Chapter 30-Save Yna

54 20 0
                                    


Jessi's POV

Hindi ko alam kung anong binabalak ni Ate Yna pero alam kong hindi ito maganda. Naluhang tumakbo ako pabalik sa mall.

Please lang, makasalubong ko sana kayo....

Naiyak na bulong ko sa aking utak.

Nang isipin ko ang bagay na yun nakita ko ang mga kasama namin palabas ng mall kaya mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo palapit sa kanila.

Nakita naman nila ako sa kanilang gilid at patakbong sinalubong ako. Habang tumatakbo sila, halatang nagtataka ang mukha nila kung ba't mag-isa lang ako.

"Jessi!" sigaw ni Josh ng makalapit na sya sa akin. Lumapit din sina Jack at hinawakan ako sa braso.

"Ba't ka umiiyak? Nasan ang Ate Yna mo!?" natatarantang tanong ni Ate Frena sa akin.

"Kase--*sniff* may-- may mga-- demons.." nanlaki ang mga mata nila at mas lalong lumapit sa akin.

"Fuck." bulong ni Kuya Jack pero rinig ko pa rin dahil nga nasa harapan ko lang sya.

"Nasaan sila?" seryosong tanong ni Kuya Jack na parang kakain na ng tao.

Umatras naman ako at nilabas ang pakpak ko't lumapid para masundan nila ko. Ganon din ang ginawa nila at sumabay sa akin.

Ate, sana ligtas ka.

Yna's POV

"Hindi mo makukuha ang kapangyarihan ko!."

hindi nya makukuha ang kapangyarihan ko kahit buhay ko pa ang kapalit.

Inatake ko ito ng aking light magic. Napaatras naman ang Ceo at napadaing pero aatakihin din ako nung isa pa nyang kasama.

Susuntukin na sana niya ako pero umilag ako at sinipa sya sa tiyan pagkatapos ay pinalutang ko sya't hinagis sa kabilang dako ng kwarto dahilan para masira ang pader.

Napatitig ako sa Ceo at nakita kong nakatitig din ito sa akin kaya umatake ako. Naglabas ako ng kulay silver na espada samantalang kulay itim naman ang espada ng Ceo.

"Okay... Let's play." sabay ngisi pa nito at sinalag ako, sinipa ko sya sa tuhod kaya nawala ang pagkakasalag nya.

Saksakin ko na sana sya ng sipain nya ko sa tiyan kaya medyo tumalsik ako, pero bago pa ko tumama sa pader ay lumutang ako at sumugod kay Ceo, panay wasiwas kami ng espada namin.

Muntik nya ng mahiwa ang tiyan ko pero napatalon agad ako paatras, aatakihin ko pa sana sya ng maramdaman ko ang presensya ng isa pang kasama ni Ceo sa likod ko kaya sinipa ko ito mula sa likod at pagharap ko'y hiniwa ko ang kanyang leeg kaya hindi na sya nahinga pa.

Wala akong nararamdaman na guilt ng makapatay ako. Shet.

Iwinasiwas ko ulit ang espada ko pero nahampas nya na ito kaya nabagsak ang aking espada sa sahig. Putek! dapat pala nagpaturo ako kay Frena ng swordhandling, nakakagigil.

"Hahaha!, masyado ka pang mahina, Yna." nang sabihin nya yun ay hinawakan nya ko sa leeg at inangat ako sa lupa, hindi ko na nararamdaman ang sahig sa aking paa ng bigla nya kong ihagis sa glass table.

Nabasag ang glass table at nakatamo din ako ng matinding pinsala. May nakita pa kong nakabaong maliliit na glass shards sa sugat ko kaya napadaing ako.

Titingnan ko sana ulit ang kalaban ng maramdamang kong nakasakal na ulit ito sa akin at inangat muli ako.

"Kung hindi lang din naman mapupunta sa akin ang kapangyarihan mo, mas mabuti nang mamatay ka! Paalam, Yna." itinapat nya ang kanyang kamay sa akin at ready nya ng ilabas ang kapangyarihan nya...













ng ngumisi ako.

"No. It's goodbye, CEO." pagkatapos kong sabihin yun nilabas ko ang malaking glass shard na tinago ko sa likod ko at sinaksak sya sa puso.

Nasugatan din ang kamay ko dahil sa tulis ng glass shard pero mas diniinan ko pa ang hawak dito.
Hindi lang basta glass shard ang hawak ko dahil may spell ito. Na-cast ko ang spell nung nabasag ang glass table.

It's an angel spell, kung saan kayang makapatay ng Demon.

Ang sino mang Demon ang masusugatan ng sandatang may Angels Spell ay mamamatay... Including me.

Pero hindi ko pa din binitawan ang glass shard kahit mapatay pa ko nito.

May lumabas na dugo sa bibig ng Ceo pati sa akin, pero kahit nanghihina na sya mas dumiin ang pagkakasakal nya sa akin kaya mas nahirapan akong humingi.

Ramdam ko ng makakasabay kong mamatay ang Ceo.

"Yna!"

May biglang tumamang kidlat sa CEO kaya tumalsik ito at tuluyang namatay.

Ako naman ay bumagsak sa lupa habang duguan.

Inangat ako ni Jack pahiga sa lap nya. Bigla akong napaubo ng dugo dahil umeepekto na sakin ang spell.

"Ate... Huhu... Wag ka munang mamatay wahhhhhh, Ate!" naiyak na pagsusumamo ni Jessi kaya bahagya akong napangiti. Napatingin naman ako kay Jack na nakahawak sa ulo ko.

"Fight for your life, Yna. Alam kong kaya mo. May tiwala kami sayo." sabi ni Jack kaya mas lalo akong napangiti.

"O-oo nga, Yna. Hinta-- hintayin muna natin si Head. Kaya nya tayong i-teleport pabalik ng Empyrean*sniff*" naiiyak na sabi ni Lorin. Naramdaman ko namang nakahawak sa kamay ko si Olivia kaya napatingin ako dito pero nakatingin lang sya sa akin. Gusto ko sanang maiyak kaso wala na talaga akong lakas.

Hindi na kinaya ng katawan ko kaya napapapikit ako.

"Wag kang pipikit, Yna. Malapit na si Head!" sigaw sa akin ni Ley.

"Yna? Yna!" -Katie

"Gumising ka muna!" -Han

"Ang kulit nyo kase eh!" -Mia

"Yna girl... Wag mo namang gawin sa amin toh, naloloka yung beauty ko! *sniff* barado na ilong ko, wag mo na kong paiyakin!!!! HUHUHUHUHU." - Gary

"Kaya mo yan." -Gray.

"Promise, Yna. Hindi namin kayo pagagalitan basta gumising ka na!" -Frena

"Yna, please..." -Olivia

Hindi ako matutulog habambuhay guys, saglit lang ako. Magpapahinga muna. Pagod na talaga kase ako eh. Pero promise ko babalik at babalik ako sa inyo...

*****

Author's note:

Sana po naiintindihan nyong hindi pwedeng alisin ni Yna ang kapangyarihan ng isang demon, dahil kapwa empyrean lang ang pwede nyang maalisan ng kapangyarihan... CIAO~~

 CIAO~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon