Chapter 8- Ranking

105 53 40
                                    


Nag-umpisa sina Katie, Mia at Frena sa pagkukwento sa akin tungkol sa Academy at nabanggit nila ang mga nasa ranking ng Empyrean Academy.

"Ang pang-siyam ay si Olivia. Isa ring snob. Tahimik pero naiinis ako sa mga kaibigan nya."  pagpapakilala ni Mia kay Olivia sa akin na napa-rolleyes pa.

"Huh? Pano mo nasabi? Ano bang nagawa sa inyo ng mga kaibigan nya?" takang tanong ko. Parang kahit si Katie kase may galit din sa tropa nung Olivia dahil nakangiwi sya, pwera lang kay Frena na naka-poker face lang na nakatitig samin.

"Marami! Kaya next na lang beh, nag iinit-ulo ko eh." nanlalaking matang sigaw ni Katie na halatang naii-istress, haha.

"Okay. Sabi mo eh." nakataas pang kamay na sabi ko na para bang sumusuko.

"Ang pang walo naman ay si Gary, ang lalakeng beautiful with a heart." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mia at mukhang na-gets nya kung bakit nakakunot ang noo ko.

"What I mean is bedeng sya. Beklush, beki, paminta, BAKLA!" napatakip ako ng tenga nung sumigaw si Mia sa huli nyang sinabi.

"Oo na! Bayot na! Bakit kailangang sumigaw?!" balik na sigaw ko na nakatakip ng tenga.

"Eh kase naman eh! Sayang sya! Ang gwapings nya kaya!" si Katie naman ang sumigaw kaya napailing si Frena sa dalawa.

"Magsitigil na nga kayo. 2 years na kayong nanghihinayang pero sya hindi pa din lalaki." sabay irap ni Frena ng nakangisi.

"Manahimik ka na nga lang Frena, proceed na lang tayo sa pang pitong ranggo na si Lorin. Si Lorin naman ay mabait. Nakaka-bonding nga namin minsan yun ni Mia, pero kinakausap nya lang kami kapag trip nyang makisalamuha saming mga istudyante dito.  Madalas kasing magkakasama ang mga nasa ranggo kaya hindi talaga sila nakakasama saming mga estudyante." napatango lang ako sa paliwanag ni Katie sakin about kay Lorin.

"Sunod?" tanong ko agad dahil sa na e-excite ako.

"Ang pang-anim naman ay ang playboy ng bayan na si Ley. Ang taong ito ay walang kwenta kaya wag mo ng alamin ang pagkatao nya." sabat ni Frena na nakatingin sa kuko nya. Napalingon kami sa kanya ng nagtataka.

Napalingon din samin si Frena  at napansin nyang nakatitig kami sa kanya kaya napataas sya ng isang kilay.

"What?" tanong ni Frena na nakapoker face sa amin. Nilingon ako ni Katie at nginitian ako.

"Pagpasensyahan mo na sya, Yna. Madalas kasing silang nag-aaway ni Ley kaya malaki galit nila sa isa't-isa." awkward na paliwanag sa akin ni Katie.

Dami namang issue ni Frena parang ewan lang, hahahahahahahaha.

walang nakakatawa -_________-

"Kung ganon,  sino naman ang pang lima?" tanong ko.

"Ang pang-lima naman ay si Han, sya na ang pinakamatakaw pero hot na lalake na nakilala ko AAAAAAAAAAAAAAA..." kinikilig na ani ni Mia na napasigaw pa kaya napatawa kaming tatlo nina Katie at Frena. Nagpagulong-gulong pa nga sya nung sinabi nya yun eh HAHA.

"Pang-apat ay si Gray, ang mabait at charming na lalake dito sa Academy. Pero ingat ka na lang pag gusto mo syang hawakan dahil nambabalibag ang taong ito." sabi ulit ni Mia na napasimangot bigla.

"Bakit bigla kang sumimangot? nabalibag ka na ba nya?" tanong ko ng nag-aalala. Napapikit bigla ng mariin si Mia habang si Katie naman ay biglang nagpigil ng tawa samantalang napangisi si Frena.

"Wag mo ng tanungin baka makabalibag pa ko." Utos ni Mia na kinatawa na ng tuluyan ni Katie. Bigla na lang napatakip ng bibig si Katie nung tiningnan sya ng masama ni Mia. Nanlaki ang mata ni Katie dahil sa takot at umiling-iling kaya napatawa ako.

