Ikalabing-isang Kabanata (Unang Bahagi)

4.2K 146 10
                                    

PARANG walang nangyari pagkatapos no'n. Bumalik nang muli sa normal ang paligid. Napatingin pa ako sa mga nag-iinuman at parang walang naganap na paghinto nila kanina. Patuloy pa rin silang nagsasaya at nagyayabangan. Hindi ko na rin naabutan si Venus, mukhang nakasakay agad siya sa tricycle. Sana lang ay makauwi siya ng ligtas. Tapos ako naman ay umuwi na rin kaagad. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari at lalo na sa nagawa ko.

Habang nakahiga ako ay napakalalim ng iniisip ko, kaya 'di agad ako nakatulog. Iniisip ko ang apoy na lumabas sa aking palad. Totoo iyon at alam kong 'di panaginip, pero bakit ko nagawa 'yon? Paano ako nagkaro'n ng gano'ng kapangyarihan? Mukhang tama nga si Venus, pareho nga kami... parehong 'di pangkaraniwan.

Sumagi na rin sa isip ko ang tungkol naman sa mga nakalaban ko kanina. Sino nga kaya ang mga 'yon at bakit gusto nilang tapusin si Venus? Marami pa akong sa isip ko pero 'di ko naman alam ang sagot.

"Bakit nga kaya ako nakapagpalabas ng apoy kanina? Paano nangyari 'yon?" naitanong ko na lang din sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mga palad ko.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Habang naglalakad nga ako ay 'di ko maiwasang magmasid sa paligid dahil baka biglang may kakaibang nilalang na naman ang lumitaw. Gaya rin nga kagabi, iniisip ko pa rin ang mga nangyaring iyon. 'Di ko talaga akalaing may apoy na lalabas dito sa aking palad.

Naiilang pa rin ang mga kaklase ko nang dumating ako sa room. Alam kong dahil ito sa nangyari kahapon at mas mabuti na rin ito, baka kasi biglang may lumabas na apoy sa palad ko... baka mapahamak pa sila dahil dito.

Nagsimula ang una naming subject pero napansin kong wala pa siya. Ang akala ko'y late lang siya pero natapos na ang ikalawa at ikatlo naming subject at wala pa rin siya. Umabsent siya kung kailan may gusto akong itanong sa kanya. Medyo naasar tuloy ako dahil do'n...

"Mr. Falcon..."

"Mr. Falcon!" Napatayo ako bigla nang pasigaw akong tinawag ng teacher namin. Kanina pa pala niya akong tinatawag, at dahil lipad ang isip ko... 'di ko kaagad ito narinig.

"Kanina pa kitang tinatawag dahil dito sa test paper mo pero 'di mo naman ako pinapansin," sabi pa ni Ma'am sa akin.

"S-sorry po, Ma'am..." nakayuko ko namang tugon.

NAISIPAN kong 'di na pumasok kinahapunan. Marami akong tanong sa aking sarili at pakiramdam ko'y alam ng babaeng iyon ang sagot dito. Ito na rin lang ang naisip kong paraan at wala na 'tong atrasan.

Habang sakay ako sa tricycle ay may isang bagay pa ang biglang sumagi sa isip ko... May isang bagay pa nga pala akong dapat gawin, isang bagay na bihira kong sabihin pero mukhang kailangan kong masabi sa kanya.

"Kailangan ko pang mag-sorry..."

Malapit na ang sinasakyan ko sa bahay nina Venus nang bigla na lang huminto ito.

"M-manong, ano pong nang---" Pero natigilan ako nang mapansin ang paligid. Lahat na naman ng bagay, at mga buhay na nilalang ay nakatigil. Ganito rin ang nangyari kagabi sa may school. Dahil dito ay kinutuban na ako. Siguradong may mga 'di pangkaraniwang nilalang na naman ang nasa paligid.

"Kina Venus!" nasabi ko sa aking sarili kaya agad akong tumakbo papunta sa bahay nila.

Tama nga ang hinala ko dahil nang marating ko ang bahay nina Venus ay tumambad agad sa akin ang nakaitim na matandang may hawak na martilyo. Buhay pa pala siya, taliwas sa naisip kong tinupok na siya ng aking apoy na ibon. Kumpara rin kagabi, mas marami naman ngayon ang kasama niyang alagad. Nakita ko rin sina Lolo't Lola na pinapalibutan nila. Hindi na rin ako nagulat nang makita kong komokontrol din sila ng tubig.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Where stories live. Discover now