Extra Chapter 1

84 19 1
                                    


"JACK OH! YUNG ANAK MO!" sigaw ko kay Jack ng makita kong buhat ng 4 year old kong anak ang refrigerator namin. Natatawa namang lumapit si Jack kay Jana at binuhat ito.

"Wag mo ng buhatin ang ref natin, baby baka sa susunod bahay na natin ang buhat mo nan. Nai-stress ang mama mo sayo. Haha." Natatawang saway ni Jack kaya napameywang ako.

"At binigyan mo pa talaga ng ideya yang anak mo?" Sabi ko sabay taas ng isang kilay. Lumapit naman sa akin si Jack habang buhat si Jana at hinalikan nila kong pareho sa magkabila kong pisngi, pinigil ko naman ang mapangiti at nag sungit-sungitan.

"Ano yun, peace offering? Hindi nyo ko madadaan sa paganyan nyo."

"Daddy kiss mo nga si Mommy sa lips. "Nagulantang naman ako sa request ng anak ko pero hindi ako nakaangal dahil..

"Sure, baby. " Sabay halik ni Jack sa labi ko. Namula naman ang mukha ko ng maghiwalay na ang labi namin tapos napahagikhik naman ang anak namin.

"Tuwang tuwa pa talaga ang mag-ama." Sabay iling ko at nagpatuloy sa aking pagluluto.

"Isa pa daw, Dad." Sabi na naman ng magaling kong anak kaya napalayo na agad ako kay Jack ng magtangka ito.

"No, mamaya na. Nagluluto pa ko." Napangiti naman si Jack sa sinabi ko at tumingin sa mukha ng anak namin.

"Mamaya nalang daw, Baby. Mas gusto ni Mommy ng private." Sabi pa ni Jack kay Jana. Pinigilan ko naman ang sarili ko na ibato yung carrot dahil baka matamaan si Jana since buhat nya ito.

"Tigilan mo, Jack. Kita na ngang buhat mo si Jana eh!" Saway ko dito at nagpatuloy sa paghiwa.

"Ano bang iniisip mo asawa ko?" Nakangiting tanong ni Jack, mas lalo naman akong napayuko para matakpan ng buhok ko yung namumula kong mukha. Narinig ko pa ang tawa ni Jack at naglakad na sila palayo.

.

.

.

"Yna, tulog na si Jana." Paalam sa akin ni Jack. Nasa sala kase kami ngayon at gabi na, nanood pa kase kami ng TV hanggang sa nakatulog si Jana. Ako naman inaantok na. Nakaupo si Jana sa lap ko at nakasandal ang ulo nya sa dibdib ko, ako naman nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Jack at nakayakap kay Jana ang isa kung kamay, ang isa ko pang kamay ay nasa likuran ni Jack dahil yakap ko sya sa bewang. Nakaakbay naman sa akin si Jack.

"Mmmm..." Response ko lang dahil inaantok na ko at nakapikit na.

Jack's POV

Gantong ganto ang itsura noon ni Yna ng mahuli ko syang natutulog sa library, the day i fell inlove to her. She's so simple and determined. Kaya nyang isugal ang lahat para lang samin kaya nagustuhan ko sya and the next thing i knew, mahal ko na sya.

Tinitigan ko ang natutulog na mukha ng mag ina ko at napangiti. Hinaplos ko muna ang mukha ni Yna at napangiti naman si Yna sa ginawa ko kahit natutulog sya. Napangiti din ako bago ko sinandal ang ulo ko sa braso ko na nakaabay kay Yna at natulog.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now