Chapter 25- Comeback Home

61 28 0
                                    


Nagising ako na nakahiga na sa swing bed, sa pagkakatanda ko nakaupo lang ako nun tas nakasandal ako sa balikat ni...

Suddenly, I remembered Jack... na napansing kong nakayakap sa akin mula sa likod. Backhug?

Babalik na sana ako sa pagtulog nung ma-realize kong nakayakap sa akin si Jack. Potah, si Jack nakayakap sa akin!

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ni Jack sa bewang ko bago ako umupo sa swing bed at huminga ng malami.

Whoah... Nakaalis din.

Lalakad na sana ako papaalis ng biglang may nagsalita.

"San ka pupunta?"

"AHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako dahil sa gulat pero kumalma agad ako ng makita ko ang seryosong mukha ni Jack na nakatingin sa akin.

"Eh... Kase... Baka hinahanap na nila tayo, so..." Pagkasabi ko nun tumayo si Jack at naunang naglakad palayo sa akin papasok ng Templo.

Hala ka, parang tanga. Iniwan ako? Hayyyy...

Sumunod nalang ako dahil wala akong magagawa kapag ganyang moody si Jack.

Pagka-dating namin sa loob ng Templo nakita ko silang lahat na AOF na nasa hapagkainan.

"Saan kayo galing?" Tanong sa amin ni Frena, kinabahan ako sa tanong dahil 'di ako sure sa isasagot ko.

"Sa labas." Sagot ni Jack. Napakunot ang noo nilang lahat pwere lang kay Everest na nakaupo sa pinakadulo ng hapagkaininan.

Nagtaka ata sila sa sinagot ni Jack.

"Ginawa nyo dun? Pag-gising ko wala si Yna sa kwarto." Tanong ni Gary kaya kinabahan ako, ewan ko kung bakit ako kinabahan, basta kinabahan ako.

"Same. Pag-gising ko, hindi ko nakita si Zach sa kwarto." Dagdag pa ni George.

"Ahh... Sabay kase kaming maagang nagising ni Zach tapos nag-kasalubong kami sa hallway. Dahil maaga pa naman, parehas naming napag-desisyonan na mag-pahangin muna sa labas kanina."  I explained while smiling awkwardly.

Napansin kong nakangiti si Everest kaya napatingin ako sa gawi nya at nang magtama ang tingin naming dalawa ay saka nya ko ay tinawanan  na para bang alam nya kung ano ang tunay na nangyare.

Naalarma ako na baka sabihin ni Everest sa AOF yung tunay na nangyare, patay kaming dalawa ni Jack kung sakaling sabihin o ipagkalat niya. Ma-issue pa naman sina Lorin, Josh, at Gary.

Nakalimutan kong Templo nya ito. Malamang alam nya kung ano ang mga nangyayare sa loob ng templo nya.

"Magsikain na lamang tayo." Utos sa amin ni Everest kaya nakahinga ako ng maluwag, nakiupo na din kami ni Jack sa hapag.

"Alam ko." Nang-aasar na ngiting bulong ni Madam Everest sa akin ng tumabi ako sa kanya sa lamesa, nanlaki ang mata ko sabay ngiti ng peke.

"Ahehehehe. Good for you, Madam." Sabi ko sabay tinutok ko ang aking atensyon sa pagkain.

.

.

.

NASA labas na kami ng templo ni Madam Everest. Ready na kaming maglakbay muli pabalik sa bahay ng mag-asawang Vann sabay kailangan na lang naming ihatid ang mag-asawa sa Empyrean.

"Mag-iingat kayo." Pagkatapos magpaalam ni Madam Everest samin ay nagsi-yukuan kaming lahat bilang paggalang.

"Masusunod po." Sagot ni Gray sabay suot ng backpack nya sa likod.

Ready na kaming umalis kasama si Minuet na nasa loob ng bagpack ni Jack. Halata ngang tuwang-tuwa si Minuet dahil nasa bag sya ni Jack.

Hindi sinarado ni Jack ang bag nya kaya wag kayong mag-alala kay Minuet, hindi pa naman ganon kasama ugali ni Jack.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon