Chapter 29- Boyfriend?

59 22 0
                                    


Yna's POV

Dinala kami ni Carlo sa jollibee as requested ng magaling kong kapatid na tawagin nalang natin sa pangalan na Jessi. Nakaupo kami sa pinakatagong pwesto dito sa loob ng jollibee, ni-request ko dahil na rin sa may naghahabol nga sa amin.

"You have a girlfriend now?" takang tanong ko kay Carlo habang hinihiwa  ang chicken joy gamit ang aking kutsara't tinidor.

"Yes, kaso nasa palawan sya ngayon because of business matters." nakangiting sagot nya sa akin. Sabagay, malayo nga naman ang Laguna sa Palawan, nasa laguna kase kami.

"Wow, parang kailan lang nung niligawan mo ko." napatawa si Carlo sa sinabi ko, siniko naman ako ni Jessi.

"Yeah, nalungkot nga ko nung bigla kang nawala. It's been a month. San ka ba nanggaling?" muntik na kong mabilaukan ng tanungin ni Carlo yun kaya hinablot ko ang coke float ko sa tabi then drink it. Napalingon ako kay Jessi na nagulat din sa tanong ni Carlo.

"Kailan pa kayo ng girlfriend mo?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa tinanong nya.

"Oh! We've been together since 2 months at ikaw naman ay nawala ng 5 months, diba?" nabilaukan ulit ako and this time napansin na ni Carlo kaya hinagod nya ang likod ko, pati si Jessi nakihagod na rin at inabutan pa ko ng tubig na hiningi nya sa worker ng jollibee kanina.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Carlo kaya napatango ako.

"Ayos lang, hehe." nginitian ko ito para i-assure na okay lang talaga ko.

Itutuloy ko na sana ang paubos ko ng pagkain ng may biglang umakbay sa akin kaya nanigas ako sa aking kinauupuan.

I know that smell. That very manly scent...

"Nakakaistorbo ba ang girlfriend ko sayo?"

Unti-unti kong nilingon ang likod ko at nakita ang walang emosyong mukha ng boyfriend ko--este ni Jack.

Kinakabahang napalingon ako kay Jessi at nakita kong napalunok ito.

"Hindi mo naman sinabing kasama mo pala ang boyfriend mo." nakangiting sabi ni Carlo kaya napatingin ako sa kanya nung magsalita sya.

"B-boyfriend?" takang tanong ko.

Naramdaman kong hinigpitan bigla ni Jack ang pagkakahawak sa balikat ko kaya napalunok ako.

"Ah! Oo! Kasama ko nga pala sya! Ngayon ko lang kase nalamang may boyfriend pala ko." binulong ko lang ang huling parte ng sinabi ko dahil mahirap ng matamaan ng kidlat.

"Since nandito na ang boyfriend mo, maiwan ko na kayo, tapos na rin naman ako sa pagkain." nakangiting paalam ni Carlo kaya napailing kaagad ako pero nung nilingon ko si Jack na nakatingin ng masama sakin  ay napangiti agad ako ng malaki kay Carlo.

Nilingon ko ang kapatid ko at umaktong naiiyak samantalang si Jessi ay nag-aalalang nakatitig lang sa akin lalo na't nakaakbay pa rin hanggang ngayon si Jack sa balikat ko.

Pero infernez, ambango ah, nakakainlove... Ay, shet male. Nakakatakot pala. Nakakakaba, nakakakilabot, nakakagimbal-gimbal!

"Uwi na tayo, babe." nakangiting sabi ko kay Jack at nauna ng maglakad hatak si Jessi para sana tumakas pero matibay ang pagkakaakbay sa akin ni Jack kaya hindi ako makatakas.

"Not so fast, young lady. Hindi mo ko matatakasan ngayon, babe. Hihintayin natin dito ang mga kasama natin." poker face na sabi nito.

Pero teka, tinawag nya rin akong babe? Omg butterflies, wag kayong tumambay sa tiyan ko!

