelahan. Mag-aalas-sais na kaya naman nagpaalam na siya. Ring nang ring na rin kasi ang kanyang phone kaya naman kailangan na rin niyang umalis. She’s so sure na papagalitan siya nang kanyang mga magulang.

“Can I get your number? Para naman maka-text kita. Sawang-sawa na akong makatext tong mga ito e,” sabi nito sa kanya sabay turo sa mga lalaking kasama.

“Sure. Gusto ko rin namang makuha ang mga number niyo e,” sabi niya at isinalaysay ang numero nang cellphone niya.

“Ihatid ka na rin kaya namin?” Maya-maya ay tanong ni James na medyo tahimik lang kanina pa.

“Ai naku wag na baka lalo akong mapagalitan. Napapalibutan kasi ako nang mga kalalakihan e. Konserbatibo ang tatay ko eh at madaldal ang driver namin. Sige tawagan ko na lang si Manong para masundo na ako. Maraming salamat ulit sa pagsama sa akin sa pagliliwaliw,” sabi niya at kumaway na tumakbo na palayo. Hindi nagtagal at dumating na ang driver nila at inihatid na nga siya sa bahay nila.

Kabado siyang pumasok sa malaking bahay nila. Alam kasi niyang papagalitan siya nang ama.

“Saan ka nanggaling?” Malakas ang boses nito pero mahinahon lang iyon.

“Nagliwaliw po. I needed air and time to relax, Dad,” sabi niya at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob. Papanhik na siya sa hagdanan nang magsalita ulit ang tatay niya.

JESTER Series 5: Elliot's I Will Be WaitingWhere stories live. Discover now