Ika-dalawampung Kabanata

3.1K 133 4
                                    

NAGULAT kaming dalawa ni Venus nang magpalabas ng apoy na dragon ang misteryoso naming kalaban. Sa pagkakaalam namin ay tanging Maharlika lamang ang makakagawa nito. Naipalabas ko na rin dati ang dragon kong apoy pero hindi ko lamang iyon inaasahan, pero ang kalaban naming ito... mukhang kabisado na niya ito. Napaisip tuloy ako kung sino ba siya at kung bakit itim ang kulay ng apoy niya? Simbolo ba ng pagiging itim nito ay ang pagiging alagad niya ni Lucifer?

"Arrr!" umatungal nang napakalakas ang dragon niya at tumingin ito sa direksyon namin ni Venus.

"Humanda ka, Mars... aatake na ang dragon," paalala ni Venus sa akin at pinagliyab ko nang malaki ang apoy ko. Nakita ko pang ikinumpas ng misteryoso naming kalaban ang kanyang kamay sa aming direksyon at pagkatapos noon ay bigla na lamang kaming binugahan ng dragon nang napakalaki nitong apoy.

Sabay kaming tumakbo ni Venus palayo upang iwasan iyon. Sinundan kami ng dragon samantala, napatingin naman si Venus sa akin. Nakuha ko agad ang gusto niyang sabihin kaya agad kaming tumalon nang mataas. Naglabas kami ng aming mga paa at eksakto, nakalipad kami. Agad din kaming lumikha ng napakalaking bola ng aming kapangyarihan. Muli kaming nagtinginan ni Venus at pagkatapos noon ay sabay kaming humarap sa humahabol sa 'ming itim na dragon. Napahiyaw kami nang malakas nang ibato namin dito ang aming kapangyarihan. Nagkapulupot ang apoy at tubig na parang lubid. Tila nagsanib at pagkatapos ay tumama ito sa ulo ng dragon. Napakalakas noon dahilan para lumikha ito ng malakas na pagsabog. Sabay rin kaming lumapag sa lupa ni Venus matapos iyon.

"Sabi na nga ba't walang epekto ang atakeng iyon," sabi ko nang mawala ang usok na bumabalot sa ulo ng dragon. Ni hindi man lang ito nagalusan at mas lalo pang nagliyab ang buong katawan nito. Para tuloy lalong sumama ang tingin nito sa amin ni Venus dahil sa ginawa namin.

"Aatake na naman ang dragon!" sabi ni Venus. Muli ring ikinumpas ng aming kalaban ang kanyang kamay sa aming direksyon at walang ano-ano'y inatake agad kami ng dragon. Sumalpok ito sa lupa nang muli kaming lumipad ni Venus para iwasan ito pero mabilis itong nakabangon at muli kaming inatake.

"Maghiwalay tayo Mars!' suhestyon ni Venus. Magkaiba kami ng direksyon na niliparan pero siya ang sinundan ng dragon. Nag-alala ako kaya pinatamaan ko nang sunod-sunod na apoy ang dragon pero hindi ako nito pinansin.

"Venus! Mag-iingat ka!" sigaw ko at mabilis akong lumipad papunta sa kanya. Nagulat na nga lang ako nang lumipad pa nang mataas si Venus at pagkatapos ay bigla siyang tumigil. Seryoso siyang humarap sa papalapit nang apoy na dragon. Napansin ko na nga lang na biglang lumiwanag ang aura ni Venus. Mukhang may pinaplano siya.

"Ayaw mong tumigil! P'wes! Dragon din ang ipangtatapat ko!" Nagulat ako nang nabalutan nang napakaraming tubig ang braso ni Venus at bigla na nga lang isang dambuhalang tubig na dragon ang lumabas mula rito. Agad nitong pinuluputan ang apoy na dragon ng kalaban at ibinagsak ito nang malakas sa lupa. Yumanig din ang buong paligid dahil doon.

Hindi ko naman naiwasang humanga sa ginawang iyon ni Venus. Ang galing niya. Kaya na niyang palabasin ang kanyang dragon kung gugustuhin niya.

Nabalutan naman nang makapal na usok ang buong school ground dahil sa mga nangyari. Napansin ko rin na nakatingin sa amin ang aming kalaban nang unti-unting nawawala ang usok sa paligid. Napakalakas pa rin ng kanyang aura. Walang pagbabago. Napaisip tuloy akong gamitin ang pagkakataong iyon para sugurin ang aming kalaban. Pagkalapag ko sa lupa ay agad ko siyang sinugod. Pinagsusuntok ko siya pero walang kahirap-hirap niya lang itong inilagan. Para lang siyang sumasayaw at nang sinubukan ko siyang linlangin para matamaan ko siya ay iba ang nangyari. Dumausdos ako palayo at bumagsak nang nakadapa sa lupa. Tinamaan niya ako sa mukha ng kanyang suntok na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Masakit iyon at agad dumugo ang bibig ko. Tiniis ko na lang iyon at agad tumayo. Pero nagulantang ako sa aking nakita. Ang kulay itim na dragong apoy ng aming kalaban, buong-buo pa, pero ang tubig na dragon ni Venus... unti-unti itong nalulusaw. Agad akong napatingin sa itaas at kinabahan ako nang makita kong unti-unting humihina ang aura ni Venus. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad akong lumipad papunta sa kanya.

"V-venus? Kaya mo pa ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya habang inaalalayan siya sa ere.

"P-pasensya na huh... Hindi ko pa pala kayang kontrolin ang dragon ko. Nakakapanghina rin pala..." sabi ni Venus sa akin.

"Ayos lang. Magpahinga ka muna at ako na muna ang bahala sa isang ito..." Pero nagulantang ako nang bigla kaming atakehin ng dragon ng kalaban. Hindi ko iyon napaghandaan kaya bumagsak kami ni Venus sa lupa. Malakas ang tamang iyon at kung hindi ko inihara ang katawan ko sa katawan ni Venus ay baka nakatanggap din siya nang grabeng pinsala. Sobra nga lang akong nanghina at parang hindi agad ako makakilos nang maayos. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang kaliwa kong braso. Parang nabali ang buto ko dahil sa atakeng iyon.

"Ma-marsss..." pilit na tawag ni Venus sa aking tabi. Parang mawawalan siya ng malay at nagulat na lang ako nang makita kong may dugong nagmumula sa noo niya.

"V-venusss. N-nasugatan ka..." Pinilit kong tumayo at dahan-dahan kong tiningnan ang aming kalaban. Napakuyom nang mahigpit ang kanan kong kamao. Nakaramdam ako ng galit dahil sa nakita kong dugo kay Venus.

"H-humanda ka! H-humanda ka..." sabi ko at bigla akong nabalutan ng apoy. Nag-iba ang kulay nito at naging puti. Lumiyab pa ito nang sobra nang makatayo ako at harapin ang aming kalaban. Nasa kanya pang likuran ang kanyang dragon. Nainis ako lalo kaya sinigawan ko siya.

"Hindi kita mapapatawad! Sinugatan mo si Venusss!" Nagliyab pa lalo ang apoy ko at biglang bumukas ang ulap sa itaas namin. Sumiklab paitaas ang apoy ko at isang dambuhalang kulay puting apoy na ibon ang lumabas.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon