Chapter 21- Village

67 33 0
                                    


Third person's POV

"Jack parang-awa mo na. Ipaalala mo  sa akin na itali si Yna sa bewang mo kapag nahanap natin sya." Maktol ni Josh na kalahating oras na atang naghahanap pero wala pa ring mahanap.
"Just continue looking." Sagot ni Jack na kinairap ni Gary. Bwisit na rin ang bakla dahil gutom na at kanina pa sila naghahanap.

"Guys..." biglang nagsalita ang bagong dating na si Ley kasama si Gray kaya tiningnan sila ng mga kasama nya.

"Anong ka-abnormalan na naman ba ang hatid mo? Siguraduhin mo lang na nahanap mo si Yna ah." Banta ni Frena kay Ley na kadarating lang.

Naghanap sina Ley at Gray sa malayo para mas madaling mahanap si Yna kung sakali mang nakalayo na nito, kasama nya si Gray dahil sa taglay nitong improve eyesight para mas mapadali ang paghahanap nila.

"Hindi pa nga namin sya nahahanap. Pero may bubwit na sunod ng sunod sa amin ni Gray." Pagkatapos sabihin ni Ley yun ay biglang nagpakita ang isang lumilipad na creature papunta sa kanila.

"Anong trip ng isang yan?" Takang tanong ni George na nakatingin kay Minuet.

Oo si Minuet, wag na kayong magtaka dahil si Author at Minuet lang naman ang cute sa story na ito.

(A/n: pasintabi sa mga kumakain...)

"Sundan kaya natin?" Suggest ni Lorin kaya napatingin sa kanya ang lahat.
"Bakit pa? Nawawala na nga si Yna, susundan pa natin yan?" Tanong ni Olivia na nagrereklamo na dahil sa gutom at uhaw.
"Hindi naman siguro nya kukulitin sina Ley at Gray ng walang dahilan diba? Basta ako susundan ko yan." Biglang naglakad paalis si Lorin para sundan si Minuet kaya wala ng nagawa ang iba kun'di ang sumunod.
"Pasaway talaga." Singhal ni Gary.

Sinundan nila ang cute creature hanggang sa makarating sila sa water falls na tinitirhan ni Minuet.

"Wow..." Manghang saad ni Josh na pinaikot ang tingin sa paligid  hanggang sa may mahagip ang paningin nya.
"Si Yna!" Sabay turo nya dito kaya napatingin din ang iba.

Nakita nila si Yna na nakalabas ang itim na pakpak habang kinokontrol nya ang tubig mula sa Falls. Mas ramdam ni Yna na ligtas sya kapag nakalabas ang kanyang mga pakpak kaya nilabas nya ito habang naghihintay ng tulong.

"Nababagot na ko. Wala bang makakain dito?" Kausap ni Yna sa sarili nya habang pinapalutang ang isang water ball.

"Kung hindi ka ba naman nawala sa likod namin, sana ay nakarating na tayo sa ating pupuntahan." biglang salita ni Jack kaya napatingin si Yna dito. Matapos makita ang mga kasama nya tila labis na tuwa ang naramdaman ni Yna.

"Beshies!" biglang lumipad si Yna palapit kina Jack at walang pakundangang nagpadausdos, nataranta ang ilan dahil sa bilis ng lipad nito.

Mabuti na lamang ay nahapit agad ni Jack sa bewang si Yna bago pa ito dumausdos sa kung saan. Todo ngiti si Yna habang nakakapit sa mag-kabilang balikat ni Jack at nakatapak na sya sa lupa.

"Hi Friends na-miss ko kayo!!" Nakangiting sigaw ni Yna at niyakap si Jack. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Yna pero wala pa ding naging reaksyon si Jack.

Pagkabitaw ni Yna kay Jack ay sunod sunod nya ng niyakap ang iba pa hanggang sa makarating sya kay Minuet.

"Kingina, akala ko iniwan mo na ko!!! Huhuhu." Umakto pang umiiyak si Yna at hinigpitan nya ang pagkakayakap kay Minuet kaya nahirapan itong huminga.

"Bes kumalma ka. Mapapatay mo yang alaga mo." Awat ni Gary na nakangiwing nakatingin kay Yna.

"Tara na guys!" Excite na anunsyon ni Yna at nauna ng maglakad paalis kaya nagtaka ang lahat.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now