Ikasiyamnapu't Pitong Kabanata

53 4 0
                                    


FH48

ISANG masamang panaginip ang nagpamulat ng mata ni Hikin. Kaso nang subukan na niyang bumangon ay naramdaman na lamang niya na may kung anong matigas na bagay ang nakatali sa kanyang mga kamay na nasa likuran niya. Inalala niya ang nangyari kanina at wala siyang maalala kung ano ba ang nangyari matapos siyang mawalan ng malay dahil sa ginawa sa kanya ni Zenji.

Iniikot ng bata ang kanyang tingin at nakita niya sa kanyang tabi ang binatang si Mars na walang malay. Katulad niya, nakatali rin sa likuran ang mga kamay nito. Napansin nga niya kung saan gawa ang mga ipinantali sa kanila, mula ito sa mineral na Nega. Nasa loob na sila ng isang kulungan nang mga oras na iyon.

Tumayo siya at sumilip sa pinto, sa bahaging rehas lamang ang nakalagay. Nakita niya sa harapan ng kanilang kinalalagyan ang dalawang nilalang na nagkukwentuhan. Ito wari ang mga bantay nila. Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa tabi ng binatang kanyang kasama.

"Nandiyan ka ba Lylia?" tanong ni Hikin at mula sa bulsa ng pantalon ni Mars ay lumabas doon ang maliit na Litlo na may kulay ube na buhok.

"P-paumanhin po mahal na espiritu ng apoy. Wala akong nagawa sa mga nagdala sa amin dito. Itinago ko na lamang ang aking presensya upang hindi nila malaman na ako ay nasa katawan ng Sero na ito," winika ni Lylia matapos siyang yumuko sa harapan ng batang si Hikin.

"Kapag kasama natin si Mars, maari bang maging natural na lamang ang maging pakikitungo mo sa akin? Hindi niya maaaring malaman kung ano o sino ako," winika ni Hikin at pagkatapos ay pinagmasdan na niya ang natutulog na si Mars. Tinapik niya ang mukha nito upang magising. Nakita nga niya ang mga sugat nito sa katawan na naghilom. Tila alam na niya kung paano ito gumaling.

"Marami ka pa bang botelya ng mga likidong nagpapahilom ng mga sugat?" tanong ng batang si Hikin kay Lylia.

"May tatlo na lamang po."

"Tipirin mo iyan at gamitin mo sa oras na talagang kailangan na natin. Isa pa, nararamdaman kong may paparating na pwersa mula sa malayo papunta sa lugar na ito. Tila alam na ng iyong ama na ikaw ay narito," wika ni Hikin at napangiti nang pilit si Lylia. Inaasahan na niya ito lalo pa't siya ang prinsesa.

"Sana mapatawad ako ni ama," wika na lang ni Lylia at hindi na nagsalita si Hikin nang marinig iyon. Ngunit naalala niya bigla ang espadang Kenjinkaya isang tanong ang kanyang nasabi pa sa prinsesa.

"Opo, natalo niya ang lalaking gumagamit ng espada ni Garad. Napakapambihira niya mahal na espiri---" Napahinto sa sinasabi si Lylia nang lakihan siya ng mata ni Hikin.

Alam ng prinsesa ang tungkol sa nangyari noon sa Dakoroso dahil bata pa lang siya ay kinikwento na ito sa kanya ng ama niyang hari.

"Napakalakas ng Sero na kasama ninyo. Nagagawa niyang posible ang imposible. Kanina, inalis niya ang pangamba na nararamdaman ko kasi akala ko ay matatalo siya... pero kagaya ng pagtalo niya kay Xevi, nagawa nga niya muli iyon." Ngiting-ngiti ang prinsesa habang kinikwento iyon. Naiinis siya kay Mars dahil tinatawanan siya nito tuwing siya ay magsasalita, ngunit sa maikling panahon na nakasama niya ito... hindi niya maiaalis sa kanyang sarili na napakapambihira talaga nito kahit walang taglay na elemental na kapangyarihan.

Ginising ni Hikin si Mars at nang makita niyang naalimpungatan ito ay dito na siya umupo sa tabi nito.

"Bumangon ka na! Hindi tayo ligtas sa lugar na ito. Mga kriminal ang naninirahan dito. Lahat sila ay handang pumatay basta hindi nila magustuhan ang ikikilos natin," wika ni Hikin na narinig naman ni Mars kahit nakapikit pa.

Sumasakit pa nang bahagya ang ulo ni Mars, pero naririnig niya si Hikin. Kagaya nga ng nakita niya kanina sa mga kalaban na sumalubong sa kanila, makikitang walang alinlangang umatake ang mga ito. Lalo na nga ang tinalo niyang gumagamit ng malakas na espada. Alam niyang hindi maganda ang pumatay ng kapwa nilalang pero, sa ganitong mundo, ito ang ibang paraan ng marami upang mabuhay.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Where stories live. Discover now