Ikadalawampu't Siyam na Kabanata

3K 114 2
                                    

ANG Underground Arena ni Lolo. Isa raw iyong lugar sa isang malayong planeta. Tulad iyon ng portal na ginagawa ng Lolo't Lola ni Venus. Hindi si Lolo Mera ang may gawa ng pintong iyon kundi si Reyna Claudia. Nakatakda raw akong magsanay roon at nangyari nga. Ang lugar na may napakalakas na gravity at may oras na mas mahaba kumpara sa Mundo. Bagay na bagay raw iyon para sanayin ako na hindi ko naman alam kung bakit.

Dati, magkaedad lang kami ni Venus pero ngayon ay mas matanda na ako ng limang taon sa kaniya. Mabuti na lang at may tatlong linggo kaming ibinawas ni Lolo sa training, ayaw raw niya akong tumanda nang sobra. Bente anyos na ako. Medyo tumangkad na at nagkaroon ako ng bigote. Nagpagupit na rin ako ng buhok noong isang araw dahil parang babae na ang haba nito. Kung makikita ako ni Venus ay baka magulat na siya. Napakalaki na ng ipinagbago ko. Naging malaki na rin ang katawan ko dahil sa pagsasanay na ibinigay ni Lolo.

"Handa ka na ba Mars?" tanong ni Lolo at humarap naman ako sa kaniya. Suot ko na rin ang kulay pulang damit na parang sa ninja. Ganito raw ang kasuotan sa Elementalika. Naiilang ako pero no choice.

"Ready na po 'Lo," sagot ko at nginitian niya ako.

"Anak ka nga ni Haring Alpiro. Kahawig na kahawig mo siya nang nasa ganiyang edad siya. Yohoho!"

Kaso habang nag-uusap kami ay bigla kaming nakarinig ng isang pagsabog mula sa labas. Naalerto kami kaya agad kaming lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ay isang lalaki ang nakita kong susugod sa akin. Napakabilis niya at kung tulad pa ako noon ay baka hindi ko siya makita dahil sa bilis niyang hindi nakikita.

"Marcelo! Tingnan ko nga kung lumakas ka! Hahhahhah!" sigaw pa niya at nagulat ako. Nakilala ko siya dahil sa kaniyang tawa. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking ito ay ang dating mataba na si Jupiter.

ISANG napakalakas na ihip ng hangin ang umalpas mula sa kinatatayuan naming dalawa ni Jupiter. Yumanig ang paligid at nagkabitak-bitak ang lupa sa paligid namin. Nagtaasan din ang ilang tipak ng lupa habang pinipilit ni Jupiter akong itulak gamit ang kamao niya.

"Hihhih! Matindi ka na nga Marcelo. Talagang isang daliri lang ang ipinangsalag mo," nakangisi niyang sinabi.

"S'yempre. Kaya nga ako nag-training. Ayos ka rin, hindi ka na baboy." Nginisian ko siya at binigyan ko siya nang isang malakas na suntok. Pero bago ko pa man magawa iyon ay bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa ulo ko. Hindi ko napaghandaan iyon at ibinaon nito nang sobra ang ulo ko sa lupa.

"Mga sira-ulo kayong dalawa. Kakapangita n'yo pa lang, ito na agad ang nangyari!"

"At ikaw Peter! Kailangan mo pa bang wasakin ang gate sa pagpunta rito!?"

Akala ko mawawalan na ako ng malay dahil doon. Pati si Jupiter ay nakabaon din ang ulo sa lupa. Si Lolo Mera pala ang may gawa nito. Madilim ang paningin at mukhang galit na galit sa aming dalawa. Napakamot kaming dalawa ni Jupiter sa ulo nang makita ang nangyari. Ang magandang mansyon ni Lolo ay gumuho at nawasak dahil sa ginawa namin.

"P-pasensya na po 'Lo," nasabi ko na lang.

"Hahhah! Magpagawa ka na lang nang bago Tanda," sabi naman ni Jupiter. Pero hindi nagsalita si Lolo. Napatakbo na lang kami nang pagbabatuhin kami ni Lolo ng mga umaapoy na bola ng apoy.

"Mga batang ito, hindi pa rin kayo nagbabago!" sabi pa ni Lolo. Napaisip tuloy ako kung bata pa ba kami ni Jupiter.

NANG kumalma si Lolo ay umupo kami sa tabi ng nawasak na fountain at nagk'wentuhan kami saglit ni Jupiter. Wala na rin kaming magagawa dahil sira na talaga ang mansyon. Kakamot-kamot na nga lang sa ulo ang mga kasamahan ni Lolo sa bahay. Mabuti na lang at walang nasaktan.

"Dahil ito sa training ni Barabaro. Isang beses lang ako pakainin sa loob ng isang linggo. Ayos na rin ito, pero heto... Kalbo pa rin. Hahhahhah!" Siya lang ang tumawa sa sinabi niyang iyon. Marami pa siyang ikin'wento. Nagk'wento rin ako at sinabi ko na mas matanda na ako ng tatlong taon sa kaniya. Noong dinala kasi siya ni Lolo sa Underground Arena ay dalawang linggo lamang silang nagtagal.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