Chapter 7- About Empyrean

112 50 39
                                    


Hindi ako makapaniwalang makikita ko ang kapatid ko at ang tatlong lalaking ito dito sa canteen kaya masaya akong lumapit sa kanila.

"Jessi!" sigaw ko dito at agad syang niyakap, niyakap nya rin ako pabalik, kaya ang labas nagyakapan kame, Gets?

"Yna!" nung makikiyakap na rin sana si Josh ay hinigit na sya ni George.
"Nakikisama ka pa, kapatid ka ba!?" sigaw ni George kay Josh na napa nguso na lang.

"Kamusta na Jessi? hindi ka ba inaaway ng mga ka-dormmate mo?" nag-aalala kong tanong.
"Wag kang OA, Ate. Hindi nila ako inaaway, sa katunayan kasama ko pa sila ngayon! Bumibili lang silang pagkain namin tapos nakita ko itong tatlo kaya kinamusta ko na po sila." paliwanag ni Jessi.

"Ay sayang hindi ka inaaway ng mga ka dorm mate mo, tsk. tsk." saad ko pa kaya hinampas ako ni Jessi sa braso, napadaing naman ako.
"Grabe ka ate!" sigaw nya sakin pero nginitian ko lang sya at niyakap.

"Kamusta na kayong tatlo?" tanong ko sa tatlong lalake nung binitawan ko na si Jessi.
"Okay lang kami, wala ka pa bang improvement?" tanong ni Josh nung sagutin nya ang tanong ko, nagtaka naman ako sa sinasabi nyang improvement. Ano ko aso?
"Hah? pinagsasabi mo dyan?" takang tanong ko.

"Hay nako ate, yan din ang tanong nya sakin kanina, bigla ka lang dumating kaya di ko nasagot." sabat ni Jessi.

"Ang ibig kong sabihin eh, kung nakakaramdam na ba kayo ng magic?" paliwanag ni Josh.

"Wala sakin, baka sayo meron." baling ko kay Jessi na tinuro ko pa pero umiling ito.

Nagkatinginan sina George at Josh, bigla namang nag-walkout si Jack na hindi man lang nagsalita kanina. Kung hindi ko nga sya nakita hindi ko sya mararamdaman. Kayo? naramdaman nyo ba sya? Hindi diba?

"Alis na kame, nagugutom na kase yun." paalam ni George na tinuro si Jack at umalis na. Agad namang sumunod si Josh sa kanya kaya sinundan ko sila ng tingin at nakita ko silang umupo sa isang bakanteng table kaya hinayaan ko na lang.

"Ah, sige ate, kita na lang tayo. Baka kase hinahanap na ko nung mga ka-dormmate ko iwan pa ko ng mga yon! Ang laki pa naman ng academy, di ko alam pabalik ng dorm." Paalam ni Jessi at umalis na kaya bumalik na lang din ako sa table namin nina Frena. Nakita ko naman ang tatlo na nakatitig sakin kaya nagtaka ako.

"Ano yang tingin na yan? nakapatay ba ko ng di ko alam?" takang tanong ko sa kanila at umupo sa tabi ni Katie.

"Ka-ano-ano mo yung tatlo kanina?" tanong ni Katie.

"AH, yung mga lalake kanina? yun yung mga sumundo sa amin ng kapatid ko." paliwanag ko na nasubo na ng pagkain.

"Talaga!? Yung pinakamatataas na ranggong estudyante pa talaga ang sumundo sa inyo!" manghang sabi ni Mia.
"Hah? pinagsasabi mo dyan?" tanong ko.

"Ang tatlong yun ang pinakamalalakas na estudyante dito. Kasama sila sa ranking kaya ginagalang sila dito sa Academy." poker face na paliwanag ni Frena na kumakain na rin.

"Weh?? Talaga?? Pwede bang ipaliwanag nyo pa sa akin ang tungkol sa academy na ito? Marami pa ata akong hindi alam." suggest ko.

"Mamaya na lang pag-balik natin sa dorm, ipapaliwanag namin sayo ang lahat." nakangiti ng sabi sakin ni Frena at napatango naman ang dalawa pa naming kasama.

"Salamat hah?" masayang pagpapasalamat ko.
"Ano ka ba? Parte ka na ng academy kaya karapatang mong malaman ang lahat." sabi pa ni Mia na nakangiti sa akin.

"Tama sya, kaya pagbalik natin sa dorm... Ipaalala mo samin na magkukwento kami sa iyo. Pare- parehas kaming makakalimutin eh." awkward na ngumiti si Katie nung sabihin nya yun kaya napatawa ako--kaming apat saka nagpatuloy sa pagkain.


"Gusto kong tapusin nyo iyang project na yan by Wednesday, understood?" utos ni Mr, Delika-- Delgado na ikinangawa naming lahat.

"EEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sabay sabay naming ngawa. Oo namen!

Ikaw ba naman ang sabihan na gumawa ng essay about math na may 10,000 words??!! At ang malupet pa ay sa Wednesday nya na pinapapasa eh Monday ngayon! Feeling nya ba sya lang ang pinakikisamahan naming teacher?!  Gusto nya pa nga kasama sa essay yung mga pinag-aralan namen simula Grade 7 hanggang ngayon.

Malupet ang klase naming ito mga dre~

Why life? ba't ganto? ba't nandito tong teacher na toh?!

Lumabas kaming lahat ng room na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. May ilan pa nga kong mga kaklase na tinatapik kami sa likod para sabihing... 'okay lang yan makakaganti din tayo'.

Well, may plano kase itong classroom namin na painitin ang ulo ni Sir para lalo syang makalbo, wala ngang alinlangan na pumayag ang mga kaklase ko at pati na rin syempre ako.

Hindi naman sa I hate math pero parang ganon na nga. Hindi ko naman hate ang math noon pero dahil si Mr, Delgado ang teacher namin sa math ngayon, pasensyahan na math... cool-off muna tayo ngayon, hayyy.

"Pag ako lalong nainis kay Sir pati buhok nya sa kilay, mawawala!" banta ni Katie na bahagya kong kinatawa pero bigla na lang akong tiningnan ng masama ng tatlo kaya natahimik ako.

Mukhang seryoso silang patumbahin ang teacher na yon ah, HAHA.

Nakarating kaming apat sa dorm at pabagsak na napaupo sina Frena at Mia sa sofa. Si Katie naman magluluto na sa kusina samantalang ako ay kumuha ng tubig sa ref saka ko sinamahan sa sofa sina Frena.

One week and a half pa lang ako dito pero nakatikim agad ako ng pag-hihirap. Ano ba naman klaseng buhay toh, huhu.

Nang maihanda na nina Katie ang pagkain ay sabay-sabay na kaming kumain. Naalala ko naman yung ipapaliwang nila sa akin tungkol dito sa academy. Mamaya na lang siguro dahil pare-parehas kaming pagod ngayon.

NAKATAMBAY kami ngayon sa sofa at nanonood ng TV nung bigla kong banggitin yung ikukwento daw nila sa akin kaya tiningnan nila ko.

"Oo nga pala, mag i-story telling nga pala tayo ngayon." si Mia na umayos ng upo at humarap sakin.

Unang nag-kwento si Frena kaya nakinig kami ng mabuti sa kanya.

"Yna, ang academy ay may ipinapatupad na ranking kung saan nakatala dito kung sinu-sino ang pinakamalalakas dito sa Empyrean Academy. Once a year kailangang maglaban-laban ang mga istudyante para sa ranking." paliwanag nito.

"Para saan ba ang ranking? Ba't kailangan pa ng Academy ng ganon?" tanong ko, sinagot naman ako ni Katie.

"Ang mga nasa ranking kase ang nagkokontrol sa behaviour ng mga estudyante dito sa Academy. Kumbaga parang SSG lang, pero mas mataas at mas ginagalang ang ranking kesa sa mga teachers natin dito. Sila din ang mga nasusunod sa academy bukod sa headmaster, para sa kapayapaan ng school. Ang mga istudanteng nasa ranking ay sinasabak sa mga mahihirap na misyon. 

Ang pagbibigay naman ng grades dito sa academy ay kung malakas ka makakapasa...kung hindi, bahala na." paliwanag ni Katie. Pero may pinagtataka pa din ako kaya nag tanong pa ko.

"Sinu-sino ba ang mga nasa ranking?" tanong ko na sinagot naman ni Mia.

"Sampu ang mga nasa ranking at umpisahan natin sa pinaka mababa...

#10 si Frena, Oo nasa ranking ang babaeng yan. Malakas naman kase si Frena at medyo kinakatakutan sya dito sa Academy dahil sa ugali nyang di pala kaibigan at napakasungit, madalas pang snob. Kahit ako na i-snob na nan eh." paliwanag ni Mia na naka-pout pa, inirapan naman sya ni Frena.

Pansin ko nga rin na hindi masyadong namamansin si Frena, kala mo kung sinong Famous HAHA.

"Sinu-sino pa ang nasa ranking?"

***

Halata po bang walang galang si Jessi?? HAHA

Pagpasensyahan nyo na lang sya, ganon talaga eh HAHA.

~sandara🖤

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now