Chapter 17- Goodbye For Now

83 39 3
                                    


"Ano ba yan ate! Iiwan mo ko dito?" si Jessi.

"Basta mag iingat kayo dun, Yna. Huwag kakalimutang kumain! Tsaka kapag sinungitan ka ni Olivia sabihin mo lang sa akin hah?" Si Mia.

"Diba sa mundo ng mga tao kayo maghahanap? Pasalubungan mo na lang kame hah?"

hay....si Katie ang nagsabi nan.

"Kumalma kayo please? hindi ako mangingibang bansa." pagpigil ko sa kanila. Ang o-OA eh.

"Oo nga naman, mangingibang mundo lang kami." sabat ni Frena na tumabi sakin.

"Basta pagbalik mo sa earth pasalubungan mo ko ng kwek kwek." request pa ng magaling kong kapatid.

"Dalhan pa kita ng isang sako." inis kong sabi sabay irap.

"Gagalit?" Nang-aasar na tanong ni Jessi sabay tawa nilang lahat.

Hindi na ko nag-aalala na makipaglaban sa kung sino man dahil medyo napraktis ko na lahat ng kakayahan ko. Kailangan ko lang ng matindi pang ensayo.

"Wag kayong mag alala, kasama nila kame kaya ligtas yang mga yan." Tukoy ni Josh sa AOF na nasa likod lang nya at nakasunod.

"Baka nga ligtas kami sayo?" Mataray na tanong ni Frena kay Josh.

"Yan ang hirap sa inyong mga babae, hindi kayo nagtitiwala sa amin..." Napailing-iling pa na sabi ni Josh.

"Wala naman kaseng katiwa-tiwala sayo." bara ko at napairap pa.

"Tara na't lumarga na mga beh! Para matapos na ito! Nagawa nyo pa talagang gumanyan. C'mon babanos everybody let's go.!" siraulong banat ni Gary.

"Sino unggoy mo?" tinutukoy ata ni Han yung unggoy ni Dora.

"Ikaw naman nagtanong ka pa! Eh ikaw din yung tinutukoy mo! Halika na nga boots!" Sabay angkala ni Gary sa braso ni Han. Pinikwas naman ni Han yung kamay ni Gary sa kanya kaya nabitawan sya nito.

"Choosy nito ako na nga ang lumalapit."

"Kahit wag ka nang lumapit. Dumistansya ka talaga sa akin at baka makasapak ako ng wala sa oras." at sabay silang nag-irapan kaya napatawa kami.

"Let's go."

"YEZ YEZ YOWW!!" bara naming lahat kay Jack na nagsalita kanina, mukha ngang nainis namin siya kaya nag walkout.

"Tara na nga. Mga baliw kayo, nagalit nyo ata si Jack." saad ni Olivia tapos tinulak nya kami palabas ng pinto, naiwan naman namin sina Jessi, Mia at Katie sa loob. Kumaway na lang ako sa kanila at ganon din ang ginawa nila.




NAKATINGIN sa amin ang lahat ng istudyanteng nadadaanan namin ngayon palabas ng academy.

Parang nagpapakita pa ata sila ng pagsuporta sa amin para sa aming paglalakbay eh maghahanap lang naman kami ng malalakas na Wizard. Pero naa-appreciate ko ang suporta nila.

Mami-miss ko ang Empyrean Academy Huhuhuhu. Ilang linggo din kaming mawawala para lang maghanap ng mga wizard chu chu na yan.

Pero sana sa pagbalik ko... hindi na nag ti-teacher si Sir Delgado. Di joke lang hehe, peace.

"Na e-excite ako mga momshiee!!! Ghad! Kompleto na sila!" rinig kong sigaw ng isa sa mga istudyante na nakapalibot sa amin.

Sana all excited. Hindi kase ako natutuwa eh. Pasan ko sa likod ang academy na ito... This whole kingdom rather.

Pero kahit anong mangyare po-protektahan ko sila, hindi dahil kailangan kong gawin pero dahil napamahal na ko sa lugar na ito. Ilang beses ko na bang nasabi yan? Natutuwa talaga kase ako sa lugar na ito eh. Saka katulong ko kaya ang AOF, kaya ba't ako kakabahan??

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now