Okay... so mamaya kita tatakasan Babe, humanda ka.

Napahigpit ang kapit ko kay Jessi habang hinihintay ang AOF kasama sina Katie at Mia dito sa labas ng Jollibee. Nang makita ko na ang mga mukha ng mga kasama ko na naiinis na. Dun ko nilabas ang kapangyarihan ko.

My whole eyes turns black.

I made a small earthquake.

Dahil dun nataranta ang mga tao kaya nagkasiksikan. Hindi na din ako mahawakan ni Jack dahil nagtutulakan ang mga tao.

Nang mabitawan nya ko, agad kong hinatak si Jessi at nagpadala sa agos ng mga taong nagsisiksikan. Hindi ko tinigil ang small earthquake na ginawa ko hanggang sa makita ko ang fire exit dito sa mall.

Pumasok kaming dalawa ni Jessi sa loob at umakyat.

Kaming dalawa lang ni Jessi ang gumamit ng Fire exit papuntang rooftop at ng makarating kami sa rooftop, inutusan ko si Jessi na ilabas ang pakpak nya at lumipad.

"Grabe kinabahan ako dun! Akala ko hihimatayin ako sa presence ni Kuya Jack! Saan na tayo pupunta ngayon, ate?" tanong ni Jes habang lumilipad kami.

"Sa **** publishing company. Gusto ko munang bisitahin ang mga kaibigan ko duon." sabay nginitian ko si Jes.

Nang makarating kami sa rooftop ng kompanya, ginamit namin ang elevator para makapunta sa Book editing office pero papunta palang ako sa mga kaibigan ko ng makarinig ako ng boses sa loob ng office ng Ceo.

Hindi ko pa nakikita ang CEO namin noon kaya gumamit ako ng invisibility saming dalawa ni Jessi at tumagos kami sa pinto ng office ng CEO.

"Boss, they already trained the kid, kailangan na nating kumilos para mapabagsak ang Empyrean." gulat na napatingin ako kay Jessi at ganon din ang reaksyon nito.

"Hayaan mo sila. Mas nangingibabaw ang pagiging Demon ng nakatakda at once na mawalan sya ng kontrol mapupunta sya sa panig natin, BWUAHAHAHAHAHAHA!!" hindi ko alam kung saan ako matatakot. Sa boses ng CEO o sa sinabi nya.

Lumuhod ako kay Jessi kahit alam ko namang halos magkasintangkaran na kami at ginamitan ko sya ng aking telepathy.

'Umalis kana, sabihin mo kina Jack kung nasaan ako. Iligtas mo ang sarili mo, maya-maya lang ay mararamdaman nila ang presensiya natin.'

Sabi ko sa utak ko at nakita ko namang naluha si Jessi kaya niyugyog ko ito.

'Anuba! Umalis ka na! Kung gusto mo kong iligtas, hanapin mo sila.'

Umiling ito habang naluluha kaya wala na kong magawa kundi i-teleport sya palabas ng building.

Kailangan kong makakalap ng impormasyon....Para maligtas ko ang Empyrean...

"Yna."

Nagulat ako ng banggitin ng lalaki ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanila.

"Hindi mo naman sinabing surprise visit ka." nakita ko pa ang ngisi ng lalaki kaya mas lalo akong kinabahan.

Inalis ko ang invisibility effect kaya mas nakikita na nila ko ngayon.

"Anong kailangan mo sa amin? Sa akin?" nagmatapang na tanong ko habang tumatayo mula sa aking pagkakaluhod.

"Ang gusto ko?" tanong nito sabay ngisi kaya nangunot ang noo ko.

"Kapangyarihan mo." pagkatapos nyang sabihin yun ay inatake nya ko ng blackmagic sa tagiliran kaya natumba ako sa lakas ng force.

"AH!!" daing ko sabay napahawak sa bibig ko dahil may lumabas na dugo mula duon.

"Hindi mo makukuha ang kapangyarihan ko!."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now