Epilogue

89 18 0
                                    


Ilang taon na ang lumipas. Sa nakaraang digmaan maraming nawalan ng buhay na mga estudyante, teacher, warriors at mga naninirahan dito sa Empyrean. Pero kahit na may nawala ay may dumating din naman.

Nawala na ang sumpa ng mga magulang ko kaya nakabalik na sila dito sa Empyrean, malugod namang tinanggap ng King ng Empyrean si Papa kaya nanirahan kami nina Jessi dito ng sama-sama.

Matapos ang gabing yun ng pagluluksa ko, kinuha sakin ng King at Queen ang katawan ni Jack dahil sila ang mga magulang ni Jack. Oo, prinsipe si Jack. Nagulat din ako ng lumapit sakin ang Queen at King anak pala nila si Jack. Pagkakuha nila sa katawan ni Jack niyakap ako ni Jessi at umiyak naman ako sa balikat nya tapos bigla namang sumulpot ang mga magulang namin ni Jessi kaya sinugod namin sila ng yakap.

Bigla din akong hinimatay ng araw na yun at nakatulog ako ng pitong buwan dahil sa ginamit kong kapangyarihan sa Dark King. Hanggang ngayon nalulungkot parin ako.

Nagmumuni-muni ako ngayon sa balcony ng palasyo ng may biglang yumakap sakin mula sa likod ko.

"Malamig dito sa labas dun nalang tayo sa loob ng kwarto. Ano ba kase yang iniisip mo?" Tanong nya sa akin.

"Inaalala ko lang yung mga nangyari sa atin nung digmaan." Sagot ko ng nakangiti. Tumango naman sya at hinalikan ako sa pisngi kaya bahagya akong napatawa.

"Marami ngang hindi kapani-paniwalang nangyare sa atin." Sagot nya sabay tingin sa mata ko.

"Pero akalain mo nga namang nabuhay ako?" Dagdag pa ni Jack na hinarap ako sa kanya at hinalikan ako sa labi kaya natawa ako, sinabit ko naman ang mga braso ko sa leeg nya para mas palalimin ang halik.

Nabuhay sya dahil na rin sa kapangyarihan ng papa ko. Dahil dark magic ang muntik ng pumatay kay Jack nagawang isawalang bisa ni Papa ang sumpa ng magic. Nagulat din ako ng paggising ko mula sa pitong buwan na pagkakatulog ko ay buhay na sya.

Humiwalay na kaming dalawa ni Jack sa paghahalikan namin at nginitian namin ang isa't-isa.

Akalain nyo yon? Parang dati lang

"Balita ko pa nga gumawa ka ng ulan at kidlat para sa akin nung namatay ako." Sabi pa nya ng may nang-aasar na ngiti kaya napa-pout ako at hinampas sya sa braso. Natawa naman sya pagkahampas ko sa kanya at mas niyakap ako ng mahigpit.

"Way ko kase yun ng pagluluksa, kontrabida ka talaga." Sabi ko pa kaya mas lalo syang natawa at humiwalay na sya ng pagkakayakap sakin tapos hinawakan nya ko sa magkabila kong braso.

"Pasok na tayo sa loob, baka mahamugan ka baka mapano pa yang baby natin." Sabi nya pa sabay smack sa labi ko kaya napangiti ako at sinamahan sya sa loob ng aming kwarto.

1 year palang kaming kasal ni Jack. Si Grandpa pa mismo ang nagbasbas sa amin during our wedding and I'm 9 months pregnant. Oo, kabuwanan ko ngayon, anytime pwedeng bumulaga si Baby. Hindi pa namin alam kung anong gender dahil gusto ni Jack surprise daw. Pumasok na kame sa loob ng kwarto at humiga sa kama. Pagkahiga namin ay agad kong niyakap si Jack at ganon din ang ginawa nya.

.

.

.

"Jessi naman napakaarte parang kakain lang eh." Saway ni Josh kay Jessi na ayaw kumain. Hindi nya kase type lasa ng pagkain namin.

"Ayoko, beh ilayo mo yan sa akin." Utos ni Jessi kay Josh, binaba naman ni Josh ang kutsara na isusubo nya sana kay Jessi.

"Uubusin mo toh o magsisimula ka na ngayong humanap na ibang boyfriend?" Banta ni Josh.

"Sabi ko nga beh, masarap talaga ang broccoli eh." Sabi bigla ni Jessi sabay subo nung broccoli natawa naman kaming lahat ng AOF kasama sina Katie at Mia. Ewan ko pero bigla nalang ding nagkaroon ng relasyon sina Jessi at Josh, pakiramdam ko tuloy dalawang taon akong nakatulog dahil sa bilis ng pangyayare.

"Gray, nakita mo ba yung--" natigil sa pagsasalita si Olivia nang bigla syang hinawakan ni Gary sa kamay at ibabalibag sya nito. Nakahawak kase si Olivia sa balikat ni Gary. Napatakip ako ng bibig ko at pinanood na bumalentong si Olivia pero nakatayo parin sya sa dalawa nyang paa. Para lang syang tumambling kanina. Ang cool ngang panuorin eh.

"Bag ko..." Tuloy ni Olivia sa sasabihin nya sana ng nakakunot ang noo. Awkward naman na napatawa si Gray.

"Ahehe... Sorry." Paghingi ng paumanhin ni Gray. Natawa naman kaming lahat dahil dun. Hindi pa pala nawawala yang habit nya na yun haha.

"Lorin, lumayo ka nga sakin hindi tayo talo!"

"Eh!!! sige na Gary! parang gusto ko lang namang maging boyfriend ka!"

"Boyfriend!? Yuck! Humanap ka ng ibang mabibiktima mo, wala kang maloloko dito!" Nandidiring taboy ni Gary kay Lorin sabay napalingon naman ako kina Frena.

"Tumigil ka na nga sa pang-aasar mo Ley bago pa mabawasan ang AOF dahil sa pinag-gagagawa mo. Baka mapatay pa kita, mpmh!" Yan naman ang sigaw ni Frena na kaaway si Ley.

"Frena, asar bang maituturing kung sinabi ko lang naman sayo na gusto kita!"

"Katulad ng sinabi kanina ni Gary, wala kang maloloko dito, Ley!"

"Ay!! Frena hah! Wala kang originality, akin yang linya na yan!" Sigaw ni Gary.

"Kaya nga binigyan kita ng credits eh, tanga lang?" Sagot ni Frena.

Nakangiti lang akong pinagmamasdan sila habang nakaupo ako ngayon sa lamesa, katatapos lang kase ng breakfast at naghahasik ng lagim dito sa palasyo yang mga yan. Pero nawala ang ngiti ko ng may maramdaman akong kakaiba. Napatingin ako sa ibaba ko at nanlalaking matang napatingin kay Jack na nasa kusina at nakangiting nakatingin din sa AOF.

"May problema ba, Yna?" Bulong na tanong ni Han sakin na katabi ko habang nakain sya.

"Pumutok panubigan ko..." Sagot ko habang nakatulala at namumutla.

"Panubigan? Diba sa CR yun? Eh bat ka namumutla?" Tanong ni Han habang nanguya. Tumingin naman ako sa mukha nya.

"Han, manganganak na ko."

"Mangaganak lang pala--ANO!?" napatingin ang lahat sa sumigaw na si Han.

"Anong problema, Han?" Tanong ni Jack.

"Boss, manganganak na asawa mo!" Sigaw ni Han. Nanlaki naman ang mata ni Jack at dali daling tumakbo palapit sa akin. Binuhat ako nito at tinakbo sa kwarto namin saka nya tinawagan si Mrs, Van na mag-aanak sa akin.

.

.

.

"UWAAH! UWUAAH!" (iyak ng baby yan)

Nanghihinang napatingin ako sa baby na hawak ni Mrs, Vann. Napangiti ako ng makita ko ang bata. The pain is totally worth it once i saw my child.

"Mr Jack Evans and Mrs Yna Evans. Babae ang anak nyo!" Sigaw ni Mrs Vann napahiga naman ako ng tuluyan sa kama at napapikit. Naramdaman ko pa ang pagpasok ni Jack sa kwarto at kinuha ang anak namin sa kamay ni Mrs Vann, napatingin ulit ako sa kanila at napangiti ng makita kong pinagdikit ni Jack ang noo nila ng anak nya at nakita ko pa ang pagluha ni Jack ng matitigan nya ang kanyang unica ija.

Ang mag-ama ko...

~End~

Author's Note; Mga kafatid may special chapter pa itong story, so ibig sabihin hindi pa tapos ang kwento hahaha..

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now