Chapter 14 - Practice

95 40 19
                                    


Yna's POV

Simula ngayon ay magpapaturo na ko ng physical fighting kina Katie at Mia para naman kahit papano ay maprotektahan ko ang sarili ko pati na rin ang kapatid ko habang wala pa kaming kapangyarihan.

"Yna, kahit hindi ka magpaturo sa amin eh, ituturo parin yan ng school natin kaya chill ka lang! Kumalma ka at maghintay! Para namang may papatay sayo kapag di ka natuto." natatawang paliwanag sa akin ni Mia.

AYON NGA EH!!! PANO PAG NALAMAN NA NILA ANG KATAUHAN KO TAPOS BIGLA NALANG NILA KONG SUGUDIN? AND WORST, KAHIT MANUNTOK HINDI KO KAYA! HINDI AKO MAKAKA SURVIVE SA SCHOOL NA TOH! AHHHHHHHHHH!!!

"Ba't ba 'di ka mapakali dyan? Umayos ka nga at pupunta pa tayo sa first class natin." Sabay hinatak na ko ni Katie kaya hinablot ko na lang ang bag ko sa sofa nung nahatak nya na ko.

Nakapasok na kame sa classroom namin ng biglang nagsalita yung isa naming kaklase na nasa bukana ng pinto na galing ata sa pagtakbo dahil hinihingal pa sya.

"Guys, prends, klasmeyts, dumiretso na daw tayo sa training room para sa PE natin." pagkatapos sabihin samin yun ng kaklase namen ay dumiretso na kami sa Training room, pero syempre pumunta pa kaming locker room namin para magpalit ng PE uniform.

"Masyado kayong matagal kumilos, kanina pa ko nandito." Sabagay matagal nga naman ang 3 minutes na binigay nya sa amin para magpalit.

"Sa ngayon tuturuan ko muna kayo ng basic attack at defense, kailangan nyo agad matuto lalo na sa mga bagong estudyante ng Academy dahil nalalapit na ang digmaan." matapos nyang sabihin yun ng may seryosong mukha ay nakaramdam agad kami ng kaba sa digmaang nalalapit.

Mas nakakakaba pa ay hindi pa nila ako matagpuan para maturuan.

Ako ang kinakabahan para sa sarili ko eh, hayyyyy....

Oh well, buti na lang pala at tuturuan nya kame ng physical fighting. Sana lang makasurvive ako dito sa klase nya gamit lang ang sarili kong lakas at hindi kapangyarihan tutal hindi ko pa alam ang kakayahan ko.

Nagsimula ang practice nang mga hyper pa kame pero nung malapit na kaming matapos feeling ko daig ko pa ang nakipagdimaan ng sampung taon dahil sa sobrang wild nang teacher namin sa PE.

"That's all for today pwede na kayong magpahinga." hindi na namin magawang sumagot kay coach dahil sa sobrang pagod at nag dire-diretso kami ng labas.

"Hindi man lang tayo pinagpahinga during practice feeling nya ba sayang saya ako sa paulit-ulit na suntok, sipa at salag natin sa kanya?" Reklamo ni Katie kaya natawa ako habang papasok kami ng dorm, si Mia naman nag dirediretso sa kusina at uminom agad ng isang galong tubig.

"Parang hindi ka man lang napagod ah! Nagawa mo pa kong tawanan! Nakakahuhaw kaya yung ginawa natin!" Sabay tinuro pa ko ni Mia. Natawa kase ako sa itsura nya, halatang pagod na pagod sila. HAHA.

"Pansin ko ngang parang hindi ka man lang napagod." Gatong naman ni Katie na ikinalaki ng mata ko.

Myghad, dapat ang AOF ang makatuklas sa akin hindi sina Katie at Mia!

Pag-iniba ko kase ang propesiya maaaring mas mapaaga ang digmaan.

Oh well nakikinig kase ako kay teacher kaya alam ko toh. Kala nyo nagbabasa ako ng libro noh? Diyan kayo nagkakamali dahil ayaw sa akin ng libro, titigan ko pa lang ang libro ay naiinis na ko.

