Ikatatlumpu't Tatlong Kabanata

3K 128 10
                                    

NANG sandaling matapos ang tunog ng kampana, bigla na lamang akong nakaramdam ng nga aura mula sa magkakaibang lugar. Gano'n din sina Venus kaya medyo kinabahan kami. Marami sila, apat na grupo mula sa timog-kanluran, hilagang-kanluran, timog-silangan at hilagang-silangan. Papalapit sila nang papalapit sa lugar na kinatatayuan namin. Mabilis ang pagkilos nila. Lumilipad sila at hindi ako sigurado kung kakampi ba sila o kalaban.

"Nandito na sila!" bulalas ni Terrance at naalarma kami.

"Ang mga mandirigma ng apat na kaharian!" sigaw ng isa sa mga nasa ibaba. Nang marinig namin iyon ay seryoso naming pinagmasdan ang mga iyon na kasalukuyang nasa ere.

Nasa limampu ang tant'ya ko ang bilang ng miyembro ng bawat grupo. Nakasuot ng pulang baluti ang grupong nagmula sa hilagang-kanluran. May mga normal ang itsura, mayroon ding kawangis ng butiki at buwaya at may buntot pa ang iba. Sinkronisado at nakapila sila nang maayos sa itaas. Isa namang matipunong nilalang ang nasa unahan nito. Pula rin ang baluti pero tila apoy ang mga iyon. Balbas-sarado iyon at kulay blonde ang buhok. Normal ang itsura niya subalit may buntot na tulad ng sa buwaya ang likod niya.

Sa hilagang-silangan naman ay ang mga nilalang na nakasuot ng kayumangging baluti. Maayos din silang nakapila sa ere. Iba't iba rin ang itsura nila. Mayroong taong-gorilya, taong-leon, taong-tigre at mayroon ding normal. May lima ring higanteng kasama ang mga iyon. Ang namumuno naman sa kanila ay nakasuot nang mas makapal na baluti at may malaking palakol na nakasukbit sa likod nito. Isa itong taong-gorilya at mukhang napakalakas. Medyo nakakatakot din ang itsura nito.

Mula naman sa timog-kanluran ay ang mga nakaputi ng baluti. Karamihan sa mga iyon ay may pakpak sa likod. Mayroong mga taong-ibon ang itsura at mayroon ding normal. Maayos din silang nakapila sa itaas. Isa namang babae ang namumuno rito. Normal ang itsura at may taglay na ganda. Nagkikislapan ang puti nitong pakpak at may nakasukbit sa tagiliran na isang espada.

Nagmula naman sa timog-silangan ang mga naka-asul ng baluti. Maayos din na nakapila. May mga normal at taong isda. Mayroon ding pating at mayroon ding nilalang na may mga galamay. Isang matandang lalaki naman ang namumuno rito. Asul ang buhok at makapal ang balbas. Normal kung pagmamasdan maliban na lang sa parteng ibaba ng katawan nito. Imbis na paa, buntot iyon ng isang isda. Isang sireno, at may hawak din itong pahabang sandata na animo'y tinidor.

"Magandang gabi, mahal naming mga Maharlika!" sabay-sabay nilang sinabi at nagyukuan pa sa aming apat.

"Ako si Groudon! Ang namumuno sa digmaan sa apoy na kaharian!" pagpapakilala ng pinunong nakapula. Tama nga ako, isa nga siyang Flammanian.

"Natutuwa akong makilala ka! Ako si Mars, ang prinsipe ng apoy!" Siya ko namang sinabi at medyo nabigla siya. Gano'n din ang mga kasama niya.

"Ako naman si Sven! Ang namumuno sa digmaan sa kaharian ng lupa!" Napakababa at napakalagom ng boses ng isang iyon. Ginawa rin nitong parang tambol ang dibdib nito dahil pinagpapalo pa nito 'yon.

"Kung gano'n... ako ang prinsipe n'yo! Si Terrance!" sigaw naman ng nasa tabi ko.

"Ako naman si Lanaya! Ang namumuno sa pakikipaglaban sa kaharian ng hangin." Natulala naman kami nang magpakilala na ang pinuno ng mga Ventusian. Biglang nagkislapan ang mga pakpak nito at parang naging anghel.

"Ako po si Neptune! Ang anak ni Reyna Claudia..." inosente namang pagpapakilala ni Neptune na hawak-hawak ang lollipop na kanina pa niyang sinusupsop. Napangisi na lang ako, napaisip din kung bakit sa iba ay hindi suplada ang batang ito.

Isang pag-ubo naman ang narinig namin. Napabaling ang atensyon namin sa matandang sireno. Mukhang magpapakilala na rin ito.

"Oyoyoyoyo! Ako naman si Posehidon... ang namumuno sa labanan sa tubig na kaharian..."

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя