Chapter 5- Empyrean

117 52 36
                                    


Yna's POV

Hinila kami ni Josh at patakbo kaming nagtungo sa patutunguan.

Malay ko ba kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng hindi na ko makatiis.

Ba't kase naisipan pa nilang dalhin kami dito eh wala naman kaming kwenta kung malapit na ang digmaan tapos i-ti-train pa lang nila kami, and worst... Wala pa kaming kapangyarihan!

Hindi ko naman pwedeng hingahan yung kalaban tapos hihimatayin sya dahil 2 weeks na kong hindi nag to-toothbrush. Or kaya, hindi ako maliligo starting now hanggang sa araw ng digmaan para hindi ako malapitan ng kalaban. Hay, beri beri wrong.

"Sa Headmaster's office, kailangan nyo munang ma-enroll dito bago manatili sa academy." sagot sakin ni Josh habang naglalakad kami.

Nakita ko sa hindi kalayuan ang dalawa pa naming kasama na nakatayo sa isang pinto na may nakalagay na Headmaster office sa taas.

"San ba kayo galing at bigla nalang kayong nawala sa likod namin?" salubong na tanong samin ni George.

"Sensya na masyado lang kaming namangha sa lugar na toh kaya hindi na namin kayo napansin, hehe.." sagot ko habang awkward na nakangiti sa kanila.

"No need to wonder around dahil dito na rin naman kayo mag-aaral." Jack answered without looking at us. Nakatingin lang sya sa ibang mga estudyanteng dumadaan.

Halatang hindi palasalita itong taong toh. I wonder kung napanisan na ba ng laway si Jack. Ang sungit pa nga ata.

Pumasok na kaming dalawa ni Jessi sa Headmaster's Office samantalang nagpaiwan yung tatlong lalake sa labas at hihintayin na lang daw nila kami doon.

Kinakabahan man ay nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad ni Jessi patungo sa pinaka center table kung saan may nakalagay na headmaster sa ibabaw ng table nya.

May headmaster na ngang nakalagay sa pinto pati ba naman sa ibabaw ng table? Oo na alam na naming Headmaster sya wag nya na kaming pakabahin.

"Ate pano kung hindi pala talaga tayo belong dito at namali lang sila? Pano na tayo nan? anong gagawin nila satin?" tanong sakin ni Jessi na nakahawak sa kamay ko.
Kahit nga ako ayun din ang tanong ko sa aking isip.

"Kahit kailan hindi pa namali ang Empyrean Academy kung sino ang nararapat na estudyante dito."

Bigla nalang may nag-materialize na lalake sa tabi ko kaya napatalon ako sa gulat sabay sigaw ng bahagya. Napansin ni Jessi na gulat na gulat ako kaya napatingin din sya sa tabi ko at napasigaw din sya sabay yakap saking bewang.

"Dito talaga kayo nararapat, sa lugar na ito. Marahil hindi nyo pa na di-diskubre ang kakayanan nyo kaya nagugulat pa kayo sa ngayon pero in time masasanay din kayo." paliwanag nya pa ng nakatingin samin, katabi ko pa rin sya hanggang ngayon.

Malaki ang pangangatawan ng lalaking ito at mukhang mga nasa 50-60 pataas na ang kanyang edad, marahil ito na siguro ang tinatawag nilang Headmaster.

"Pasensya na kung nagulat ko kayo, ayos lang ba kayo?" nakangiting tanong nya samin.

"Matapos nyo pong biglang sumulpot sa tabi namin tatanungin nyo po kami kung ayos lang kami?? Ayos lang kami Sir... ayos lang talaga..." sagot ni Jessi kaya siniko ko sya ng medyo malakas.

"Aray ate! Nakaka-ano kase eh!" sagot nya saken pero simpleng pinandilatan ko sya ng mata sabay tingin ko ulit kay Mr. Headmaster at awkward syang nginitian.

"Hehe... Pag pasensyahan nyo na po yung kapatid ko, lukaret po kase yan." Paumanhin ko sa Headmaster dahilan para ako naman ang sikuhin ng kapatid ko pero hindi ko sya pinansin.

Nginitian lang kami ni Headmaster sabay natawa din sya at naglakad papuntang table nya. Umupo sya sa kanyang swivel chair saka nya kami tiningnan.

"Okay lang, sanay na ko sa mga ganyang reaksyon ng mga batang nag e-enroll dito. Sanay na rin sila na bigla na lang akong nasulpot sa kung saan." paliwanag ni Headmaster kaya nagkatinginan kami ni Jessi at sabay na nagkibit-balikat. Mukhang kailangan kong masanay sa kanya.

"Mukhang hindi po ako masasanay sayo..." Mahinang pagkakasabi ko.

Hindi ko na pinarinig sa kanya at baka sipain nya ko palabas ng Empyrean.

"Eto ang inyong schedule at magiging classrooms nyo. Andito na din ang mapa ng school kung sakaling maligaw kayo dito sa campus. Eto ang inyong dorm key at room number ng magiging dorm nyo. Hindi kayo magkasama sa iisang dorm ng kapatid mo dahil magkaiba kayo ng level, may mga pakikisamahan din kayo sa mga dorm nyo kaya pakabait kayo. Nasa kwarto nyo na rin ang mga magiging gamit nyo para sa pasukan.

Speaking of pasukan next week na iyon kaya may panahon pa kayong maglibot sa academy. Yun lang at maaari na kayong lumabas ng opisina ko." paliwang ni Headmaster habang inaabot nya samin ang mga gamit namin, kinuha naman namin pareho ni Jessi yung mga inabot nya including the keys.

Tumayo na kami ni Jessi ng maging busy na sa pagsulat si Headmaster at saka lumabas ng office nya para di kami maka-istorbo.

"Sayang naman ate at hindi tayo magkakasama sa iisang kwarto." nalulungkot na sambit ni Jessi kaya nalungkot din ako. Masyado lang ate's girl si Jessi kaya nag iinarte, pero baka bukas-makalawa mga friendster nya na ang mga kasama nya.  Lagi nalang kaseng ako ang kasama ng bruha kaya nasanay siguro.

"Okay lang yan Jes. Ayos na din yun para hindi puro ako ang kasama mo. Saka nasa iisang lugar pa rin naman tayo eh, malawak nga lang talaga tong academy kaya hindi agad tayo magkakakitaan."

Nginitian ko sya para sabihing okay lang yan, napangiti na din si Jessy.

Pagkalabas namin ng office ay sinalubong agad kami ni Josh habang tinitigan lang kami nina Jack at George.

"Oh, tapos na pala kayo. Anong dorm number nyo para maihatid na namin kayo?" binigay ko sa kanya yung susi na may nakasabit na key chain kung saan nakasulat dun ang dorm number namin.

Nang makita nya na kung saang dorm kami ay saka ulit kami nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kung saan.

Kapansin-pansin nga na habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante or baka yung tatlong lalake lang yung tinitingnan nila?

"Mukhang sikat dito yung tatlong adik ah?" bulong sakin ni Jessi kaya hininaan ko rin ang boses ko.

"Mukha nga." balik na bulong ko kay Jessi at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Gwapo naman diz boyz

Pinagtitinginan pa ang mga loko,  mukhang sila pa ata ang hearthrob ng Academy.

Una akong hinatid ng mga lalake sa dorm ko saka nila i-hahatid yung kapatid ko sa dorm nya.

"Ingat ka dun Jessi hah?" pagpapaalala ko sa kapatid ko. Nasa labas na kase kami ngayon ng pinto ng magiging dorm ko.

"Opkors Ate, ingat ka din." sagot nya sakin ng nakangiti.

"Mauna na kami, goodluck sa first day mo, Yna." pag papaalam sakin ni George ganon din si Josh pero si Jack ay nanatili paring tahimik.
Bakit pa kaya sumama pa toh kung mananahimik lang din naman sya?

Tinitigan ko ang likod ni Jack habang naglalakad sila paalis. 

Napaka misteryoso naman ng lalaking iyon. Well, let's say that I love mystery at handa akong tuklasin si Jack kung sakaling gustihin ko man.

Eto na at papasok na ko sa magiging dorm ko, medyo kinakabahan pero kery naman. Sana madali silang pakiusapan para hindi ako mahirapan na pakisamahan sila, hayyyyyyyy...

Tama sila, Goodluck sa first day ko.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon