Kokoro no Honoo
NAALALA ko, September 2013 nang simulan ko itong isulat. Nasa NCR pa ako noon. Wala akong magawa kaya naisipan kong magsulat sa likod ng resume ko. Wala pa itong title, panimula lamang kung nabasa ninyo ang umpisa.
Mars - pangalan ng bida. Ang totoo, iyan ang unang pangalang naisip ko. Walang pinaghugutan. Naisipan kong gawin siyang basagulero. Pero hindi naman pala. May rason siya at malambot naman talaga ang puso niya lalo na sa usapin sa mga malalapit sa kaniya. Sa tumayo niyang nanay. Apoy ang ibinigay kong kapangyarihan dahil pula ang planetang Mars. Para nga sa akin, siya ay isang tahimik, seryoso, gusto na laging mag-isa. Iimik lamang kapag may kaaway. Makikipagyabangan kapag may kalaban. Napakabihirang ngumiti. Hindi marunong magpasalamat. Ayaw mag-sorry. Pero ang totoo, marami talaga siyang gustong sabihin. Kaso hindi nga siya pala-imik. Marcelo Falcon ang ginawa kong pangalan niya. Falcon, from Ejay Falcon. Iyong Marcelo ay ibinase ko lamang sa Mars.
Venus de Rama - Planet Venus. Pinakamaliwanag, maganda. Hindi ko lang sure kung sa Greek Mythology ay si Mars ay ka-loveteam niya. Iyong de Rama ay nakuha ko sa palabas ni Ejay Falcon na pang-hapon. Nakalimutan ko na ang title. Si Venus, iba-iba ang ugali niya. Minsan seryoso, minsan magulo. Depende sa panahon. Minsan ay childish pero kapag may ginusto, gusto niyang gawin o makuha. Bukod sa nanay-nanayan ni Mars, sa kaniya lamang agad sumusunod ito. Siya rin ang unang naging dahilan kung paano napalabas ni Mars ang Fire Phoenix. Sa kaniya rin unang natakot ang binata. Fifteen pa lang sila sa k'wento kaya hindi ko muna binibigyang tuon ang loveteam nila pero kahit ano ang mangyari sa k'wento. Loyal ang dalawang iyan sa isa't isa.
Fact: Wala pa sa sinumang Maharlika ang nagiging mag-asawa sa Elementalika.
Trivia: Tuwing mag-iisip ako ng kapangyarihan na gusto ko. Apoy talaga ang nais ko.
Nga pala, nais kong batiin ng Merry Christmas ang lahat ng walang sawang sumusubaybay sa k'wentong ito. Naisip ko na ang ending nito. Oras lang talaga ang kulang. Malapit na silang pumasok sa Elementalika kaya maghanda na kayo. Mas malalakas na ang mga kalaban. Digmaan kung digmaan. Marami ring ibang karakter ang p'wedeng lumitaw. Nga rin pala, kapag natapos ito, na matagal pa naman... May book 2 ito. Tungkol sa mga espada. :)
P.S. Sino kaya ang p'wedeng igawa ng cover photo ito? Regalo mo na po. :)
P.S.S. Tawagin na ninyo akong TaongSorbetes. Iyan na ang magiging UN ko magmula ngayon.
YOU ARE READING
Kokoro no Honoo by Taong Sorbetes (COMPLETED)
FantasyAt the beginning of the story, Mars was just a simple student who loved to fight. He didn't care about the people around him. Until he met Venus, his student life became noisy. He discovered that she had a power and because of her, his own ability e...