Pero uumpisahan ko ng basahin ang Golden book simula ngayon. Nakita ko kase na nakasulat dun ang mga kakayahan ng isang nakatakda. Pag nabasa ko na kung anong kakayahan ko, saka ko ito pa-praktisin.

Pansin ko din na parang hindi ako masyadong nakararamdam ng pagod pagkatapos ng practice. Pagod lang ang hindi ko nararamdaman pero ramdan ko yung sakit ng katawan ko dahil sa paulit ulit na pagsalag sa mga atake ng couch namin kanina. I think my stamina is very high.

Para hindi ako mahuli ay dumiretso ako sa sofa at binagsak bigla ang katawan ko.

"ARAY ANG PAA KO! ILANG SIPA BA ANG NAGAWA KO DUN SA PUNYATERANG PUNCHING BAG NA YUN? MAS MATIGAS PA ATA SA BATO YUNG PUNCHING BAG NA YUN AH!" reklamo ko, seryosong masakit ang paa ko guys wag kayong ano, hindi na akting yan. Binagsak ko pa kase sarili ko sa sofa, isa't kalahating tanga din eh.

Nagkatinginan naman sina Mia at Katie sabay nagkibit balikat.

NANG mag-gabi, nasa kwarto lamang ako habang nakatitig sa dingding. Marami akong iniisip kaya ganto ang itsura ko.

Bakit kaya ako pa ang nakatakda? Mahina kaya ako. Bakit hindi agad sinabi ng mga magulang namin na ganto pala kami? Sabi nila ay babalik sila. Sana sa pagbalik nila ay masagot nila ang mga katanungan ko. Ano pa kayang misteryo ang nababalot dun sa Jack na iyon? Masyado akong nahihiwagaan sa kanya. Magkano na kaya ang bigas sa Pilipinas ngayon? Masarap parin kaya yung menudo dun sa karinderya na pinagbibilhan ko ng ulam? May buhok na kaya si Mr. Panotzki? Sana hindi na tubuan ng buhok yun. Tss...

Hay, ang daming tanong na hindi alam ang kasagutan.

Isa ko pang problema ay masyado akong maganda kaya walang lumalapit sa akin para makipagkaibigan. Nag wo-worry sila masyado na magmukha silang butiki sa tabi ko.

Ba't ang choosy nila sa ka-kaibiganin nila?

Hehe...chour. Actually, ako ang problema. Hindi ako masyadong social eh...sorna.

Nag-patuloy ang kahibangan ko habang nakahiga sa kama hanggang sa mapansin kong nagliliwanag ang kamay ko kasabay ng pag angat ko.

"WAHHHH!!! MOMMY, OMYGHAD I'M FLYING. AHHHHHHH!!!"

Napasigaw ulit ako nung bigla akong bumagsak sa kama kasabay nang pagbukas ng pinto ng kawarto namin ni Katie at bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Frena. Si Frena na mag-hapong wala dahil may iinaasikaso silang importante ng mga nasa ranking.

"Sumisigaw ka ba?" whuuut??? Rinig nila ko kahit super duper sound prof tong kwarto na toh?  Kahit ata magpatugtog ako ng 10 speaker dito ng sabay sabay ay hindi nila ko maririnig dahil sa sobrang magical ng lugar na 'to.

"Ahehehe, patawa ka Frena sound prof kaya 'tong kwarto natin. Baka imagination mo lang yun!" Tinabingi ni Frena ang ulo nya na para bang nagtataka.

Maniwala ka pleaseeeee~~

"Baka nga." Sabi nya bago sinara ang pinto kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero bigla ulit 'tong bumukas at sumilip ulit si Frena kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Nakahanda na pala ang hapunan bumaba ka na pagkatapos mo dyan." Sabi nya bago sinara ulit ang pinto.

"*Sign* Bat ba kase ganto buhay ko?" Tanong ko sa sarili ko.

"Sabagay nakatakda eh." Sagot ko din sa sarili ko, parang siraulo lang.

"Aisst... Kakain na nga lang ako." Pagkasabi ko nun ay bumangon na ko mula sa kama at dumiretso sa dining room namin.

" Pagkasabi ko nun ay bumangon na ko mula sa kama at dumiretso sa dining room namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now