Ikapitumpo't Limang Kabanata

74 8 1
                                    


LUMIPAD si Cijay papunta sa itaas. Nababalot ng itim na aura ang katawan nito. Nababalutan din ito ng kuryente. Dahil doon kaya naalerto kaagad si Venus. Agad niyang ikinumpas sa hangin ang kanyang kamay. Ikinumpas niya iyon sa direksyon na pagmumulan ng kalaban.

Binigyan ng Water Princess ng utos ang kanyang tubig na dragon!

Nagliwanag nang asul ang dambuhalang elemental dragon. Pagkatapos ay bigla itong bumuga ng isang malaki at maraming tubig.

"Wala iyan!" bulalas naman ni Cijay. Bumulwak ang itim nitong aura at nabalot ng napakaraming kuryente ang kanang palad. Humulma ito at naging isang bola ng kuryente. Nagliwanag ng pula ang mga mata nito at pagkatapos ay buong lakas na ibinato papunta sa atake ng dragon.

Nayanig ang paligid sa pagtatama ng dalawang atakeng iyon. Nagliwanag ang kalangitan at kumawala mula sa itaas ang napakalakas na hangin.

"Talunin mo ang atake niya! Water Dragon!" sigaw ni Venus.

Nagliwanag ang mata ng dragon at isang malakas na pwersa ang biglang kumawala mula sa bibig nito. Lumaki pa lalo ang tubig na ibinubuga nito.

Isang mala-demonyong pagngisi naman ang nakita kay Cijay.

"Wala naman talaga akong intensyon na labanan ang atake mo... dahil kaya namang dumaloy rito ng kapangyarihan ko..." wika ni Cijay at lumabas sa katawan nito ang napakaraming kuryente. Dumaloy nang mabilis ang kuryente sa tubig. Agad nitong narating ang bunganga ng dragon. Papunta na rin ang kuryente kay Venus.

Ngunit tila alam na rin ni Venus ang posibilidad na iyon. Ngumisi siya. Marahan niyang ikinumpas sa hangin ang kanyang kamay. Pagkatapos noon ay isang napakalamig na hangin ang biglang umihip mula sa kalangitan.

"Hindi ako magpapatalo sa 'yo!"

Nagliwanag ang aura ng dragon at sa isang kisap-mata'y nabasag ang tubig na katawan nito. Isang bagong anyo ang lumitaw. Muling napag-ilaw nito ang kalangitan.

"Pagmasdan mo... ang aking Ice Dragon!" sambit pa ni Venus. Naputol ang pagdaloy ng kuryente sa dragon dahil naging malamig itong yelo. Ang ikalawang anyo ng dragon ng dalaga, ang Dragong Yelo!

Napahinto si Cijay. Doon nga'y bumulusok papunta rito ang tirang tubig ng dragon. Ngunit maagap ang binatang may kuryente. Bigla itong naglaho at lumitaw sa malayo. Tumama ang malaking tubig sa ibaba. Lumikha iyon nang isang napakalakas na pagsabog na nagpayanig sa paligid. Sumabog ang tubig sa ibaba at pagkatapos noo'y huminto ang ulang dulot ng dragon at umihip sa paligid ang napakalamig na simoy ng hangin.

"Pinapahanga mo ako... kung gano'n, babasagin ko ang dragon mong iyan!" seryosong wika ni Cijay. Kumawala muli ang napakalakas na itim nitong aura. Naglaho rin agad ang binata.

Lumitaw si Cijay sa harapan ng mukha ng dambuhalang dragon na yelo. Naipon bigla sa kanang kamao nito ang napakaraming itim na enerhiya. Nabalutan din iyon ng kuryente. Pagkatapos noon ay binigyan nito nang isang napakalakas na suntok ang dragon ni Venus.

Sumabog sa kalangitan ang napakaraming basag na yelo. Kumawala ang napakalakas na hangin dahil sa tindi ng impact ng suntok na iyon. Nahawi rin ang ulap sa itaas dahil sa tindi noon.

Sinabayan ni Venus ang suntok ng kanyang kalaban. Binalutan niya nang napakakapal na yelo ang kaliwang kamao niya. Ngunit dahil sa lakas ng suntok ni Cijay ay nabasag lamang iyon.

"N-napakalakas ng suntok na iyon... kung hindi ko nilagyan ng yelong proteksyon ang kamao ko ay baka nagawa nitong durugin ang mga buto ko," sambit ni Venus sa kanyang isip na medyo napangiwi sa mga nangyari.

"Hindi na masama..." nakangising sinabi ni Cijay. Kasalukuyan ding bumubulusok papunta kay Venus ang kaliwa nitong kamao. May kasunod kaagad ang malakas na suntok na binigay nito sa dalaga.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz