Ika-isandaan at Tatlumpo't Limang Kabanata

58 9 0
                                    


FH86


NAPAHIYAW ang mga manonood sa itaas ng Li Ve Norte nang may nakapasok na sa loob ng battle arena. Isang kalbong Terranian ang naunang makatungtong dito. Walang kahirap-hirap nga niyang dinurog gamit ang kamao ang mga napakabibilis na mantis na halimaw na humaharang sa arena.

"Ako si Jupiter! Ang mananalo sa kompetisyong ito! Hah! Hah! Hah!" malakas pa niyang sigaw at pagkatapos noon ay nagpalabas siya ng napakalakas na aura. Naging sanhi nga iyon upang mayanig ang buong paligid.

Nang mga sandali namang iyon, seryoso namang nanonood si Hikin ng mga nagaganap sa ibaba. Sandali ring napatuon kay Mars ang panooran. Nasa dulong muli ang binata dahil sa ginawa ng isang grupo ng mga Terranian din. Napatingin din sa ibaba ang bata at doon nga'y siya ay napailing sapagkat naglaho ang umaapoy na aura ng binata.

"Hindi pa tapos ang laban Mars!" bulong pa nito na napakuyom pa ng kamay nang oras na iyon.

Isang malakas na hiyawan nga ang muling umalingawngaw sa buong lugar. Halos dalawang minuto na rin ang lumipas at may siyam pa ngang nilalang ang nakapasok sa battle arena. Samantalang si Mars naman ay nananatili pa rin sa kinatatayuan nito. Nawalan na ito ng lakas ng loob na magpatuloy. Hindi nito alam, pero nitong mga huling araw ay nakakaramdam siya ng ganito sa kanyang sarili.

"Malayo na ako mula sa gitna... Imposible nang makarating pa ako sa lugar na iyon." Napahawak din siya bigla sa perlas na nasa kanyang kwintas. Nanginig ang kalamnan niya at napakuyom siya ng kamao. Napatingin siya sa direksyon ng battle arena. Hindi niya iyon matanaw dahil sa usok at alikabok. Tulad iyon ng nararamdaman niya nang mga oras na iyon...

"Kaya ko pa ba?" mahina niyang sinambit.

"Kaya mo! Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Isang malakas na hangin ang kumawala mula sa kanyang tabi. Isang boses nga ang kanyang narinig. Isang pamilyar na boses na tila narinig na niya dati pa. Nilingon nga niya iyon at tumambad sa kanya ang nilalang na nakatalukbong na kanina'y tinulungan siya. Dahil nga rin sa hangin, ang panangga nito sa ulo'y dumausdos pababa. Doon ay unti-unting lumugay ang mahabang itim na buhok nito at sumabay pa nga sa simoy ng hangin ang ilang hibla nito.

Isa itong babae!

"Nasaan na ang aura na ipinakita mo kanina?"

"Nasaan na?"

"Tatayo ka na lang ba? Magpakalalaki ka!"

"Mars! Gising!"

Nabigla si Mars nang tawagin siya nito sa pangalan. Natigilan pa siya pansamantala at pagkatapos ay tiningnan niya ang babae. Nagkasalubong ang mga mata nila dahil doon at sa pagtatagpo ngang iyon ay isang imahe ang agad na gumuhit sa alaala ng binata.

"I-imposible..." Naibulalas na lamang niya nang makilala ang babaeng kasama niya.

"Ang mabuti pa... Ihanda mo sarili mo! Pupunta tayo sa battle arena sa lalong madaling panahon," sabi ng babae at agad nitong hinawakan ang kamay ni Mars.

Nabigla ang binata at agad kumawala sa hawak.

"A-ano'ng problema mo?" painis na sabi tuloy ng babae. Nakaramdam bigla ito ng hiya pero hindi iyon dapat isipin sa oras na iyon.

Mabilis na ipinunas ni Mars ang kamay niya sa kanyang damit.

"A-ano... Marumi kasi..." Natatawa na lang ang binata at napailing naman ang babae.

"Wala akong pakialam..." Doon ay muling naghawak sila ng kamay at biglang yumanig sa kinatatayuan nila. Nagliwanag ang katawan ng babae. Nabalot ng asul na aura ito. Nagsilabasan din ang napakaraming butil ng tubig sa kinatatayuan nila.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن