Chapter 10- Library

96 44 14
                                    


Kinaumagahan. Maaga kaming nagising nina Mia, Katie at Frena para gumawa ng potion na ipapasa namin mamayang hapon sa klase namin.

Sa kaso ko na ngayon lang nakapag aral dito sa mundong toh, kailangan ko pang pumunta sa library ng Academy para makaisip at makagawa ako ng potion na yan.

Nauna na kong umalis ng dorm kesa dun sa tatlo dahil kailangan ko pa ngang mag research sa library. Hindi naman ako makapag research sa internet dahil ano bang kinalaman ng internet sa school na toh diba?

Pero nakakagamit naman kami ng cellphone dito, hindi nga lang kami makapag search tungkol sa mga bagay bagay na ang Academy lang ang may alam.

Ang lupet nga ng school na toh dahil may sarili pa itong mall at plaza. Hindi ko pa napupuntahan ang mga yun dahil hindi ko pa nakukuha ang card ko sa Headmaster's office. Sila na kase ang bahala sa allowance mo dito. Mataas ang allowance kung nakaka excell ka sa mga pinag aaralan mo,  pero pag hindi masyado or hindi talaga eh mababa lang ang makukuha mong allowance. Lupet talaga.

Pumasok na agad ako sa library at naghanap hanap ng libro about potion.

Kasalukuyang hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon kaya ang labas parang nag papaikot-ikot lang ako bawat shelves ng library na toh. Mukha tuloy akong tanga ngayon kaya napakamot ako ng ulo.

"Ano bang ginagawa ko?" tanong ko sa sarili habang nagkakamot ng ulo.

"Nasaan ba kase yung libro na yun?" tanong ko pa ulit na nag paikot-ikot ng ulo, mga 360 degrees, ganon.

"Ano yun?"

Anak ka ng nanay mo! Sino yun?!

Paglingon ko sa likod ko nandun pala si Jack na nakatingin sa akin. Marahil ay nakita nya kung pano ako nag paikot-ikot dito sa library.

"May hinahanap kase akong libro. Meron bang libro about potions dito?" sagot ko sa tanong nya at tinanong ko na rin sya. Ayoko ng mag paikot-ikot pa dito sa library, ang lawak kaya!

Bigla nalang nya kong tinalikuran at naglakad ito paalis kaya nagtaka ako, pero sinundan ko na lang sya out of curiosity.

Nung makarating kami sa isang shelves, may kinuha syang libro na kung tama man ako ay tungkol  sa mga potions. Nagliwanag ang mukha ko dahil sa wakas! Nahanap na rin!Iniiabot nya sa akin ang libro at kinuha ko naman sa kamay nya.

"Salamat!" nakangiting pagpapasalamat ko at nag bow pa. As usual naka poker face lang si Jack at umalis na ito. Grabe ang tindi ng isang yun, pano ko kaya yun kakaibiganin? trip ko pa naman syang kaibiganin kase ang cool nya hehe.

"Bahala sya sa buhay nya." bulong ko sa sarili at nakangiting binuklat  ang libro.

Paalis na sana ako nung may nahagip ang mata ko na kulay gintong libro, nagtaka ako kung ba't kulay ginto pa yun at mukhang kumikinang pa. Wala din itong title na lalong pinagtaka ko.

"Kukunin ko na nga lang na kaka-curios eh." sabi ko at kinuha na ang libro saka umalis na ng library.

.

.

.

Naipasa ko na kay Ms. Pernez ang potion na pinagawa nya sa amin. Kung curios kayo kung ano ang ginawa kong potion, ang ginawa ko lang naman ay potion for teleportation. Malay nyo kase maibalik ako nito pabalik sa tunay kong mundo diba?

Pero echos lang, hindi ko ito gagamitin para makabalik dahil wala naman akong babalikan.

Medyo napamahal na rin ako sa eskwelahan na ito at sa mga tao na nandito. Okay na rin na nandito kami dahil nakakapag aral ako at si Jessi ng mas maayos.

Si Ma'am Pernez na ang bahalang mag-grade sa mga ginawa naming potion dahil sya ang mag che-check nun kung tama lang ba ang pagkakagawa namin.

Yung kulay gintong libro naman eh tinago ko muna sa closet ko para hindi mapakialaman ni Katie na kasama ko sa kwarto.

Nag-lalakad na ko pabalik ng classroom namin dahil kakagaling ko lang sa cafeteria ng may mabangga ako.

Mukha namang nagulat ko yung nabangga ko kaya hinawakan nya ko sa wrist ko at mukhang ibabalibag pa ata ako nito kaya agad akong nataranta.

"TEKA!! WEYT! WEYT! KUMALMA KA!! MYGHAD!" napasigaw ako sa sobrang taranta na baka tuluyan nya na kong mabalibag.

"Ay, pasensya na Miss. Nagulat kase ako sayo." sobrang nainis ako sa sinabi nung lalake kaya nagusot ang mukha ko.

"Nagulat ka sakin!?? Mukhang ako ba HINDI NAGULAT SAYO?!" sigaw ko sa kanya at akmang tatalikuran ko na ito ng bigla itong tumawa kaya nainis ang sistema ko. 

"Anong nakakatawa? Hah?!" sigaw ko rito at nilingon sya.

"Sorry, nakakatawa kase yung reaction mo HAHA, dont mind me you can get going." utos nito na patuloy pa rin sa pagtawa. Tinalikuran ko na lang ulit ito at akmang aalis ng magsalita na naman sya.

"And BTW....I'm Gray." tinanong ko ba sya? bahala sya sa buhay nya aalis na ko kahit magsalita pa ulit siya dyan.

Gray's POV

That girl is cute. Ang cute ng reaction nya nung muntik ko na syang mabalibag.

Ayoko kase ng bigla akong hinahawakan kaya nakakapambalibag ako, pero kaya naman akong pigilan kung pipigilan mo ko.

Napatawa ulit ako when she rolled her eyes and continued to leave. Hindi nya man lang sinabi sakin ang pangalan nya. Napailing ako habang nakangiti at nagpatuloy ulit sa aking paglalakad.

Papunta kase ako ngayon sa dorm namin kung saan magkakasama kami ng mga nasa rank. Oo, sama-sama sa iisang dorm ang mga nasa rank pero hindi nagpupunta si Frena sa dorm namin at nakikidorm sya sa iba. She only comes to our dorm kung gusto nya or emergency. Lagi kase silang nag-aaway ni Ley kaya si Frena na ang nag-aadjust dahil masama itong magalit.

Ang tawag sa aming mga nasa rank ay ANGELS OF FEAR.  Ewan ko ba kung bakit ganyan ang pangalan ng grupo namin pero sa pagkakatanda ko si Han ang nagpangalan nan.

"Wow! Nakangiti si bakla! bakit kaya??" pangungutya ni Gary na prenteng nakaupo sa sofa at nakapatong pa ang paa nito sa coffe table namin nung makarating ako sa dorm.

Our dorm is special dahil nasa pinaka mataas na floor ang dorm namin which is ang 20th floor. Samin din ang buong 20th floor dahil nandito ang meeting place namin, individual office naming sampu at playroom namin, or sabihin na nating ang training ground namin ng mga nasa rank.

"Ikaw ang bakla hindi ako." natatawang sagot ko kay Gary na kinasimangot naman nito.

Sayang nga't gwapo pa naman si Gary kaso naging bakla, minsan nga ay nagkakapalit kami ng pangalan dahil nga Gary ang pangalan nya at Gray naman ako.

Habang nag-aasaran bigla na lang sumulpot si Jack sa harapan namin kaya ang ilan samin ay nagulat.

"Tae ka naman! Pwede bang mag warning ka muna bago ka sumulpot kung saan-saan!? Hindi kami masasanay sa mga pinagagagawa mo eh! Bigla bigla ba namang nasulpot nang ganon ang mukha? Nakapoker face lang ang p*ta di ka ba naman matakot!" na iistress na saway ni Josh kay Jack pero hindi sya pinansin nito at poker face lang na nag dirediretso sa kwarto nito kung saan wala syang kasama dun dahil ayaw nya ng may kasama sa iisang kwarto.

Jack always show up in that way pero nakakagulat parin lalo na't specialty nya ang thunder. Madalas din ay wala sya dito for some reasons. Malamang ay galing si Jack sa isang mission kaya nag dire-diretso lang yun sa kwarto nya.

Usually kase ay nakikiupo muna yun sa sofa at nakikinig sa mga kalokohan namin  pero mukhang pagod sya ngayon.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now