HULING KABANATA

45 6 0
                                    


FH99

Huling Kabanata

*****

UMATRAS na si Prinsipe Alpiro sa takdang kasal sana nila ni Prinsesa Venus. Nasaksihan niya ang nangyari sa palasyo ng kaharian ng Tubig. Ang paggaling ng prinsesa ay dulot ng lalaking nagligtas sa Elementalika, isama pa ang anak nitong tinatawag itong ama at ina ag dalaga. Kahit nga matagal na panahon niyang sinuyo si Venus ay batid naman niyang sa mga mata nito'y hindi siya nito mahal. Hindi sila ang nakatakda at kailangan niya itong tanggapin, hindi bilang pagkatalo... kundi bilang pagbibigay ng daan para makitang masaya ang dalaga. Nakita niya ang kakaibang imahe ng prinsesa kapag nakikita ang binatang Sero at isa iyong bagay na ni minsan ay hindi niya nakita rito kapag sila ang magkasama.

Malugod naman itong tinanggap ng mga Maharlikang Aquanian dahil batid nilang hindi na matutuloy ang bagay na iyon. Sinang-ayunan na rin ito ni Haring Alpiro na nagpatibay sa desisyon ng anak nito. Lalo pa nga't nababatid na nila kung sino ba talaga ang nilalaman ng puso ng prinsesa. Ang mga matang puno ng tuwa at saya ay nakita na nila sa dalaga na tanging kapag kasama nito ang anak na si Mizuhi, ay nakikita rin nila kapag kasama ang binatang si Mars. Noon nga lang muli nila nakitang nabuo ang saya ng prinsesa. Sa matagal na panahon ay tila may puwang sa mga ngiti ng prinsesa ngunit dahil kay Mars, napunan ang puwang na iyon. Isang malungkot na balita ito sa maraming naghihintay ng kaganapang babago sana sa kasaysayan ng Elementalika, subalit ang malamang ang tagapagligtas nila ang napupusuan ng dalaga ay napagtakpan ang kalungkutan ng marami sa nangyari.

Masakit iyon para sa prinsipe Alpiro, ngunit alam niyang iyon ang mas nararapat. Unang-una ay hindi siya ang tinitibok ng puso ng prinsesa at alam niyang hanggang kaibigan lamang ang kayang isukli nito sa pagmamahal na ibinibigay niya. Isang malaking katotohanan iyon na kahit pa ikasal sila ay hindi na maaalis. Bago pa man ang pag-atras na iyon, nagkaroon muna siya ng kaunting pakikipag-usap sa bayani ng Elementalika, kay Mars.

Niyaya niya ang binatang kawangis niya sa isang malawak na damuhan sa 'di kalayuan mula sa palasyo ng Atlantis sa parteng norte.

Seryosong nakatingin si Prinsipe Alpiro kay Mars at ganoon din ito sa kanya. Naisipan muna nga niyang pormal na magpakilala rito.

"Ako nga pala si Prinsipe Alpiro ng mga Flammanian..." Pagpapakilala niya at inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa binata.

Yumuko si Mars ngunit pinigilan ito ng prinsipe.

"Huwag ka nang yumuko... Batid kong isa ka ring Maharlika." Isang patunay ay ang simbolo ng apoy sa palad nito.

Napatigil si Mars at malumanay na kumamay sa prinsipe. Mabilis lang iyon at nagbitaw rin kaagad sila.

"Pa-paumanhin... Ako si Mars. Isang Sero ang pagkakakilala ko sa aking sarili..."

Isang munting ngiti pa ang ibinigay ni Mars.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Gusto kitang makausap dahil sa balak kong iatras na ang pagpapakasal namin ni Prinsesa Venus," sabi ng prinsipe at may kaunting pagkagulat naman si Mars ngunit hindi nito ipinahalata iyon, bagkus ay sumeryoso pa ito.

"Kahit matuloy pa ang kasal... Pupunta ako upang pigilan iyon," matikas na winika ni Mars dahil seryoso siyang gusto niya ang prinsesa magmula nang makita niya ito.

Napakuyom naman ng kamao si Prinsipe Alpiro nang marinig iyon pero naging kalmado siya sa kabila noon. Umihip ang mahinang hangin habang magkaharap ang dalawa.

"Batid ko iyon... Kaya sana, alagaan mo ang prinsesa... Dahil sa oras na paiyakin mo siya..."

"Hinding-hindi kita mapapatawad!" Nagliyab ang aura ni Prinsipe Alpiro at nagliyab ang kinatatayuan nito.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon