Ika-isandaan at Labingtatlong Kabanata

69 7 0
                                    


FH64

NABIGLA si Mars nang marinig ang sinabing iyon ni Rhion. Nakita nga niya ang mabilis na pagkilos ng mga kasamahan nito at target nito ang mga walang malay niyang mga kasamahan. Ang ikinainis pa nga niya ay ang pagtawa ni Rhion habang pinapaulanan siya ng mga malalakas na wasiwas. Wala tuloy siyang magawa kundi ang salagin iyon gamit ang kanyang espada. Sa estado nga niyang ito ay imposible niyang maprotektahan ang kanyang mga kasamahan.

"Ano na Sero? Katapusan na ng mga kasamahan mo... At pagkatapos ay susunod ka na rin!" bulalas ni Rhion na nabalot bigla ang espada ng itim na liwanag. Kasunod noon ay ang mabilis niyang paglampas kay Mars na naiwang nakatayo.

Isang malakas na nilalang si Rhion at dahil sa ensayong naranasan nito kina Seb ay mas lalong nagamit nito nang maayos ang kapangyarihan nito lalo na nga sa paggamit ng espada.

Napaluwag bigla ang hawak ni Mars sa kanyang espada matapos iyon. Nakaramdam siya ng pagkasugat sa kanyang sikmura at parang nawalan ng lakas ang kanyang tuhod na alalayan ang kanyang pagtayo. Pero kahit na hindi niya nadepensahan ang kanyang sarili ay ang bagay na nasa kanyang isip ay ang kanyang mga kasama. Mabilis niyang nilingon ang mga iyon at nang makita niyang nandoon na ang mga kalaban para kitilin ang buhay ng mga walang malay na mga kasamahan niya ay isang mahinang hangin ang kumawala sa kanyang kinatatayuan.

"Sino'ng may sabing lapitan ninyo sila!?" bulalas ni Mars at kasunod ng mahinang hangin na iyon ay ang pagkawala ng isang matinis na tunog sa tainga ng bawat isa. Ang paligid ay nayanig at ang tubig sa lawa ay mabilis na gumalaw dahil doon.

Si Rhion nga ay natulala matapos iyon at bago pa man siya makapag-react ay naglaho na ang Sero mula sa kanyang paningin. Nakita niyang lumapag na lang ang binata sa lugar kung nasaan ang kanyang mga kasamahan. Sa pagtapak ng mga paa ng binata sa lupa ay siya ring pagsirit ng mga dugo mula sa lahat ng kalabang malapit dito. Nawalan na sila ng malay at isang malalim na sugat pa ang makikitang nagpadugo sa mga katawan ng mga ito.

"Hindi ko na hahayaang may mawala sa mga kasamahan ko!" sambit ni Mars at kumawala ang nagliliyab nitong aura at nagtumbahan na lang ang lahat ng kalabang naroon.

Habang nangyayari iyon ay nagkamalay naman kaagad si Lylia at nang makita niya si Mars ay napabangon kaagad ito. Bahagya nga lang sumakit ang kanyang ulo matapos iyon. Naalala rin niya ang nangyari bago siya matumba kanina. Subalit bago pa man siya makapagsalita ay narinig na niya ang boses ng Sero na malapit sa kanila.

"Prinsesa Lylia. Gamutin mo si Haring Meynard. Pagkatapos ay umalis na kayo rito kasama ng iba pa. Hayaan na ninyo ako rito. Ayaw ko nang malagay sa panganib ang mga buhay ninyo kaya ako na ang bahala sa lahat," seryosong winika ni Mars habang nakatingin sa direksyon kung nasaan si Rhion.

"Nahihibang ka na ba? Anong ikaw na ang bahala!?" bulalas naman ng prinsesa subalit nang tingnan siya ni Mars ay napaatras na lamang siya. Nakita niya sa mga mata nito ang isang maliit na apoy. Seryosong-seryoso ito sa mga sinabi at dahil doon kaya agad siyang humangos upang pagalingin kaagad ang kanyang ama. Makikitang napapaiyak pa ito nang makita ang sitwasyon ng hari kaya ginamit na niya ang kanyang botelya na may pampahilom. Ilang saglit pa ay nagkamalay na rin ang hari na agad na bumangon.

"Nakuha niya si Hikin," bulalas ni Mars na bahagyang ikinabigla ni Haring Meynard. "Umalis na kayo rito. Makakasagabal lang kayo sa pakikipaglaban ko rito."

Nais pa sanang magsalita ni Haring Meynard subalit parang umurong ang kanyang dila nang makita ang nagliliyab at solidong aura ni Mars. Napalingon din ang hari sa direksyon kung nasaan si Rhion at napaseryoso siya. Katulad ni Seb ang naramdaman niya mula roon. Nakita na niya ito sa kagubatan ng Zubath at mukhang itinago nito ang tunay na kapangyarihan sa lugar na iyon.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Where stories live. Discover now