Ikalabing-siyam na Kabanata

3.6K 131 9
                                    

Volume II

NAKAKAPANIBAGO, pero ang sarap pala sa pakiramdam. Mag-iisang linggo na rin magmula ng araw na iyon. Magmula nang maging kami ni Venus. Nakakatawang isiping darating din pala ako sa puntong magkakaroon ako ng tinatawag na girlfriend. Hindi ko nga lubos maisip na marunong din pala akong magmahal.

"Mars!" Napalingon ako sa aking likuran nang may biglang tumawag sa akin. Kasalukuyang nasa rooftop ako ng Building D nang oras na iyon. Seryoso kong pinagmamasdan ang paligid nang mga sandaling iyon nang bigla siyang dumating.

"G-good morning," bati ko naman agad sa kanya. Napatitig na nga lang ako nang hindi inaasahan sa kanya. Lalo kasi siyang gumanda lalo pa't palagi na siyang nakaayos ang buhok, hindi na tulad noon na pumapasok siyang nakalugay palagi.

"Kanina ka pa ba rito?" tanong niya.

"A-ah, h-hindi naman," sagot ko naman. Ang totoo'y medyo nahihiya ako sa kanya, mas lalo na ngayon, kami na.

"Eh, ang assignments mo, ginawa mo ba?" Napakapa kaagad ako sa bag ko nang itanong niya sa akin iyon.

"A-ah... Oo!"

"Sure?"

"Oo nga. Tingnan mo pa." Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa akin na malalagot daw ako sa kanya kapag hindi ko ginawa ang mga assignment ko. Gaya ng dati, under pa rin ako sa kanya. Kung sa bagay, siya lang naman ang may kayang gawin iyon sa akin. Pero magkagano'n man ay ayos lang. Masaya na ako, masaya dahil nakilala ko siya. Dahil binago niya ang pagkatao ko.

"O, ano'ng problema?" nakangiti niyang tanong sa akin nang makita niya akong nakatulala.

"H-huh? W-wala." Nginitian ko siya. "Masaya lang ako."

Nilapitan at tinabihan niya ako. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin at nagkangitian kami. Pagkatapos no'n ay sumandal siya sa bisig ko.

"Mars..." mahina niyang tawag sa akin.

"B-bakit?"

"Thank you."

MAGTATANGHALI na, nasa kalagitnaan kami ng klase nang isang malakas na pagsabog ang narinig namin. Napasilip agad kami sa bintana para alamin kung saan iyon galing at laking-gulat nila nang makitang nasusunog ang isang room sa third floor ng Building B.

Mayroon agad akong naramdamang hindi maganda nang oras na iyon kaya agad akong lumabas ng room para alamin ang nangyari. Sinubukan pa akong pigilan ng aming teacher pero wala siyang nagawa. Ganoon din kay Venus na sumunod din sa akin.

"Masama ang kutob ko Mars..." sabi niya sa akin habang nagmamadali kaming bumababa sa hagdanan.

"Ako rin. May malakas na aura akong nararamdaman mula sa Building B."

Kitang-kita namin ni Venus ang takot at kaba ng marami. Marami na rin ang nagsisilabasan mula sa kani-kanilang room. Mayroon na ring nagsisitakbuhan para umuwi at mayroon ding nagtipon sa school ground para makita ang nangyayari. Nang makababa kami mula sa Building D ay isang sigaw ng babae ang aming narinig at sinundan iyon ng isang malakas na pagsabog. Natigilan na nga lang ako nang makita ko ang paglabas ng usok mula sa isang room sa third floor ng building na iyon.

"Mars! Ano pa'ng tinatayo mo riyan?" tawag ni Venus sa akin na nasa unahan ko na pala.

Malapit na kami sa Building B. Tumatakbo kami. Sinubukan pa nga kaming pigilan ng ilang mga teacher pero wala silang nagawa. Kahit sinabihan nila kaming delikado ay hindi kami huminto. Napahinto na lamang kami ni Venus nang makarating kami sa harapan ng building. Tumambad kasi sa amin ang sampung mga walang mukhang nilalang na nakasuot ng itim na kasuotan. Mga alagad ito ni Lucifer at sigurado kami ni Venus dito. Kagaya rin sila ng mga kasama ni Zeus noon. Napaisip tuloy ako kung ano ang ginagawa ng mga ito rito. Pero kung kami man ni Venus ang dahilan, wala na kaming magagawa kundi labanan ang mga ito.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Where stories live. Discover now