Ikalabing-dalawang Kabanata

4.5K 149 8
                                    

"Nay, ampon lang po ba ako?" lakas-loob kong tanong sa aking nanay habang kumakain kami ng hapunan. Napansin ko pang nabigla siya sa tanong na iyon at napainom kaagad siya ng tubig dahil doon.

"B-bakit mo naitanong?" Kitang-kita ko sa mukha niya ang pangamba nang itanong niya iyon sa akin.

"Malaki na po kasi ako... at gusto ko rin pong malaman ang totoo..." seryoso kong sinabi pagkatapos kong uminom ng tubig.

Muli siyang uminom ng tubig at mukhang hindi alam ang sasabihin sa akin. Subalit nang mapatingin siya sa akin ay bigla siyang napabuntong-hininga't kumalma.

"Tama ka, siguro'y dapat ko na ring sabihin sa 'yo ang totoo..." Sumeryoso si Nanay at doon na niya inumpisahang ikwento ang totoo...

GALING sa sugalan si Aling Susan at masayang-masaya niyang binibilang ang nasa dalawang libong pisong panalo mula rito habang naglalakad pauwi. Medyo malalim na rin ang gabi noon subalit 'di niya ito alintana dahil nanalo siya sa halos maghapon niyang pag-upo sa harapan ng mga magsusugal sa kanilang barangay.

"Siguradong matutuwa nito si Ronnie," sabi pa niya sa sarili.

Si Ronnie ito ay ang kanyang magtatatlong buwang kasintahang sa bahay niya tumitira. Mahal na mahal niya ito kaya binibigyan niya ito ng pera upang 'di siya nito iwanan. Subalit isang 'di inaasahang pangyayari pala ang magaganap ng gabing iyon...

"Ronnie, mahal! Pakibuksan nga 'tong pinto!" tawag niya habang kumakatok sa pinto ng kanyang bahay. Sarado kasi ang pinto pero bukas ang ilaw, ibig-sabihin lang no'n ay nasa loob ang kanyang kasintahan.

"Baka tulog..." sabi ni Aling Susan sa sarili kaya naisipan niyang silipin ito sa bintana ng kanilang kwarto upang ito'y gisingin ngunit tumambad sa kanya ang isang eksenang nakapagpainit ng kanyang ulo. Nakita niya ang isang hubad na babaeng nakatalikod sa harapan ng kanyang kasintahan. Nakakagat-labi pa ito habang nakikipagtalik sa kasintahan niyang sarap na sarap naman habang nakahawak sa balakang nito.

Umusbong ang ilang ugat sa sintido ni Aling Susan nang marinig pa ang ungol ng babae. Para siyang isang bulkang malapit nang sumabog.

"W-walang-hiya ka..."

"Walang-hiya ka Ronnie! Putangina ka, sabi mo sa aking 'di mo ako lolokohin... Hayop ka! Tangina ka!" Napatigil ang pagtatalik na ginagawa ni Ronnie at ng babae. Nanginig pa sa takot ang babae kaya agad itong nagsuot ng damit at sa taranta'y 'di na nito naisuot ang kanyang panty.

Nagmamadaling lumabas ang babae subalit naabutan ito ni Aling Susan at sunod-sunod na malulutong na sampal ang sinalo ng pisngi nito.

"Tangina kang babae ka! Napakalandi mong lintik ka!" sabi pa ni Aling Susan at sinabunutan naman niya ito at dahil sa gigil ay nabunot ang napakaraming buhok mula rito. Umiiyak na rin ang babae dahil dito kaya agad inawat ni Ronnie si Aling Sonia.

"Tama na!" sabi ni Ronnie.

"Tangina ka! At kinampihan mo pa siya! Putangina ka, lumayas ka rito!" galit na galit namang sinabi ni Aling Susan dito.

"Lalayas na talaga ako! Akala mo, mahal kita? Hindi, dahil piniperahan lang kita..." Mas tumindi ang galit ni Aling Susan nang marinig iyon mula kay Ronnie kaya agad siyang pumunta sa kusina upang kumuha ng patalim. Dali-dali niyang binalikan ang dalawa at doon na siya nagsisigaw.

"Mga hayop! Papatayin ko kayong dalawa!" Napatakbo ang dalawa dahil dito at naiwang umiiyak si Aling Susan dahil sa kanyang katangahan kay Ronnie. Nasa labas siya ng bahay habang nakaluhod na pinagsasa-saksak ang lupa. Pero laking-gulat niya nang isang pagsabog ang naganap sa loob ng kanyang bahay at nakita na lang niyang tinutupok na ng apoy ito. Dahil sa nangyaring iyon, naisipan na niyang magpakamatay.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Where stories live. Discover now