"Pangatlo naman ay si George na kausap mo kaninang lunch. Normal naman sya at walang problema sa kanya masyado lang talagang tahimik minsan." paliwanag ni Frena.

"Katulad mo?" tanong ko na ikinatawa nina Mia at Katie, inirapan nalang kami ni Frena kaya napatawa na din ako.

"Pangalawa naman ay si Joshua or Josh, sya na ang pinakamakulit at taong hindi mapirmi sa iisang lugar. Kahit nga dito sa girls dormitory nakakarating sya eh. Minsan nga'y naligaw yun at napunta sya sa stage, eh may nagaganap pa namang announcement no'n at bigla na lang syang lumitaw sa harapan namin. Haha."  kwento ni Mia. Siguro dahil sa kakayahan nyang mag-teleport kaya sya napapahamak?

Bahagya akong napatawa nung nag kwento si Mia tungkol sa aksidente ni Josh. HAHA, Grabe ang epic siguro nun!

"Ang may pinakamataas na ranggo ay wala ng iba kun'di si Jack na snob pa sa lahat ng snob. Tahimik, sobrang tahimik at napaka tahimik ng taong yan." ngiting ngiting paliwanag pa ni Katie kaya napangiwi ako.

"Halata namang hindi sya tahimik, noh?" tanong ko.

"HINDI TALAGA." sagot nilang tatlo in unison kaya napangiti ako.

"Tutal nakapagpaliwanag na kami, matulog na tayo at maaga pa tayo bukas." Sabay tayo ni Mia, sinundan ko naman sya ng tingin.

"Sa susunod na lang ang iba pang impormasyon. Sige na, Goodnight." paalam ni Frena at umakyat na agad papuntang kwarto nila.

"Goodnight din." nag goodnight na din ang dalawa at umakyat na sa kanilang mga kwarto. Nang paakyat na ko, bigla akong nakaramdam na parang may nakatingin sa akin kaya napatigil ako sa kalagitnaan ng pag akyat ko ng hagdan.

Napailing na lang ako at pinag sawalang bahala ang nararamdaman kong yun.

"Baka guni-guni ko lang. Makatulog na nga." kibit-balikat kong sabi saka nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto at natulog.

.

.

.

"One week akong mawawala class kaya be good." Anunsyo ni Mr. Delgado sa unahan na nakapag pasaya sa aming lahat na sambayanang estudyante niya.

"YEEEEEYYYY!!!" sigaw naming lahat na nagbabato pa ng papel pataas na akala mo eh nanalo kami sa lotto or nakagraduate kami o nakapasa kami sa math, pwede ding mukha kaming nakawala sa hawla ni Sir. Delikado.

"Hindi pa kayo pwedeng magsaya dahil di porket wala ako dito ay wala na kayong gagawin." sabi pa nya sa unahan namin at nag-umpisa ng magbigay ng mga gagawin namin for this week habang wala sya. 

Okay na rin yun na may gagawin kami habang wala sya, kesa naman sa nasa harapan namin sya pero wala naman kaming natutunan dahil sa sobrang kaba. 

Kaya siguro wala pa syang asawa ay dahil sa ugali nyang napakalupet at wala ng ilulupet pa.

Biruin nyo? umabot na sya ng 40's nya pero wala pa ring asawa.

Pero saan kaya lakad ni Sir at 1 week syang mawawala dito sa school? Sana extend pa nya ng one month! Mas masaya pa ko sa self study dahil mas may naiintindihan pa ko dun, di tulad kay Sir na mas nangingibabaw pa ang kaba ko kesa sa naririnig ko sa kanya. Kawawa naman ang section na handle nya.

Tama na nga ang pag kukwento ko tungkol sa kanya at sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko yung mga pinapagawa nya samin. Mukha tuloy sya ang kontrabida ng istorya na ito dahil sa sobrang stress ko sa kanya.

Nakalabas na si Sir ng room namin kaya nagsitalunan ang mga kaklase ko sa sobrang saya, napailing na lang ako habang nakangiti.

Wala naman akong problema sa mga kaklase ko dahil mabait naman silang lahat, baluga nga lang at mga maloko kaya mapapailing ka na lang sa mga kalokohan nila. Ang iba din samin ay wala pang kapangyarihan kaya hindi lang ako ang outcast.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now